"TINY human, wake up."
Kumunot ang noo ni Siha nang maramdaman niyang may kung anong malamig na bagay ang marahang tumutusok-tusok sa pisngi niya. Nang magmulat siya ng mga mata, sumalubong sa kanya si Never na naka-squat sa tabi niya habang yakap nito ang mga binti.
And he was gently poking her cheek with his cold and slender finger.
"Never..."
"Tagapagbantay ang tawag sa'kin."
Kumunot ang noo ni Siha sa pagtataka. "Tagapagbantay?"
Napakurap-kurap siya hanggang sa naalala niya ang mga nangyari kanina. Mula sa pagkakakilala niya sa "doppelganger" hanggang sa pag-atake sa kanila. Bigla tuloy siyang napabangon pero mabilis ding napahiga agad dahil sa pananakit ng katawan niya.
Pakiramdam niya, sinagasaan siya ng truck kahit hindi pa naman niya 'yon nararanasan.
"Where am I?" tanong niya kahit alam naman niyang nakahiga siya sa damuhan. May malambot na unan sa ulunan niya at meron pang manipis na kumot sa katawan niya. Pero siguradong hindi kama ang hinihigaan niya. Isa pa, meron siyang nakikitang lawa sa tabi nila. Wala na ang naaalala niyang tahimik na falls kung nasa'n sila bago siya nawalan ng malay. "And where's Never?"
"Oh, I left him near the falls."
"Why?"
"Because he's already dying," sagot nito. Nakakainis na inosente ang mukha nito pero ang gore naman ng sinasabi. "Magagalit sa'kin ang Kamatayan kapag iniligtas ko siya. Isa pa, wala rin akong planong gawin 'yon."
"Bakit naman?" naiinis na tanong niya rito. Kung hindi lang masakit ang katawan niya, bumangon na sana siya at hinanap si Never. Pero sa ngayon, mukhang bibig na lang niya ang kaya niyang igalaw. "You should help him."
"Wala akong pakialam sa kanya."
Nakaka-frustrate ang katwiran nito pero hindi rin niya ito masisisi. Hindi nito kilala si Never at hindi rin nito responsibilidad na iligtas ang lalaki. Sa sobrang inis tuloy niya, naiyak na lang siya kesa pagsalitaan niya ng masama ang multo.
"Ligtas ka na kaya tumahan ka na," pagpapakalma sa kanya ng doppelganger. "Pinainom kita ng tableta na nagpasara ng mga sugat mo. Pero may side-effect iyon para sa mortal na gaya mo kaya siguradong masakit ang katawan mo ngayon. Hindi ka muna makakakilos hangga't hindi nawawala ang epekto ng tableta."
Sa kabila ng mga sinabi nito, pinilit pa rin niyang bumangon. Gaya kanina, nanakit ang bawat kalamnan niya pero tiniis niya 'yon. Kinuha niya ang white cap niya na nakita niya sa tabi niya, saka niya iyon sinuot kahit parang napuputol na ang mga braso niya sa sakit. "Aalis na ko. Salamat sa pagpapagaling sa'kin."
"Saan ka pupunta?"
"Babalikan at ililigtas ko si Never," sagot niya, saka niya pinilit ang sarili niyang tumayo. Nagtagumpay naman siya pero naiyak siya kasi parang pinunit ang mga binti niya sa sobrang sakit. Tingin nga niya ay willpower na lang ang dahilan kung bakit nakatayo pa rin siya ngayon. "I can't let him die."
"Pero bakit gusto mo siyang iligtas?"
"Because he's a friend," sagot niya habang naglalakad ng mabagal. Parang napupunit ang mga kalamnan niya sa bawat hakbang niya pero hindi pa rin siya tumigil. "Hindi ko siya gusto as a suitor noon pero kaibigan ang tingin ko sa kanya. I was said when he transferred to another school without telling me beforehand. Ngayon lang uli kami nagkita at ayokong ito na rin ang maging huli."
"Kapag bumalik ka do'n, ikaw naman ang mamamatay," banta sa kanya ng multo habang sinasabayan siya. "Hindi ko alam kung naaalala mo pero may babaeng umatake sa'kin kanina. Ako lang ang target niya pero dahil malapit kayo sa'kin, nadamay kayo sa pag-atake niya."

BINABASA MO ANG
Ghost Husband
Teen FictionPakakasalan mo ba ang DOPPELGANGER ng "almost-boyfriend" mo para iligtas ang buhay niya?