Nagsasalubong ang mga kilay na tiningnan ko si Henrix. Nagulat ako sa suot nya . maging ang akin ay iba na din . Nilinga ko ang paligid .ang kwartong aking inukopa ay parang ibang kwarto . at ang mas ikinagulat namin ,ay ang pag tingin sa bintana. umaga na !
"Henrix anong nangyayari ?" natatarantang tanong ko.
" Hindi ko din alam arianne, pati ako naguguluhan." anito na muling nilibot ng tinging ang buong kwarto.
" Nasan na tayo ? nasa earth parin ba tayo ?"
Gustuhin ko mang matawa sa tanong niya'y hindi ko magawa. Nasa ibang planeta nga ba kami ? pero kung nasa ibang planeta kami , may ganitong bahay na ba ngayon dun, ? at may ganitong damit na din ba. tiningnan ko ang damit na suot ko. para akong si Maria clara na lumabas galing libro. Masyadong sinauna ang damit. Gayundin ang damit na suot ni Henrix.
"Mukha kang makalumang babae yan," anito na sinipat ang kanyang damit.
" At ikaw naman, para kang ibuburol sa suot mo."sabi ko sa kanya.
"Ysabel ! papasok na ako"malakas na katok ulit ng nasa labas.
"Nana sepang ,kayo ho ba yan? " tanong ko.Nagbabakasakaling ito nga ang kumakatok o di kaya'y ang isa sa dalawa pang katiwala.
"imposible yun, hindi naman matanda ang boses ng kumakatok." anang Henrix.
Napapitlag ako ng biglang bumukas ang pinto ,musika agad na tila nagkakasayahan ang narinig ko na alam kong nagmumula sa baba.
Muntik pa akong mapasigaw ng iluwa ng pinto ang isang babae tila isang kastila.On instinct, itinago ko sa aking likod si Henrix. Ewan ko kung bakit yun agad ang naisipan kong gawin . Na para bang sa ibang bahagi ng pagkatao ko ayokong makita ng pumasok si Henrix na na saking kwarto. As if din naman matatago ko ang lalaki eh mas malaki ito kesa sakin.
Napamata ako sa babaeng pumasok na halos kaedaran ko lang yata. Nakapusod ang mahabang buho.At ang suot nito'y tila pupunta sa isang stage play. She's wearing a retro dress.
May stage play ba ng Noli me tangere at El filibusterismo ngayon at ganito lahat ng attire namin?Oh may cctv dto at kinukunan bawat galaw namin? Pinagmasdan kong muli ang paligid at hinanap ang camera. Wala . Mukha ngang sa kwartong ito hindi pa uso ang camera.
"O, bakit ganyan ang pagkakatingin mo sa akin Ysabel?" sabi ng babaeng pumasok .
" Na tila ka natuklaw --" Pag hinto nito nang mapatingin kay Henrix.
" Ano itong ginagawa nyo Ysabel, Paano kung hindi ako ang pumasok sa iyong silid ? paano kung iba?nais mo bang ika'y mapulaan ng ibang tao?" Sabi nito na ang kanina'y malumanay na tinig ay nabahiran ng galit.
I was speechless, and so Henrix is.
" Halika na't manaog na tayo Ysabel, kanina pa aligaga ang iyong papa sa kakahanap saiyo" ani sakin at tumingin kay Henrix.
"At ikaw , maari ka nang lumabas din ,sa bintana ka na lamang dumaan .Ayaw kong mapulaan ng ibang tao ang aking matalik na kaibigan." anito na giniya ako palabas ,at bago pa maisara ang pinto lumingon muna ito kay Henrix.
"At hindi nanaisin ng senyor Franco pag nalaman niya ito , Marco."
saka siya iginiya na lumabas.
Teka ? ano na ba talaga ang nangyayari ? sino ba itong babaeng ito.At bakit ito nga ang bahay pero parang hindi na ito. At bakit nya tinawag na Marco si Henrix? mga katanungang di ko masagot dahil hindi ko din maitanong. naguguluhan pa ako. Panaginip na naman ba ito ? Kapag ba sinampal ko ang sarili ko , magigising na ba ako ? Kung sakaling panaginip ito sana may isa sa mga kaibigan ko ang gumising na sakin.
---------------------------------------------
Pagbaba namin ay namangha pa ako sa nakita. Maraming tao. Or should i say maraming sinaunang tao. Nasan na ba talaga ako? Inilinga ko ang paningin sa mga taong naroon , nagbabakasakaling may isa akong makilala. Napamata ako ng may makitang nakasabit sa dingding malapit sa kinatatayuan ng isang matandang babae na animo sasali din ng stage play ang suot at may hawak na pamaypay.
It was a Calendar ! AT ang Taon. ! Ang buwan at araw ay tama. Pero ang Taon .ibig kong himatayin sa taon , na nakikita ko roon . 1916 !!!!!!!

YOU ARE READING
Youre mine, then ,now and always.
Romance" Te amo hasta que acabe el infinito, que nunca es. " Bakasyon ang dahilan kung bakit si Arianne at ang mga kaibigan niya ay napunta sa mala-kastilang bahay sa Bulacan. Bahay na para bang pamilyar na sa kanya hindi pa man siya nakakatuntong. Bahay...