Charmie’s P.o.V
Napag tawanan na naman ako kanina sa room pero hindi naman ako sobrang nasaktan dun. Mas nasaktan ako ng nalamang wala na dito sa school si Kelvin. Nalulungkot na nasasaktan na ewan,siguro mag kadikit na talaga yung dalawang salita na yun sa isa’t isa. Lingid naman sa kaalaman niyo diba na hindi pa ako nag kaka-boyfriend so bago lahat para sakin ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung ano angtamang i-react sa pag alis ni Kelvin. Yun ba ang motibo niya? Mag paasa? Siguro tama nga ang nasa isip ko noon. Naawa lang talaga siya sakin kaya naging nice siya. Kagagahan ko naman nag assume ako na may extra something special sa actions niya.
“Girl! Alam ko yang iniisip mo. Mali yan lahat. Wag mong pangunahan yung tao.”wika ni Kiara.
Nandito kami sa cafeteria ngayon. Kumakain kami ng lunch. Pero sa nararamdaman ko hindi ko ata mauubos ‘tong pagkain. Huhuhu!
“At kailan ka pa naging mind reader ha? Para kang si…”ako.
“Si…?”siya na nakakunot ang noo at nag aantay sa pangalang babanggitin ko.
Hindi pa pala niya alam yung tungkol kay Marcus. Saka ko na ie-explain sa kaniya yun o siguro wag na lang. iingatan ko na lang na hindi malalaman ng kahit sino na instant alalay ako nung lalaking yun,wala naman sigurong mangyayari na kakaiba,i mean imposibleng susulpot yun dito halimbawa tapos gumawa ng eksena diba? Obvious naman na ingat na ingat siya sa image niya na di ko naman malaman kung bakit. Artista a siya? Model? Tsss.
“Wala. Kumain na nga lang tayo.”pag iiwas ko.
Haaay! Wala namang KAMI ni Kelvin pero para akong girlfriend na iniwanan ng boyfriend. T.T
“May pinapasabi si Kelvin girl kaya wag ka ng mag i-emo dyan!”sabi ni Kiara na agad namang nabuhayan ako ng loob.
“A-ano daw sabi niya? Galit ba siya sa hindi ko pag punta? Saka… b-bakit daw siya umalis…?”tanong ko.
“Hindi siya galit ano ka ba. Mukhang naintindihan nga niya na mas kailangan mong mag tanggal ng agiw ano! Wala siyang malinaw na dahilan pero sabi niya hintayin mo daw siya. Babalikan ka daw niya. Oh ano? Ok ka na girl?”tanong ni Kiara sakin ng nakangiti.
Waaahhh! Ano ba talaga Kelvin? Naguguluhan na ako sayo ha! Ako’y litong lito.
“Wow as in wow! Totoo ba ‘tong nakikita natin?”
“Ang gwapo talaga niya. Kahit anong gawin niya ang cool cool!”
“Girl para akong mano-nose bleed! Tingnan mo oh,nag liliwanag ang paligid niya dahil sa ka-gwapuhan!”
Bulungan dito ng mga estudyante sa cafeteria na kumuha ng atensyon namin ni Kiara. Teka sino ba tinutukoy ng mga to--- biglang nandilim lahat ng paligid ko dahil pag lingon ko sa mga tinitingnan ng mga school mate namin sa may main entrance ng cafeteria ay nakita ko ang isang tukmol at ang alepores niya. Humarap muli ako kay Kiara ng nakapoker face na.

YOU ARE READING
Ugly Pretty Charmie
HumorNormally sa isang pangit,isa lang ang napapansin,ang mukhang may kapangitang taglay. Katulad ko... Lait dito,lait doon... Pero lahat mababago, Nang dumating ang naaapakadaming twist sa buhay ko. Ang mga wala ako noon,mag kakaroon na ngayon. Swerte n...