S3 Chapter Nineteen

666 64 12
                                    

NOTE: Please don't forget to vote and leave a comment. Active readers = regular updates (Monday-Wednesday-Friday, 5PM or 6PM). Thank you.

PS: Saying "update" doesn't count. :)

***


"MAY GALIT ka ba sa'kin, Ana?" sita ni N dito. "Kung gusto mo kong gantihan dahil sa nangyari sa asawa mo, ako na lang ang gantihan mo. 'Wag mo nang idamay si Siha dito."

"Simula noon hanggang ngayon, hindi ka pa rin talaga nagpapaligoy-ligoy," iiling-iling na sabi ni Ana, saka nito hinipan ang ibabaw ng hawak nitong tasa ng green tea. "Kung gusto mo kong makausap, saluhan mo ko." Nilingon nito si Agatha na tahimik na naghahain sa mesa ng makukulay na macarons. "Agatha, ipaghain mo ng pagkain ang bisita."

Magalang na yumukod si Agatha dito. "Masusunod, Miss Ana."

Nang umalis ang tagapagsilbi nito, nilingon uli siya ng diyosa at iminuwestra ang silya sa tapat nito. "Sit down, "N.""

He rolled his eyes at the deity's obvious teasing. Pero umupo pa rin siya sa katapat nitong silya at hindi muna nagsalita nang bumalik na si Agatha na may dala nang tray. Tahimik na hinain ng Diwata sa harapan niya ang plato ng carbonara at baso ng juice.

Halatang inaasahan na siya ni Ana sa Ana's Shop na nakatayo sa parte ng bundok na nasasakupan niya. Iyon ang store na pinagdalhan niya kay Siha noon. At malayo rin iyon sa private office ng diyosa kung nasa'n ngayon ang mortal.

"Nauna mo ba kong pinuntahan dito para pigilan akong sumugod sa private office mo?" sita ni N dito. "Alam kong nasa opisina mo si Siha."

"Alam kong malalaman mo rin 'yon kaya oo, inunahan na kitang puntahan dito kesa ako pa ang "bisitahin" mo sa private office ko."

"Nababaliw ka na ba?" frustrated na tanong niya rito. "Tinayo mo ang private office mo gamit ang mga kahoy mula sa mga pinatumba mong mga puno kung saan naninirahan ang mga kaaway mong Batibat noon. Narinig ko na ibinalik mo kay Siha ang nawawala niyang alaala. Kung 'yon nga ang ginawa mo, nangangahulugan iyon na nakatulog siya dahil ang pananaginip ng nakaraan ang paraan para maibalik sa kanya ang memorya niya."

"Mahimbing nga ang tulog ni Siha sa guest room ng private office ko," pagkumpirma ng diyosa sa kalmadong paraan. "'Wag kang mag-alala dahil binuksan ko ang AC ng kuwarto at siniguro kong mainit ang comforter na ipinatong ko sa dati mong asawa. Malambot at malaki rin ang kama sa guest room kaya siguradong magiging komportable ang tulog niya."

"Stop playing dumb," iritadong saway niya rito. "Alam mo kung ano ang sinasabi ko. Puwedeng gawing lagusan ng mga Batibat ang mga poste ng opisina mo na gawa sa dati nilang tirahan." Ang mga Batibat ay kilala rin ng mga mortal bilang Bangungot. This kind of spirit takes the form of an old, fat woman. "Kapag nakita nila si Siha na natutulog na malapit sa kahoy na piraso ng bahay nila noon, magagalit sila at dadaganan nila ito sa dibdib hanggang sa mamatay ito. And you left her alone in your office. Do you want her to get killed?"

Nakatayo ang private office ni Ana sa pinakadelikadong parte ng bundok. Hindi siya sinusunod ng mga nilalang na naninirahan sa bahaging iyon kaya siguradong walang pakialam ang mga ito kahit pa dati niyang asawa si Siha. Para sa mga nilalang na 'yon, ordinaryong mortal lang ang babae na puwedeng paglaruan o saktan ng mga ito.

"Ligtas si Siha hangga't nasa loob siya ng private office ko," pag-a-assure sa kanya ni Ana. "Hindi mo rin naman siya makikita kahit sumugod ka sa opisina ko dahil gagawa ang paraan ng Overseer para iligaw ka. You're a doppelganger, N. Hindi mo puwedeng malapitan ang mga tao na nakasalamuha ng counterpart mo hangga't hindi pa niya oras para mamatay."

Ghost HusbandWhere stories live. Discover now