(Part 3)
***
College were classes together, eating lunch together, going home together, projects together, sleeping in one room together (sa studio), and movie dates (na hindi alam ni Mi). Kapag may showing ng pelikula at may allowance ako galing kay Papa, o kay Jacob, o kay Auntie, o sa Sports team, inililibre ko siya ng movies. Madali namang gumawa ng dahilan: bored ako, paborito ko 'yong movie, paborito niya ang movie, gusto ko o niya 'yong actors o actresses o movie house o direktor, may movie review para sa kung anong subject, curious ako, celebration para sa project o birthday o magandang grades, maraming time, etc. Kapag kapos ang allowance ko, mas masipag akong mag-deliver ng baked goods ni Auntie sa mga kliyente. May mga tipper kasi sa clients niya kapag natutuwa sa 'kin.
Kapag may projects na puwedeng pandalawahan lang, partners kami ni Mi. Nagpagawa kami ng maliit na recording studio sa bahay para sa audio productions. Nag-ipon ako ng pambili ng laptop (humati si Jacob) para may magamit kami sa recording at editing. Sa audio projects, madalas na ako ang editor at direktor, si Mi naman ang scriptwriter at talent. Sa video projects, madalas na ako ang cameraman pero si Mi ang direktor, scriptwriter, at host.
Amethyst genuinely loves the camera. Mapupuyat siya sa pagsulat ng script pero hindi mauubos ang energy niya hanggang sa shooting. Mapupuyat siya sa kabibilin sa 'kin kung pa'no ko siya dapat kunan pero hindi siya papalya sa retakes kapag kailangan. Kapag nasa studio kami, praktis siya nang praktis sa pag-a-anchor.
Bukod sa course namin, adik siya sa Wattpad, sa Korean drama, at sa Kpop. Lahat ng crushes niya, korean superstars. Lahat ng kilig niya sa binabasa niya, inihahampas niya sa 'kin. Okay lang naman sa 'kin dahil nasa Korea lahat ng oppa niya at fictional lang 'yong mga asawa niya sa Wattpad. Kaysa naman kiligin siya sa mga kagaya ni Robin.
Madaling mahalin anumang mahal ni Mi basta nakangiti siya kung pa'no siya ngumingiti. Her real smiles are as precious and as warm as sunlight in the rain. Kahit nasaan kami at kahit ano'ng kailangan naming gawin, basta nakangiti siya nang gano'n, okay lang ako.
Pero tumatagal kami sa college, dumadalang ang ngiti niya. Dala ng puyat at insecurities na idinadaan niya sa kain (stress-eater siya), mas lalo siyang tumataba. Walang kaso sana pero pinoproblema niya. Iniiyakan niya. Ikinakain ng ice cream.
Akala pa rin niya, kapag mataba siya, ibig sabihin ay pangit na siya. She doesn't realize how precious, how amazing, and how beautiful she is. Laging ang tingin niya sa sarili niya, kapos sa itsura at sa talent. Mali. Hindi ko naman masabi lahat ng iniisip ko sa kanya nang hindi kami magiging awkward pagkatapos.
"Ano'ng problema?" tanong ko kay Mi pagbalik niya sa studio.
Halatang naghilamos siya dahil nawala 'yong pulbo niya sa mukha. Namumula rin nang kaunti ang ilong niya. Nangyayari lang 'yon kapag umiyak siya, umiiyak siya, o iiyak siya.
She chose to look unaffected. Ayaw pang magsabi. "Ha? Ano'ng 'anong problema?' "
She busied herself with her phone. Itinuloy ko naman ang pag-ikot sa balikat ko. May tennis practice ako pero hindi pa 'ko makapunta sa gym para mag-warm up. Hindi pa hangga't hindi pa okay si Mi.
"Pangit update sa binabasa mo?" kaswal na tanong ko.
"Hindi ko pa nga nababasa ang update. Magbabasa pa lang sana ako."
If it's not the update... "Ba't ganyan mukha mo?"
"Ano?"
She raised her eyes on me. Nakipagtitigan para ipa-obvious na wala siyang problema kahit alam kong meron. Habang lalong magkahinang ang mata namin, tinutukso ako ng kalabog sa dibdib ko. Kamote.

YOU ARE READING
Clueless (Candy Stories #3)
Teen FictionNo plot twists or whirlwind romance like in the books. Such is the fate of a side character like Mimi, who neither has a face, body, brains nor background worth boasting about. But what if she realizes that you don't need to be extraordinary to be l...