Chapter 14

131 3 0
                                    

Malapit ng dumilim. Lahat ay naghahanda para sa hapunan. Si franco ay prenteng nakaupo habang nagbabasa ng mga sulat na natanggap kanina. 

Ilang oras na lamang at magtatagpo na kami ni henrix. Kailangan kong mag-ingat . Kailangan maging okay lahat. Kailangang hindi magduda ang mga tao sa paligid. Lalong lalo na si Franco. 

Huminga ng malalim bago lumakad palapit kay franco. 

"Papa." Aniko ng makalapit. 

Nag angat ito ng paningin. 

" ikaw pala , ysabel. Halika't maupo ka muna habang hinihintay ang ating hapunan." 

Naupo ako. Pilit tinatago ang kabang nararamdaman. Kailangan ko makipag usap sa kanya ng maayos para hindi sya mag halata at hindi ako pagdudahan. 

" Malapit na ang araw ng iyong kasal ,hija. May nais ka bang iregalo ko sainyong nalalapit na pag iisang dibdib ? Sabihin mo ang iyong ibig at akin iyong paluluguran. " sabi nito . 

"Wala po papa. Ang nais ko lamang ay maging maayos ang lahat." 

" kapag naikasal kayo ni Manuel ay magiging maayos ang lahat Ysabel , tinitiyak ko iyan. " 

No , imposibleng maging maayos lahat . Muntik ko na iyong maisatinig . Mabuti na lamang at napigilan ko ang sarili. 

"Pagkatapos ng kasal papa , saan kami titira ?. " sabi ko na itinago ang namumuong galit. 

"Sa bahay ni Manuel . Dun na kayo manunuluyan at bubuo ng pamilya. " 

Tumango-tango ako. 

Isang katulong ang nagsabing handa na raw ang hapunan. 

Tahimik lang kaming kumain. Mas pabor iyon sa akin dahil hindi ko nais makipag usap. Ang isip ko ay naka-sentro sa gagawing pagtakas. 

Matapos kumain ay dumeretso na ako agad sa kwarto upang paghandaan ang gagawing pagtakas. 

Mabilis na lumipas ang oras . Tulog na lahat ng tao sa buong kabahayan. Ilang minuto na lang at darating na si Henrix. 

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng aking silid at lumabas. Tiningnan muna ang bawat paligid , at ng matiyak na wala ngang tao ay lumakad ako. Maingat ang bawat hakbang hanggang sa makababa ng hagdan. Sa likod bahay ako dumaan. 

Maliban sa aking sarili ay wala akong ibang gamit na dinala. 

"Arianne . " Napalingon ako sa mahinang tawag na iyon. 

Napangiti ako ng makita kung sino ang tumawag. Sabagay, Sino ba naman tatawag sa aking pangalan sa panahong ito maliban dito. 

"Henrix ! " . Bulong kong sabi na hindi ko alam kung narinig nito. 

Mula sa pagtatago sa halaman ay lumabas si Henrix at sinalubong ako ng mahigpit na yakap. 

Niluwangan niya ang yakap at hinalikan ako sa noo. 

" masaya ako kasi sasama ka. " sabi nito na idinikit ang noo sa noo ko. 

"Anong bang klaseng pag-iisip yan. " 

"Baka kasi hindi ka sumama at ayaw mo ng bumalik sa panahon natin. Natakot ako na baka kumportable ka na dito dahil sa maginhawang buhay ,at mayamang lalaking ipakakasal sa iyo . " mababatid sa tinig nito ang paninibugho. 

Paninibugho? Napangiti ako sa naisip. 

" hindi ako. Kundi kay Ysabel. "Pagtatama ko sa sinabi niya tungkol sa pagpapakasal sa mayamang lalaki.

"At hindi mo kailangang matakot. Ayoko dito Henrix, bumalik na tayo sa panahon natin . " sabi ko na ang mata'y tila nais ng lumuha. 

"Halika na ,aalis na tayo mahal ko. " sabi nito na hinawakan ang kamay ko at mabilis na lumakad palayo akay ako. 

"Saan mo balak dalhin si Ysabel ,Marco ! " dumadagundong sa galit na tinig mula sa aming likuran 

Sabay kaming napalingon. Mula sa di kalayuan ay naroon ang lima katao. Dalawang unipormadong sundalo , dalawang lalaki na kung wawariin ay tauhan ng asyenda. At sa gitna nila. 

Iniharang ni Henrix ang sarili sakin at pinuwesto ako sa likod niya. 

Napasinghap ako . At sa nanlalaking mata. 

"Franco !"

Youre mine, then ,now and always.Where stories live. Discover now