Cont... part 4

38.1K 1.8K 1.4K
                                        


(Part 4)

***

Tatlong kilo pa lang ang nababawas kay Mi, may nanghihingi na ng number niya. Publicly pa nag-announce sa araw ng live broadcast namin. She was dolled up that day. Basketball player sa school ang nanghihingi—si Ybarraz. Bago ko pa mapigilan ang sarili ko, nag-No na 'ko para kay Mi.

Akala ko, mahahalata na 'ko ro'n kahit alam kong unassuming si Mi sa mga gano'ng bagay. Lalo na no'ng tinopak ako pagkatapos. But Mi is Mi. She won't assume that there would be guys like me and Ybarraz who would like her or fight over her.

Mali siya ng akala.

"Bad mood ka ba?" concerned na tanong ni Mi sa pagitan ng pagsubo ng fries. Nasa mall kami, nagmemeryenda ng shawarma at fries.

Iba ang bad mood sa gigil. "Hindi."

"Gutom?"

Mahirap i-explain sa kanya kung bakit ako naiinis. Umiling na lang ako.

"Uhm... Pagod?"

"Medyo."

Akala ko, tanggap na 'yong sagot ko dahil hindi agad siya nagtanong. Kaso, hindi nga nagdagdag ng tanong, tumitig naman. Hindi niya alam kung ga'no kabilis kong maramdaman kapag nasa akin ang mga mata niya. Inuunahan akong bigyan ng warning ng kalabog sa dibdib ko.

Her eyes on me rob my breath and make me weak.

"Amethyst, 'wag mo 'kong titigan." Tinotopak ako. Kasalanan ang biglang manlambot o magpigil na hawakan ang kamay niya o magtimpi na ako na lang ang magsubo sa kanya ng fries. Nagbaling ako ng tingin sa ibang direksyon. She's not good for my sanity when I'm barely sane.

Pero kamote, talagang tumititig pa rin siya. Walang hustisya.

"Mauubos ko na 'tong fries. Kain ka pa." Naghalukay siya sa paper bowl ng fries bago, "Bigay ko sa 'yo 'tong malaking fries." Inilapit niya sa labi ko ang mahabang piraso ng pagkain. Magaan ang mukha sa paghihintay na isubo ko 'yon.

Gusto ko siyang subuan ng pagkain pero heto siya, sinusubuan ako. Sinusubukan ang pasensiya ko. Galing. Pinapakumplikado ng babaeng 'to ang topak ko.

I nipped the fries between my lips. Nginuya ko na parang rabbit. Ngumiti siya.

Ngumingiti na naman siya. Damn that smile.

"Gusto mo pa? Marami pang mahabang fries." Seryoso siyang naghalukay sa bowl habang seryoso akong nakatingin sa kanya.

Bakit kasi hindi pa 'ko puwedeng magsabi sa kanya ng nararamdaman ko?

"Gusto mo ba 'yong maraming barbecue powder? O mas gusto mo ang cheddar cheese?"

'Gusto kita. Gusto ko, akin ka lang. Kung hindi puwede 'yon, sa 'yo na lang ako.'

' 'Wag kang magkagusto sa iba.'

" 'Yong lalaki kanina..."

Tumingin si Mi sa 'kin. Maamo ang mukha. Walang alam sa lahat ng confession ko kapag hindi siya nakatingin. "Alin do'n? Maraming lalaki kanina."

I nibbled on my lips. Bumaba ang mata niya ro'n. Nagtagal do'n bago mamula nang bahagya ang pisngi niya.

Napalunok ako. Nagba-blush ba siya habang... nakatingin sa labi ko?

Kamote. Mabilis akong magmalisya.

" 'Wag mong ibibigay ang number mo kahit mangulit," sabi ko at nag-iwas ng tingin.

Clueless (Candy Stories #3)Where stories live. Discover now