Chapter 15: Mutual (part 2)

44.3K 2K 1.1K
                                        

***

Kinabukasan, ayon sa schedule ay magkasama kaming tumakbo ni Warren. Pero habang lalawit na ang dila ko sa hingal, siya ay apaw pa ang energy. Pangatlong ikot na namin sa park.

"Ilang laps pa?" halos walang boses at walang hininga na tanong ko sa kanya.

"Two."

Dalawa? Dalawa?!

Sigurado akong tumalas ang mata ko sa kanya dahil mahina siyang natawa sa 'kin. Kinakaladkad ko na ang binti ko sa kalsada. Sanay na akong tumakbo ng limang rounds sa paikot na istruktura ng parke, pero nahihirapan ako ngayon. Kasalanan 'to ng puso kong hindi makalma sa masayang ligalig dahil kasama ko siya. Masyadong mabilis ang tibok ng puso ko. Mabilis akong kapusin ng hininga. It's bad. Pero dahil mahal niya 'ko, dapat, mas maluwag siya sa 'kin, 'di ba?

"Tatlong laps na lang muna..." pakiusap ko. "Sige na, please. Pahinga na tayo..." Mahal mo naman ako, gusto kong idugtong pero 'wag na lang. Wala pa 'kong lakas ng loob.

"Dalawa na lang. Tapos, okay na."

Papabagal na talaga ang mga paa ko. Pinilit kong huminga nang malalim. "Tama na muna... sige na. Please..."

"Bakit ang hina ng cardio mo ngayon? Kanina ka pa hingal na hingal," aniya.

Tumigil na talaga 'ko sa pagtakbo at umirap sa kanya. Naghahabol ako ng hininga.

Nagtatanong pa talaga siya, eh 'no?

"Hindi ko alam. Walang dahilan," sagot ko.

"Wala?"

Bakit kaya siya, okay na okay lang? Wala ba 'kong epekto sa kanya? Hindi ba bumibilis ang tibok ng puso niya? Hindi ba siya naliligalig? Dapat, siya rin, mahirapang huminga.

Nag-jog siya palapit at tumigil sa harapan ko. Sumipat siya sa mukha ko. "Ano'ng iniisip mo? May itatanong ka?"

Naku. Nakahihiya naman kayang itanong. "Wala."

"Puro wala, ah."

"Wala naman talaga." Huminga uli ako nang malalim. "Tama na, Coach. Tatlong laps muna."

"Hindi ka humihinga nang maayos kaya napapagod ka agad," aniya.

"Gusto ko namang huminga nang maayos, eh. Hindi naman ako ang may problema," angal ko.

"Ano nga'ng problema?"

Nag-iwas ako ng mata sa kanya at bumulong. "Ikaw."

"Ano 'yon?"

Umangil ako. Tumawa naman siya.

"Bakit ako ang problema?"

Umiling ako. Narinig naman pala niya, ipauulit na naman niya sa 'kin? 'Sus. Fishing.

Ayoko ngang sabihin sa kanya na kinikilig ako. Baka tuksuhin niya 'ko. O 'di kaya, lalo niya 'kong pakiligin.

"Ba't hindi ka makatingin sa 'kin, Mi?"

Pinahid ko ng likod ng palad ko ang pawis na gumagapang sa noo ko. "Wala."

Pumalatak siya. Namalayan ko na lang na tinutuyo niya ang pawis ko gamit ang maliit na tuwalyita na dala niya.

"Pagod ka na talaga?" malumanay na tanong niya.

"Ikaw, eh. Hindi nga ako good to run nang mahaba at matagal ngayon, eh," maliit ang boses na sabi ko. " 'Kala ko naman dahil ano, ano na."

"Ano?" aniyang nakasipat sa mukha ko.

Sumulyap ako nang kaunti at ngumuso. Dahil mahal mo 'ko, dapat paligtasin mo 'ko!

Clueless (Candy Stories #3)Where stories live. Discover now