Hindi makapaniwala si Siha na bigla siyang lumutang no'ng segundo pa lang na aatakihin na siya ni Pandora. Bago pa dumikit ang kamay nito sa anumang parte ng katawan niya, nasa ere na siya at paatras ang lipad. Nang tumingin siya pababa sa reyna, nakita niya ang isang Lambana na pinatalsik ang Queen of Ghouls gamit lang ang mga pakpak nito.
Kakaiba ang Lambana na 'yon sa mga nakita na niya. Unang-una, kasing tangkad niya ang Lambana na kalaban ngayon ni Pandora. At pangalawa, nakasuot ang babae ng school uniform ng mga male senior high students sa Evangeline.
"Lady Siha, we should hurry," sabi ng Lambana nang bigla na lang itong lumipad sa direksyon niya at kargahin siya na parang prinsesa. "Ako si Odette at inutusan ako ng Tagapagbantay para protektahan at dalhin ka sa gubat."
Nakahinga siya ng maluwag dahil inutusan pala ito ni N na iligtas siya. Pero hindi pa rin tuluyang nawala ang pag-aalala niya. "Pero si Lagoon..."
"Buhay pa ang prinsipe ng mga Kataw," pag-a-assure sa kanya ni Odette. "Babalikan natin siya kapag dumating na ang Tagapagbantay."
It was a relief.
Hindi na siya nakapagsalita at napakapit na lang sa leeg ng Lambana nang mas bumilis ang paglipad nito. Natatanaw na niya ang gubat...
... nang biglang mapasigaw si Odette at bumulusok sila pababa kaya napatili rin siya.
What's happening?!
Naintindihan niya lang ang nangyayari nang narinig niya ang malakas na pagtawa ni Pandora. Nang mag-angat siya ng tingin, nakita niyang nakalutang sa itaas nila ang reyna na nakabuka ang mga pakpak nito– itim na mga pakpak na kagaya sa paniki!
At hawak niya ang mga pakpak ni Odette!
Ibig sabihin lang, pinutol ni Pandora ang mga pakpak ng Lambana!
Hinanda na niya ang sarili niya sa pagbagsak pero hindi iyon nangyari. Gaya kanina, lumutang siya sa ere at si Odette lang ang padapang bumagsak sa kalsada. Nagkaro'n ng biyak ang parte na binagsakan nito kaya sigurado siyang nasaktan ito. Bukod do'n, kitang-kita niya rin ang matinding pagdurugo ng likod nito lalo na't puti ang suot nitong uniporme.
"Odette..." humihikbing bulong ni Siha sa sarili dahil nasasaktan siya sa kondisyon ng Lambana kahit tinitingnan niya lang ito. Nang maingat siyang lumapag sa kalsada, sinubukan niyang lumapit sa babae pero pinigilan siya nito. "Pero Odette–"
"Lady Siha, tumakbo ka na," nanghihinang sabi ni Odette na hindi na makadilat at bakas sa mukha ang matinding sakit. "Pakiusap..."
Masakit man para sa kanya, tinalikuran niya si Odette para tumakbo dahil malapit na siya sa gubat. Umaasa na lang siyang mabubuhay ang Lambana sa kabila ng pinsala nito.
Ang dami nang nasasaktan para lang protektahan ako!
"Saan ka pupunta, Siha Serranilla?"
Bago pa namalayan ni Siha ang nangyayari, nakahiga na siya sa matigas na kalsada at nananakit ang likod ng ulo niya. Hindi rin siya makahinga dahil nakaupo na sa tiyan niya si Pandora habang sakal-sakal ang leeg niya ngayon. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari, hindi niya na nasundan kung pa'no siya napunta sa gano'ng posisyon. Ang sigurado ko lang, ang sakit ng buong katawan ko!
"Parating na ang Tagapagbantay kaya kailangan ko nang gawin ang plano ko," nakangising sabi ni Pandora, saka nito inalis ang isang kamay sa leeg niya para may kung anong kunin sa sling bag na nakasukbit pala sa katawan nito. Pagkatapos, may nilabas itong... duguan pang tainga ng isang tao. "Kainin mo 'to, Siha Serranilla."
Nandiri at kinilabutan siya sa utos nito. Muntik na siyang maiyak pero naisip niya na kung ibubuka niya ang bibig niya ngayon, siguradong ipapasok nito ang tainga sa bibig niya. So she covered her mouth with her hands while pressing her lips hard together.
Hindi ako papayag na baguhin niya!
Naalala niya ang sinabi ni N noon na kapag kumain siya ng human flesh na si Pandora mismo ang nag-abot ay magiging ghoul agad siya.
"Mukhang nasabi na sa'yo ng magaling mong asawa ang tungkol sa kakayahan kong gawing kauri ang kahit sinong pakakainin ko ng laman ng tao," nakangising sabi ni Pandora, saka nito hinawakan ang kamay niya para alisin ang pagkakatakip niyon sa bibig niya. "Kainin mo 'to!"
Mabilis na natanggal ng reyna ang mga kamay niya sa bibig niya dahil masyado itong malakas para sa kanya. Pero mas lalo niyang pinagdikit ang mga labi niya para hindi pumasok sa bibig niya ang tainga na pilit nitong pinapakain sa kanya. Sa totoo lang, diring-diri na siya sa pagdikit pa lang ng tainga na 'yon sa mga labi niya pero tiniis niya.
"Ayaw ko sanang sirain ang maganda mong mukha pero pinipilit mo kong gawin 'to," nakangising sabi ni Pandora– halatang may masamang plano sa kanya. "Mukhang kailangan kong punitin 'yang bibig mo. 'Wag kang mag-alala kasi kapag naging ghoul ka na, gagaling din ang sugat mo."
Tahimik na umiyak siya at pumikit na lang habang hinihintay ang mangyayari sa kanya...
"Pandora!"
Nakahinga ng maluwag si Siha nang marinig ang boses ni N kasunod ng pagkawala ng bigat ni Pandora sa tiyan niya. Nang bumangon siya at magmulat ng mga mata, nakita niya ang ghost husband niya na literal nang hawak sa leeg ang Queen of Ghouls na nakalutang mula sa kalsada habang kinakalmot ang braso ng multo– gaya ng nangyari noon sa Serpent's. "N..." Pinunasan niya ng likod ng kamay niya ang dugo sa bibig niya kasabay ng paghikbi niya. "You're here..."
Tiningnan siya ni N at kitang-kita ang magkakahalong sakit, galit, at pag-aalala sa mukha nito nang makita ang kondisyon niya. "Hintayin mo ko, Siha. Babalik agad ako," bilin nito sa kanya habang unti-unti itong naglalaho sa itim na usok na bumabalot dito at kay Pandora. "Patawad, asawa ko."
"N, hindi mo 'to kasalanan," pag-console niya rito. "I'm fine..."
Nanatiling blangko ang mukha ng doppelgänger hanggang tuluyan na itong maglaho kasama ang reyna.
N...
"Lady Siha?"
Nalingunan ni Siha si Odette na nakaluhod na ngayon sa harapan niya at iniinspeksyon ang pinsala niya. "How's your injury, Odette?"
"Sumasara na ang sugat sa likod ko," pag-a-assure sa kanya ni Odette, saka ito tumingin sa kanya nang may pag-aalala sa mukha. "Lady Siha, dumudugo ang likod ng ulo mo dahil nagkabiyak iyon nang pabagsakin ka ni Pandora sa kalsada. Kailangan nating isara ang sugat."
Hinawakan niya ang likod ng ulo niya at kinilabutan nang maramdaman niya ang malagkit na likido. "I-I'm fine," pag-a-assure niya sa Lambana kahit natatakot siya para sa sarili niya. "Odette, let's help Lagoon first. Nandito na si N para asikasuhin si Pandora."
Gumuhit ang pagtutol sa mukha ni Odette. "Lady Siha, ikaw ang prioridad ko."
"Please," pagmamakaawa ni Siha sa Lambana. "Lagoon risked his life to protect me so let me save him, Odette."
¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.