Chapter 04: Eyes on Me (part 2)

35.3K 1.8K 755
                                        


"Oo nga. Sorry pero hindi ako nagbibigay ng number ko," dugtong ko sa sinabi na ni Warren. "Ano... thank you sa compliments. I know you're being kind but you're being too kind."

"Hindi naman—"

Pero naputol na ni Prof ang sasabihin ng lalaki. Mabuti na lang.

"Bukas, Block B at D naman ang magkasunod na magla-live. I am hoping na may natutunan kayo sa Block C na maia-apply ninyo sa sarili ninyong broadcast. Ang buong evaluation paper ninyo ay ipapasa sa 'kin sa isang linggo bago magbakasyon. I'm expecting deeper analysis of the broadcast kaysa sa mga sinabi na ninyo ngayon." Pinagsalikop ni Prof ang mga palad niya. "That's all for today. You're all dismissed."

Naglabasan ang mga estudyante mula sa studio. Nagligpit naman kami ng stage at equipments. Si Prof, nag-stay at kinausap si Libby. At 'yong lalaking nagsabi na maganda ako, tumayo pa muna sa labas at nginitian ako. Hindi ko alam kung anong ire-react ko. Buti na lang, naharangan ni Warren.

"Una na tayo," yaya ni Warren sa 'kin. Mas seryoso kaysa sa normal na seryoso ang mukha niya. Mas walang ngiti kahit maganda naman ang broadcast namin.

Nilingon ko ang mga kasama naming nagliligpit sa studio.

"Eh, hindi pa tapos dito," sabi ko. "Gutom ka na ba?"

"Oo. Kain tayo sa mall," aniya. "Nagsabi na 'ko kay Libby na mauuna na tayo. Okay lang naman daw."

Mag-o-okay talaga sa kanya si Libby dahil crush siya ni Libby. 'Di pa rin niya nahahalata.

"Sige. Kunin ko lang bag ko."

"Ako na," aniya at nagpatiunang lumakad sa standby area bago ang monitoring room, kung saan nakatambak ang lahat ng mga gamit namin.

Lumapit naman ako sa mga kasama namin at nagsabi na mauuna na kami. Humingi rin ako ng pasensiya. Pagbalik ni Warren dala ang bag ko, mabilis kaming lumabas ng studio.

***

"Bad mood ka ba?" tanong ko kay Warren habang kumakain kami ng shawarma at potato fries. Iba na kasi ang pananahimik niya. Sakal-sakal niya pa ang cup ng iced tea niya.

"Hindi," sagot niya.

"Gutom?" Pero sa aming dalawa, ako ang gutom. Ang bilis ko ngang nakalahati ang fries namin.

Umiling siya.

"Uhm... Pagod?"

"Medyo."

Sumipsip ako sa iced tea ko. Bihira kong makita na wala sa mood si Warren. Madalas, antok lang siya o walang pakialam. 'Pag ganito siya, matigas tingnan ang mga anggulo ng mukha niya. Tiim na tiim ang lips. At kaunti na lang, kukunot na ang noo niya.

Bakit kaya naging ganito ang mood niya? Okay naman siya kanina sa broadcast.

"Amethyst, 'wag mo 'kong titigan," sabi niya at nangalumbaba sa mesa namin. Bumaling siya sa tagiliran niya kaya akala ko may nakakuha ng atensyon niya, pero wala naman. Nagbuga pa siya ng hangin.

Inubos ko ang shawarma ko at nagdahan-dahan sa fries.

"Mauubos ko na 'tong fries," sabi ko sa kanya. "Kain ka pa."

Hindi siya kumibo.

"Bigay ko sa 'yo 'tong malaking fries," sabi ko at inilapit sa labi niya ang mahabang potato fries.

He nipped it between his lips and chewed on it slowly like a rabbit. Parang bata.

"Gusto mo pa? Marami pang mahabang fries." Tumungo ako sa serving sa mesa namin at naghanap ng mahabang piraso. "Gusto mo ba 'yong maraming barbecue powder? O mas gusto mo ang cheddar cheese?"

Clueless (Candy Stories #3)Where stories live. Discover now