Napahinto ako sa pagiyak ng may kumatok .mabilis na pinunasan ang mga luha at inayos ang sarili.
"Ysabel ? Si Clemencia ito . Maari ba akong pumasok?"
"Pasok ka" tipid kong sagot na bahagyang pinunasan ang ilong ng panyo.
Nang makapasok ay ini-lock nito ang pinto saka marahang umupo katabi.
Bakas ang pag-aalala nito pagkakita sa hitsura niya. " Bakit namumugto iyang mata mata mo? May nangyari na naman ba?"
Ewan kung bakit bigla na lang ulit ako napaiyak. Kay gaan ng loob ko sa kaniya. Siguro kasi nakikita ko sa kanya si Claire. Sa panahon ko si Claire ang takbuhan ko ng problema.
Hinawakan niya ang aking balikat. " Tumahan ka na. Hindi bagay saiyo ang pag iyak . May hatid pa naman ako sayo na alam kung lubos mong ikakagalak." Anito na itinaas ang hawak na sobre.
Inabot ko iyon. " kanino ito galing?"
" galing iyan kay Pepe, pinabibigay raw para sa iyo ng kanyang kuya Marco." Anito .
Nanlaki ang aking mata. Kay Henrix galing ang sulat !
" kapag nalaman ito ng Senyor Franco tiyak na magagalit iyon sakin at maaring hindi na ako palapitin pang muli saiyo"
Napayakap ako sa kanya. " Maraming salamat clemencia. "
"Oh siya sige na, aalis na ako para mabasa mo na iyan" anito na tumayo.
Tinanguan ko siya saks tiningnan ang sobre.
Nang makalabas ito ay dali dali ko iyong binuksan.
Mahal kong arianne,
Natagpuan ko ang diary ni Clemencia dito sa bahay. Sa silid ni pepe, ang kapatid ni Marco. Hindi ko maintindihan pero yung diary mas advance kesa sa panahon mismo ngayon. Si Pepe ay nobyo ni Clemencia. Naalala mo pa ba nung una tayong makarating sa panahon na ito , nung nakita ako ni clemencia sa silid mo. May sinabi siya na ayaw ka niyang mapulaan ng iba tulad ng nangyari sa kanya. Pinag-usapan sila ni Pepe dahil pumatol daw si Clemencia sa mas bata sa kanya. Napulaan ng ibang tao ang kanilang pagmamahalan.
(Whew ! Nakakatuwa ngunit ang aking paraan ng pagsulat ngayo'y tila totoong sinaunang tao)
At sa diary ni Clemencia ay halos di ko maintindihan. Namatay daw si Marco . At si Ysabel nama'y halos ilang buwan ding hindi maka-usap. At ang mas lalong nakapagpamangha sakin ay ang nakasulat sa diary na Buntis si Ysabel at si Marco ang ama."
Napasinghap ako na naitigil ang pagbasa. Buntis si Ysabel ?! Kinilabutan ako. Naalala ang partikular na sinabi ni Ysabel sa panaginip , kung panaginip ng iyon.
Nieta. Kung ganoon ay totoo ngang apo niya ako. Pero paano ? Ni hindi ko maalalang may Ysabel na pangalan sa mga ninuno ko. Binalik ang tingin sa sulat at muling binasa.
"Ipinanganak ni Ysabel ang isang malusog na babae , ngunit hindi iyon gusto ng papa ni Ysabel."

YOU ARE READING
Youre mine, then ,now and always.
Romance" Te amo hasta que acabe el infinito, que nunca es. " Bakasyon ang dahilan kung bakit si Arianne at ang mga kaibigan niya ay napunta sa mala-kastilang bahay sa Bulacan. Bahay na para bang pamilyar na sa kanya hindi pa man siya nakakatuntong. Bahay...