Papadilim na ng matapos ang kasiyahan.Nahiga na ako hndi pa man nakakapagpalit.
Mang na napatitig sa kawalan. buong araw akong nagpanggap na ibang tao . pero bakit pakiramdam ko hindi talaga ako nagpapanggap. Gusto ko ng matapos to lahat. Sana malaman ko na ang mga sagot sa tanong ko. At sana magising na ako sa bangungot na ito.
Hindi ko na namalayan kung anong oras ako nakatulog.
----
Naalimpungatan ako ng maramdamang tila may bumabato sa bintana .Madaling araw pa lang.
Binuksan ko ang bintana upang malaman kung sino ang pangahas na namamato. Napatingin ako sa ibaba.It was henrix ! .
"Henrix. " tawag ko sa kanya.Im glad na okay ito.
" sandali lang at bababa ako." nakita ko siyang tumango.
Sa maingat na lakad ay dahan-dahan akong lumabas. sa likod ng bahay ako dumaan dahil doon nakatapat ang bintana.
Nang makita ko siya'y sinalubong ko agad sya ng mahigpit na yakap. bahala na kung kantyawan sya nito. basta gusto ko lang pumaloob sa kanyang bisig. Niyakap din niya ako ng mahigpit.
"I miss you." sabi nito na lalong nagpaiyak sakin.
"Sobrang namiss din kita" aniko nakasubsob parin sa dibdib niya. "mahal kita.hindi ko alam kung bakit ko to nararamdaman.."
Nilayo niya ako ng bahagya at pinunasan ang aking mga luha saka ako matamang tinitigan." hindi na mahalaga kung bakit o paano. ang Mahalaga'y mahal mo ako at mahal din kita ARianne. "
Napayakap ulit ako sa kanya. " ayoko na dito henrix. bumalik na tayo sa totoong bahay kung saan nandun lahat ng kaibigan natin " humahagulgol na sabi ko.
"pangako ,makakabalik din tayo."
Napatigil kaming dalawa ng marinig ang pagkaluskos. Hinawakan ako ni Henrix at kinubli sa likod nito saka sumandal.
Napahawak ako sa pader na tila may batong nakausli. Napatili ako ng bigla iyong gumalaw at mahulog kaming dalawa saka biglang sumara ang pinto na simpleng pader lamang kung titingnan galing labas.
Inalalayan niya akong tumayo. Iginala ko ang paningin sa paligid. madilim ngunit may bahagya pang makikita.
Natatanaw ko ang lampara na nakapatong sa mesa. Sinindihan ni Henrix iyon para lamang mamangha kami . Isang silid ang kanilang nabagsakan.
"Akala ko hanggang sa t.v ko na lang makikita ang underground room." ani henrix na pumunta sa bookshelf sa bandang kaliwa nila.
Malinis ang paligid. Sino kaya ang gumagamit ng silid na ito?
"Sino kaya ang gumagamit dito" sabi ni henrix. mukhang pareho kami ng naiisip ng mga sandaling iyon.

YOU ARE READING
Youre mine, then ,now and always.
Romance" Te amo hasta que acabe el infinito, que nunca es. " Bakasyon ang dahilan kung bakit si Arianne at ang mga kaibigan niya ay napunta sa mala-kastilang bahay sa Bulacan. Bahay na para bang pamilyar na sa kanya hindi pa man siya nakakatuntong. Bahay...