Epilogue

63.1K 1K 116
                                    


Samira's POV

Nilagay ko ang malaking arrangement ng bulaklak sa puntod ni papa. Apat na buwan na rin ang nakalipas simula nung namatay si papa. Sobrang lungkot pero salamat sa Diyos dahil kinaya ko.

"Kahit wala na si papa, kahit papaano ay maswerte pa rin ako kasi nakasama ko siya bago siya namatay at natupad ang pangarap naming dalawa na maihatid niya ako sa altar. Hinintay niya talagang maikasal ako bago siya mawala," malungkot na kwento ko.

Hinawakan ni Geron ang balikat ko saka nilapit ako sa kanya.

"Hindi matutuwa si papa kapag nakikita niyang malungkot ka. Isa pa, mararamdaman ng baby natin kapag malungkot ka," sabi niya sabay haplos ng tiyan ko gamit ang isa niyang kamay.

"Maiintindihan naman siguro ako ni baby. Pero promise, last na ito. Hindi na ako iiyak ulit dahil ayaw din ni papa yun."

Natawa ng mahina si Geron saka hinalikan ako sa noo. Hinayaan niya akong umiyak sa dibdib niya hanggang sa tumahan na ako.

Kahit papaano ay hindi naging sobrang masakit sa akin ang pagkawala ni papa. Nandiyan kasi sina Geron at Libby para damayan ako. Hindi lang sila, nandiyan din ang pamilya ni Geron na pamilya ko na rin. Pati si Tita Janine ay pinapalakas din ang loob ko. Isang rason din kung bakit hindi ako masyadong nagmukmok nung namatay si papa ay dahil ilang linggo lang ay nalaman namin na nagdadalang tao na ako.

Kinuha man si papa sa akin pero meron namang binigay sa akin ang Diyos kaya nagkaroon ako ng sigla kahit namatayan ako. Ayoko rin kasi na maapektuhan ang baby ko dahil sa pag-iyak ko.

Ilang minuto rin kaming nag-stay sa puntod ni papa bago kami nagpaalam.

"Bye, lolo! I miss you na po. Babalik po kami ulit at ikwekwento ko po sa inyo ang tungkol sa school ko po at tungkol sa baby po namin. I love you po!"

Napangiti ako kay Libby dahil ang positive niya sa buhay. Ang lakas din ng loob niya kaya siguro hindi ko siya masyadong nakita na nagdamdam nung namatay ang lolo niya. Siya pa nga ang nagpapasaya sa akin eh.

"Alis na po kami, pa. Dadalaw po kami ulit," paaalam ko kay papa.

"We love you, pa. Tinutupad ko po ang pangako ko sa inyo na aalagaan ko ang mag-ina ko kaya huwag ninyo po akong multuhin ha?" Biro ni Geron na kinatawa ni Libby. "We're leaving, pa. Bye po."

Pagkatapos namin sa sementeryo ay dumiretso na kami sa airport.

Pagdating namin sa airport ay naghihintay na pala sa amin sina Mommy Allyna, Daddy Garret at Tita Janine.

"Mga anak, hindi ko na ba talaga kayo mapipigilan?" Malungkot na tanong ni Mommy Allyna.

Ngumiti ako sa kanya. "Sorry pero hindi na po, mommy. Ilang buwan din po naming pinag-isipan ito at buo na po ang desisyon namin ni Geron," paliwanag ko sa kanya sabay tingin sa asawa ko.

"Mom, we already talked about this, kaya huwag na kayong umiyak dahil hindi na po effective iyan. Aalis pa rin po kami," sabi niya sa mommy niya tapos bumaling na sa daddy niya. "Dad, please tell mom to give up doing things that would make us change our mind because we're not going to buy it. Our decision is final."

Ilang beses na kasi kaming pinigilan ni mommy na huwag ng umalis ng Manila pero hindi pa rin nagbago ang isip namin.

"Geron, just understand your mom. Kahit ako ay nalulungkot din na lalayo kayo sa amin. Iba talaga kapag malapit lang kayo. Hindi namin mapigilan na hindi mag-alala sa inyo dahil malayo kayo."

"Sa Iloilo lang naman po kami titira, dad, eh at hindi sa ibang bansa. Malapit lang yun sa inyo, dad. Kahit nga araw-araw pa kayong dumalaw doon eh. Meron naman tayong yacht at plane. Besides, we promise to come and visit every important occasion."

When She Finally Gives Up (Hughes Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon