Charmie’s P.o.V
“KIAARAA!!”tawag ko sa bestfriend ko ng makita ko siya sa parking lot ng school.
Nakasandal siya sa hood ng kotse niya ng nilingon niya ako. Ngumiti lang siya pero bakas ang lungkot.
“Girl musta na? namiss kita ah.”sabi niya sakin ng makalapit ako sa kaniya.
“Namiss? Talaga? Eh bakit ang mukha mo para kang namatayan?”tanong ko sa kaniya.
Hindi muna siya nag salita sa halip ay kumapit siya sa braso ko saka hinila ako mag lakad.
“Sabihin mo nga Kiara san ka ba talaga nag punta kahapon? Nagkita ba kayo ni Dweighn? Hindi rin kasi pumasok yun. Ano bang nangyari?”sunod sunod kong tanong.
“Girl sa kagagahan ko kagabi nag lasing ako,at muntik pa akong halayin.”kiara.
Pagkasabi na pag kasabi niya ay napasigaw ako.
“ANOO?! H-hindi nga?!”
Chineck ko yung katawan ni Kiara,pinaikot ikot ko siya,baka kasi may nawawalang parte na ng katawan niya.
“Ssshh! Girl ang lakas ng boses mo. Saka muntik lang naman eh.”sabi niya.
Aba mukhang masaya pa siya ah!
“Bakit ka ba kasi nag lasing babaita ka ha?!”pabulong kong sigaw sa kaniya.
Jusko naman! Nakakawindang ang pang umagang balita niya sakin!
“Eh kasi nag usap kami kahapon ni Dweighn,tapos sinabi niya lahat ng dapat niyang sabihin,then nasaktan ako kaya imbis na umuwi ako nag punta ako sa bar tapos ayun na nga,pero may tumulong naman sakin eh kaya hindi natuloy yung pang hahalay sakin.”paliwanag niya.
Bakas sa mukha niya yung takot pero mas nakakalamang ang lungkot. Alam ko sa likod ng mga mata niya,nandun pa din yung issue nila ni Dweighn.
“Sa susunod nga pag mag lalasing ka tawagan mo ko,para may taga bantay ka! Nako talaga pinag aalala mo ko ang aga aga.”sabi sabay hampas sa braso niya pagkatapos ay bigla niya akong niyakap.
“Thank you best friend ha?”sabi niya sakin.
“Para saan naman yang thank you mo Kiara? Ang drama mo ha? Papaiyakin mo pa ako eh!”biro ko.
“Thank you sa lahat,kahit na ang arte arte ko nandyan ka pa din sa tabi ko.”
“Kahit kelan hindi kita iiwan best friend basta itigil mo lang lahat ng kagagahan mo,marami akong pag iintindi pero ang pangungunsinti out of stock!”

YOU ARE READING
Ugly Pretty Charmie
HumorNormally sa isang pangit,isa lang ang napapansin,ang mukhang may kapangitang taglay. Katulad ko... Lait dito,lait doon... Pero lahat mababago, Nang dumating ang naaapakadaming twist sa buhay ko. Ang mga wala ako noon,mag kakaroon na ngayon. Swerte n...