Chapter 17

133 4 0
                                        

"Pag natapos ang lahat ng ito , pangako sasama ako sayo Henrix. Dito man sa lupa ,o sa langit. Te quierro mucho ,Henrix. " umiiyak na sabi ko.

" Te amo hasta que acabe el infinito, que nunca es mi corazon . " ganting tugon nito.

Mas napahagulgol ako. Yan ang huling sinabi ni Marco kay Ysabel bago bawian ng buhay.

"Saan sa tingin nyong lupalop ng mundo kayo tutungo na hindi ko masusundan ha, Ysabel. "Si franco na humahangos na lumapit sa akin at hinawakan ako ng mahigpit sa braso. Kasunod nito ang apat pa.

Nagngangalit na tinitigan ko sya.
"Eto ba yung gusto mo ! Ang makapanakit ng tao para lamang sa sariling mong kapakanan !. Youre so selfish ! ".
Aniko na hinablot ang kamay mula sa pagkakahawak nito.

Dumagundong ang tawa nito sa madilim na paligid.
" kung sana'y nakinig ka sakin. Hindi tayo hahantong sa ganitong karahasan !" Anito na hinablot muli ang braso ko.

"Rafael ! Kunin mo si marco . Alam nyo na ang gagawin sa lapastangan na iyan !"
dugtong nito na pilit akong hinila.

"Ano ba ! Bitiwan mo ko. !" Pagpupumiglas ko.

"Bitiwan mo sya Franco ! ". Hirap na sabi ni Henrix.

Napalingon ako kay Henrix na pilit tumayo.
Napasigaw ako ng malakas na sinuntok ito ng dalawang sundalo. Sa nanghihinang katawan ay nakipaglaban din ito. Isang putok muli ng baril ang nakapag pahiga kay Henrix.

"Hindiiiiiiii !" " sigaw ko na bumitiw kay franco .

Kinasa muli ng sundalo ang baril at tinutok kay Henrix.

Patakbong iniharang ko ang sarili kay Henrix saka isang putok ng baril muli ang maririnig.

"Waaaggg ! " sigaw ni Franco.

Napa-atras ang dalawang tauhan sa nakitang duguang dibdib ng kanilang senyorita. Mabilis na tumakbo upang lisanin ang lugar.

Galit na nilabas ni franco ang baril at pinaputukan ang sundalong nagpaputok ng Huling balang tumama kay Arianne.

Mabilis na lumapit si Franco at hinawakan ang anak.
"Ysabelllll !" Malakas na sigaw nya habang hawak ang wala ng buhay na katawan.

Ang isang sundalo ay hindi malaman kung sino ang lalapitan. Kung ang senyor ba o ang kapatid na sundalong binaril ni Franco. Ang huli ang pinili. Sa galit ,inilabas ang baril at sa nanlalabong paningin ay binaril sa ulo ang naghihinagpis na si Franco .

Pagsikat ng araw. Isang bangkay ang natagpuan. Katawan ni Franco. Nagulat ang lahat ng nakakakilala sa nabalitaang pagkabaril ng pinakamakapangyarihang tao sa kanilang nayon. Ang iba'y nakiluksa , ang iba nama'y nagdiriwang sa pagkamatay ng mortal na kaaway at manipulador .

Sa hindi matahimik na kalooban ,Ang dalawang tauhan ng asyenda na syang kasama ni Franco ay umamin at isiniwalat ang lahat ng naganap ng gabing iyon.

Maraming kuro-kuro ang nagsimulang kumalat sa bayan. Ang asyenda ay ipinamana sa malayong kamag-anak nina Franco. Si Senyor Ademar nama'y namatay din matapos paslangin ng taong pinagkakautangan nito dahil sa sugal.

Samantala, pinaghahanap pa rin ang katawan nina Marco at Ysabel na ayon sa dalawang tauhan ay wala ng buhay ng huli nilang makita.

Walang makapag-turo kung nasaan ang dalawa. Kung totoong namatay ba ,o buhay muli at umalis lamang. Ilang beses silang pinahanap ngunit lahat ng naghanap ay umuwing bigo.

Kung nasaan sila ? Walang nakaka-alam.

Youre mine, then ,now and always.Where stories live. Discover now