Chapters 4-5 are now posted on Booklat. Slow update here on Wattpad~
***
"I THOUGHT you'd flirt the entire night," nakangising sabi ni Lagoon. "Akala ko rin eh nakalimutan niyo nang may lason pa sa katawan mo, Siha."
Nag-init ang mga pisngi ni Siha dahil sa panunukso ni Lagoon habang tinutulungan naman siya ni N na isuot ang sleeves ng denim jacket niya. "Bakit hindi ka agad nagparamdam no'ng dumating ka?"
"Because I value my life, child," natatawang katwiran ng Kataw. "Your ghost husband would have killed me if I ruined the mood."
"Yep," pag-confirm naman ni N na tumayo sa harapan niya para isara ang mga butones ng denim jacket niya.
"Don't," saway niya rito, saka niya inalis ang mga kamay nito sa jacket niya. "Mas bagay na nakabukas 'to kesa nakasara ang buttons."
"K."
Nang ibaba siya ni N mula sa puno kanina, nagpunta sila sa park at pinaupo siya nito sa bench sa tapat ng umiilaw na water fountain. Mayamaya lang, dumating na si Lagoon sakay ng red Ferrari nito. Pagkatapos, inalis na nito ang lason sa sistema niya sa pamamagitan ng pagpapainom sa kanya ng asul na likido sa loob ng isang botelya. Narinig niya na kaliskis nito ang isa sa mga ingredient pero nagtiwala siya at pikit-mata iyong ininom. Aarte pa ba siya eh siya na nga itong nililigtas? Saka lasang tubig-dagat lang 'yon– na sobrang alat.
"What time is it?" tanong ni Siha, saka niya kinuha ang kamay ni N para tingnan ang oras sa suot nitong relo. Pinasuot niya rito ang relo ni Never at ibinigay din dito ang wallet at mga susi ng counterpart nito na ibinigay sa kanila ni Light no'ng nakaraan. "11PM pa lang pala." Binitawan na niya ang multo para tumingin sa paligid. Pagkatapos, hinawi niya ang makapal na fog sa paligid. "Bakit wala nang tao? Usually, may mga joggers pa ng ganitong oras, eh. Saka ang kapal ng fog, ha?"
"You're with a ghost and a Kataw," nangingiting paliwanag ni Lagoon. "Pansamantala naming itinago sa mga mata ng mga mortal ang buong park. Mawawala rin sa isipan ng mga dumadaan sa area na may park dito. Dahil 'yon sa fog na nasa paligid ngayon."
Nanlaki ang mga mata niya. "You can do that?"
"It's not unusual," paliwanag ni N. "Nililigaw ko rin ang mga tao sa bundok gamit ang fog para hindi nila marating ang teritoryo ko."
Napa-slow clap siya habang nagpapalipat-lipat ng tingin sa dalawa. "Wow."
"Maliit na bagay," natatawang comment ng Kataw. "Ihahatid ka na namin, Siha. Nag-wo-worry na rin si Twila sa'yo."
Tumango siya at sasagot sana pero natigilan siya nang hawakan ni N ang kamay niya kaya nilingon niya ito. "Bakit, N?"
"Wife, can you stay the night at my counterpart's place with me?"
Nag-init ang mga pisngi ni Siha kaya hindi agad siya nakapag-react. Idagdag pa ang biglaang pagwawala ng puso niya. Stupid body organ.
"I can't let you go anywhere without me after what happened tonight," paliwanag ni N. "Gusto kong makasigurong hindi ka babalikan ni Pandora."
Kinilabutan siya nang maalala ang pagkagat sa kanya ng ghoul. Mukhang hindi rin siya magiging kampante ngayong gabi nang wala si N sa tabi niya. "Sige. Let me just call Twila first. Hinihintay kasi niya ko, eh."
"K," pagpayag ng multo, saka nito binitawan ang kamay niya.
"Ako na ang tatawag at mag-e-explain kay Twila," offer naman ni Kataw. "Pagkatapos, ihahatid ko kayo sa condo ng counterpart ni N." Tumingin ito sa kanya at binigyan siya ng apologetic smile. "Please let me do this at least. Gusto kong makabawi sa'yo, Siha."
"Lagoon..."
"I still feel bad for not being there when I'm supposed to protect you," halatang puno ng guilt na sabi ni Lagoon. "I'm really sorry, Siha."
"You've got nothing to apologize for, Lagoon," pag-console ni Siha dito. "Kasalanan ko kasi umalis ako nang hindi sinasabi sa'yo. Nakalimutan ko na may mga humanoid ghoul na huma-hunt sa'kin." Hinawakan niya ang braso nito at marahan itong pinisil. "Thank you for making the antidote for me. You saved my life."
"You're too nice even for a human, Siha. Thank you," nakangiti nang sabi ng Kataw. "I'll do a better job next time, I swear."
Ngumiti siya kasi masaya siyang gumaang na uli ang pakiramdam ni Lagoon. "I'll be in your care then."
"I'll call Twila now," paalam ni Lagoon, saka ito tumalikod sa kanila at naglakad palayo.
As soon as the Kataw was gone, Siha turned around and looked up at N to give him a suspicious look. "Why do you suddenly want us to spend the night at Never's condo? Nararamdaman mo ba na susugod uli sina Pandora ngayong gabi?"
"Nope," sagot ni N. "Pandora sacrificed Amos to provoke me. She isn't stupid to attack again knowing that my wrath right now is enough to kill her entire Queensguard if they show up."
Nag-pout siya sa sinabi nito. "You're still upset by what happened to me?"
"I'm not upset," kaila ng multo. "I'm fuming. The only reason I look calm is because I don't want to scare you."
Napalunok siya nang gumuhit nga ang matinding galit sa mga mata ng doppelgänger. It was enough to send shivers down her spine. I don't want to be at the receiving end of his wrath.
"See? You just caught a glimpse of my anger and you're already scared."
"Calm down," sabi niya rito, saka niya tinakpan ng kamay niya ang mga mata ng multo. "Take a deep breath, N."
"K," sagot ng lalaki, saka nito ginawa ang sinabi niya.
"Good," papuri naman niya rito. "Now, I want you to count from one to ten."
"K," sagot uli nito, saka ito nagbilang gaya ng utos niya.
"Now, I want you to think of something you like," sabi niya. "'Yong bagay na maisip mo pa lang, mapapangiti ka na. Na magpapaganda agad sa mood mo kapag nakikita mo 'yon."
Sa pagkagulat niya, biglang inalis ni N ang kamay niya sa mga mata nito. "Hey," reklamo niya. "Hindi pa tayo tapos. I told you to imagine something that makes you happy. Isipin mo 'yong nagpapagaang sa loob mo para kumalma ka at maging peaceful ang pakiramdam mo. Can you do that, N?"
"Yep," sagot ni N habang deretso ang tingin sa kanya. "That's exactly why I'm looking at you, Wife."
"Huh?"
"Ang sabi mo, isipin ko 'yong bagay na gusto ko. Na nagpapangiti at nagpapasaya sa'kin. Na kapag nakikita ko 'yon, gumagaang at nagiging peaceful ang loob ko," paliwanag ni N. "You want me to think of you, don't you?"
"Of course not," nahihiyang tanggi ni Siha. "I'm not that conceited."
There it goes again– his ghost of a smile.
At kinilig naman siya.

ESTÁS LEYENDO
Ghost Husband
Novela JuvenilPakakasalan mo ba ang DOPPELGANGER ng "almost-boyfriend" mo para iligtas ang buhay niya?