Chapter 1

638 10 0
                                    

"Hindi kita iiwan , pangako yan."

*nahihirapang sabi ng lalaki na nakahiga sa kandungan ng babae*

"tumigil ka na nga ,ayokong mawala ka.hndi ko kya'

naiiyak na sabi ng bbae hbang hinahaplos ang mukha nito.

"me encarta por to da la eternidad mi amor" anito saka binawian ng buhay.

---

'' aahh ! ''  Sabay bangon. hinahabol parin ang paghinga.

" Paulit-ulit na panaginip  , dinaig ko pa ang binabangungot "

Sabi ko na hinawakan ang dibdib na malakas parin ang kabog.

Hello , ako si Arianne . 18 years old. 2nd year college sa  University of the philippines. .

Sembreak na , kaya siguro dinadalaw na naman ako ng paulit-ulit kong panaginip.Tuwing ganitong buwan kasi ako dinadalaw ng hndi ko maintindhang panaginip, Nagsimula ito ng ika-labinlima kong kaarawan. isang babae , isang lalaki na nakahga sa kandungan ng babae, duguan sila pareho . at ako ,nasa gilid lang .

Gusto ko silang lapitan at tulungan pero di ko magawa , parang dinikit ang mga paa ko sa sahig at hndi ako makakilos , na para bang binalot ang katawan na hindi ako makagalaw kahit anong gawin ko. Nakakalitong pangyayari.

"yan , gumising ka na , nasa baba na ang mga classmate mo" sigaw ng  mama ko, sa labas ng kwarto ko.

Napabangon akong bigla " Andyan na sila ? anong oras na ba ? " Tiningnan ko ang wall clock na nakasabit  " oh my god ! past 8 na pala !" 

Dali dali akong bumangon at inasikaso ang aking morning habit . mabilis akong naligo , nagsipilyo , nagbihis at inayos ang aking sarili.  

Nagpasya kaming magkakaibigan na sa bahay nila Claire kami  magbabakasyon . One week ang napag-usapan namin na pag stay dun. Sina Claire ,Ivan , Mimi , Third at Henrix ay mga classmate ko . At  alas siete ng umaga ang umaga ang usapan namin na magkikita-kita sa school. 

Mabuti na lang at inayos ko na kagabi pa ang mga dadalhin ko . Mabilis akong bumaba , naroon na nga ang mga kaibigan ,prenteng nakaupo sa sala namin.

"Yan , ang tagal mo naman. alas nueve na oh. nakalimutan mo ba na  ? ''  naiinis na wika ni Mimi. 

" Im so sorry guys. napa-sarap ang tulog ko. nakalimutan ko din mag-alarm" sabi ko na inabot ang bigay na gatas ni mama sakin at ininom.

" Okay lang , pero last na  late na to huh "  sabi ni Claire.

 " Sinundo ka na namin dito para deretso na tayong makapunta ng Bulacan. kotse ni Henrix ang gagamitin natin. " sabi ni Ivan .

" Thanks , sorry ulit " at binalingan ko si mama " ma alis na po kami para makarating kami dun before Lunch " saka ako yumakap sa kanya.

Sa labas , naroon ang sasakyan ni Henrix- ang aking Mortal enemy. Ewan ko ba kung bakit simama pa nila to eh alam naman nilang nagkakaroon ng Worl War 3 kapag magkasama kami. Siguro kasi alam nito ang way papunta doon dahil pinsan ito ni Claire at palagi daw ito doon. Pero bahala na , tutal sa kanyang sasakyan naman ang gagamitin . Atleast nakatipid kami sa pamasahe.

Si Henrix ay pumasok na sa sasakyan sa drivers seat dahil obviously ito ang magmamaneho.

Sina Claire at Ivan ay sa likuran pumwesto . Magbestfriend ang dalawa kaya malabong mapaghiwalay. Sina Mimi at Third naman sa pang-gitnaang upuan . Balita ko MU sila . 

hmmn. teka nga muna , kung sila mimi at third ang magkatabi. at sina claire at ivan naman . kung ganon ako? " teka nga muna. ba't nagkanya-kanya kayong pwesto agad ? uie claire" baling ko kay claire " palit tayo . dun ka sa pinsan mo tumabi." 

" yan , hindi pwede . Dun ka na lang kay kuya Henrix tumabi dahil atleast si kuya hindi nangangagat  , etong si Ivan , may rabies to . kamag-anak nito mga aso eh" sabi ni claire na inakbayan si Ivan.

" Ouch ! sakit nun ah best , aso talaga? " sabi ni Ivan na sinapo ang puso kunwari nasaktan sa sinabi ng kaibigan.

"Okay lang kahit aso yan , pusa naman ako , hindi kami talo kaya sige na please . ako na lang dyan, " pagsusumamo ko.

"Bakit yan ? takot ka bang makatabi ako" nakangising sabat ni Henrix.

" Duh. Talagang dapat akong matakot saiyo , eh may lahing sigbin ka kaya , mas malala kesa aso" 

Natawa  ito " Sigbin ? okay sige sigbin na kung sigbin . halika na dito. kasi kahit sigbin ako . I wont bite . ------- Hard. "

Pinanlisikan ko sya ng mga mata. " Hindi ka talaga matinong kausap " aniko . Sumakay na lang sa harapang upuan dahil mukhang walang balak makipagpalit ni isa sa kanila.

" Tatabi ka din pala, pakipot ka pa" nangingiting sabi ni Henrix at ini-stat na ang ignition.

Kung dito pa lang sa sasakyan asar talo na ko. what more pa sa pupuntahan namin. Hindi kaya matanda nako pag-balik dahil sa kunsimi sa lalaking ito ?

Youre mine, then ,now and always.Where stories live. Discover now