Chapter 25: In Denial stage

199 16 4
                                        

Charmie's P.o.V

"Ano ba Emceee! Layo! Layo! Shoo! Shoo!"sigaw ko kay Emcee.

Matindi kasi 'tong si Emcee. Simula nung gabing nag lasing sila ni Kuya Glenn sa bahay, ito, laging nakatutok ang mata sa'kin. Laging nakabantay at baka mawala na naman daw ako ng bigla at di mag pakita.

"Tch! Ang arte mo, hindi ka naman na lugi sa'kin. Fiance mo nga ako diba! Nakalimutan mo na ba 'yon?"

Natigilan naman ako sa pag lalakad maging si Kiara na kanina pa tulalang nakatingin sa aming dalawa at maging ang mga estudyanteng nakarinig sa isinigaw ni Emcee! Kutong lupa talaga 'to! Kailangan ipangalandakan 'yon? Saka, nakalimutan niya atang, lahat ng iyong ay pag papanggap lang.

"B-basta! Doon! Alis!"pag tataboy ko kay Emcee saka hinila ang kamay ng tulalang Kiara at saka iniwan siya.

"Hoy Babe! Hihintayin kita sa tapat ng klase niyo! Walang makakapigil sa'kin!"sigaw ni Emcee.

"Tsss. Babe Babe! Hindi ako baboy!"bulong ko.

"Kailangan nakangiti girl? Saka Wala daw makakapigil sa FIANCE mo. Aba, pumapabebe ah."tanong ni Kiara sa'kin.

Ako nakangiti?

"H-hindi ah! May naalala lang ako joke. Psh! Saka hayaan mo siya. Nakikiuso sa mga pabebe."

Stress, stress! Ilang araw na lang mag papasko na, sana naman lubayan ako ng mga asungot.

"Hoy Charmie, ako naguguluhan na talaga. Ano bang nangyayari sa'yo? I mean, alam ko namang aburido ka kapag nandyan si Marcus pero pakiramdam ko na hindi ko kasama ang best friend ko one week after mong biglang mawala dito sa school. May nangyari ba?"

Haaay, hindi talaga ako makakalusot o makakapagtago ng iniisip dito kay Kiara. Huhu. Hindi ko naman pwedeng sabihin na may babaeng nag sasabing nanay ko daw? Remember nung dinukot ako este isinama pala ni Trevor? Teka balikan natin.

_FLASHBACK_

"Parang kilala po kita na hindi."bungad ko sa babaeng palapit sa'kin.

Promise! Parang nakita ko na talaga siya kung saan. Pamilyar ang mukha niya sa'kin.

"A-anak..."tawag niya sa'kin na tila paiyak at nanginginig na inilapat ang kaniyang dalawang palad sa mag kabila kong pisngi.

Hala! Anak daw? Oo! Siya 'yon! Siya yung babaeng tinawag din akong anak sa mall! Sabi niya, anak ang tawag niya sa lahat ng mga nasa edad ko. hehe. Buti naalala ko kundi aakalain kong siya si Sisa. Hehe.

"H-hello po."bati ko sa kaniya kahit ang awkward sa pakiramdam. Tsk! Yari ka sa'kin Zoro este Trevor! Hindi man lang kinalas yung mga taling nakatali sa'kin. -_-

"Matagal na kitang hinahanap."

Eh? Ano daw? Hinahanap?

"A-anak ko..."umiyak na siya saka ako niyakap ng mahigpit.

"Ah eh. H-hindi po ako makahinga."sabi ko tapos bigla naman siyang kumalas sa pag kakayakap.

Patuloy pa din siyang umiiyak pero nakangiti na nakatingin sa akin.

"P-pasensya na po, kung inaakala niyo pong anak niyo ako, nag kakamali po kayo. Patay na po kasi ang mama at papa ko. Hindi po ako ang anak niyo. Ang malas naman po ng anak niyo, mukhang kamukha ko pa. hehe."sabi ko sa babae.

Hindi nag bago ang ekspresyon ng mukha niya sa halip ay ngumiti pa ito at umiling iling.

"Hindi, ako... Ako hija ang totoo mong ina. Mahabang istorya pero saka ko na sasabihin pag okay na ang lahat. Wag kang mag alala. Malapit na. bago mag bagong taon hija, malilinawan ka na. G-gusto lang talaga kitang makita ngayon anak."sabi niya saka niyakap akong muli.

Ugly Pretty CharmieWhere stories live. Discover now