"WHAT did you do at the Kataw's condo, bebe?" tanong ni N kay Siha habang nakahiga na siya sa improvised bed niya at nakatingin sa magandang mukha ni Siha. "Hindi mo ko sinama at dahil may protection ang condo niya, hindi ko narinig ang pinag-usapan niyo. You spent half an hour with him."
"I just said goodbye to Lagoon. Marami akong ipinagpasalamat at inihingi ng apology sa kanya kaya medyo tumagal ang usapan namin," paliwanag ni Siha habang nakadapa ito sa kama nito at nakatingin pababa sa kanya. Pagkatapos, kumunot ang noo nito na parang may naalala. "I wasn't able to properly thank Miss Anita and Miss Agatha for protecting my family. Gusto ko sana silang ipagluto man lang ng dinner kanina. Bakit bigla agad silang nawala?"
"They were only able to leave the mountain because they were summoned by Nightmare," paliwanag niya. "Summoned spirits have to leave as soon as their purpose has been fulfilled."
"Aw, that's too bad," halatang nanghihinayang na sabi nito. "N, pagbalik mo sa bundok, pakisabi na lang sa kanila na malaki ang utang-na-loob ko sa kanila. Babawi ako sa susunod."
"Hindi mo naman kailangang gawin 'yon kasi responsibilidad nilang pagsilbihan ang asawa ng Tagapagbantay."
"Hindi naman gano'n ang tingin ko sa kanila. I see them like my older sisters," katwiran nito. "So make sure you'll thank them properly in my place, okay?"
"K."
"Anyway, why are you sleeping on a different bed? Pumayag naman si Kuya na dito ka matulog sa room ko, ha?"
"Pumayag si Sian Serranilla na matulog ako sa kuwarto mo pero wala siyang sinabing magtabi tayo sa kama," sagot niya. "I'm old-fashioned, bebe."
"Even if it's our last night together?" nakataas ang kilay na tanong nito sa kanya. "I mean, we're not going to do anything except for cuddling."
"That would be dangerous for me," pag-amin niya. "Even if I'm a ghost, I'm still a man, bebe. Kung magtatabi tayo sa kama, higit pa sa "cuddle" ang gusto kong gawin. At sa estado ng emosyon mo ngayon, sigurado akong magpapatangay ka sa damdamin mo kaya kailangang isa sa'tin ang magkaro'n ng matinding self-control. Since I'm older, I'm taking that job."
"Wow, ang kapal," halatang naiinis pero nahihiyang sumbat nito sa kanya. "Are you saying that I'm lusting after you right now?"
"Are you not?"
Namula ang mukha nito pero hindi sumagot.
Ah, she is.
Napangiti siya dahil sa pagiging cute ng asawa niya. "Me, too."
"Huh?"
"My body is on fire again, bebe," pag-amin niya. "This time, I know what it means."
Lalo yatang namula ang mukha ng babae. Pero mukhang masaya rin ito sa narinig. "So you find me s-sexually attractive." Tumikhim ito para hindi na uli mag-stutter. "That's good news. Don't forget that feeling, okay? Sa'kin mo lang puwedeng maramdaman 'yan."
"K," pagpayag niya dahil sigurado naman siyang kay Siha niya lang 'yon mararamdaman. "Wife, go to sleep. I know you're tired."
"I am," pag-amin ng asawa niya, saka nito tinakpan ng mga kamay ang bibig nito nang maghikab ito. "Maaga pa tayong gigising bukas. Lalo na ko kasi magluluto pa ko ng baon para sa picnic natin."
Mabilis siyang bumangon nang makita niyang pumikit ito para kuskusin ang mga mata nito. Pagkatapos, hinalikan niya ito sa mga labi. "Good night, bebe."
Natawa na lang si Siha sa pagnanakaw niya uli ng halik dito, saka ito nagmulat ng mga mata. "Good night, bebe."
Ngumiti lang siya, saka siya humiga uli.

KAMU SEDANG MEMBACA
Ghost Husband
Fiksi RemajaPakakasalan mo ba ang DOPPELGANGER ng "almost-boyfriend" mo para iligtas ang buhay niya?