Chapter 27: A Decade Later

50.8K 962 73
                                    


Samira's POV

"Allen Endino po."

"Nasa room 303 po siya," sabi ng nurse kaya nagmadali akong pumunta sa kwarto na sinabi niya.

Pinagtitinginan kami ng mga tao na nadadaanan namin hindi lang dahil maga ang mga mata ko, kung hindi dahil may maleta kaming dala ng anak ko. Dumiretso kasi kami dito galing ng airport. Hindi na mahalaga sa akin ang iisipin ng mga tao. Ang importante sa akin ay ang makita ang kalagayan ng papa ko.

Nung nasa tapat na ako ng kwarto niya ay agad ko itong binuksan ng hindi kumakatok. Pagpasok ko ay nakita kong nagulat si Tita Janine. Tumayo agad siya mula sa pagkakaupo sa tabi ng kama kung saan nakahiga si papa.

Ngumiti siya sa akin. Tumango ako sa kanya saka dumiretso kung saan si papa. Ang anak ko naman ay nagulat ng konti nung nilapitan siya ni Tita Janine.

Tumulo ang mga luha ko nung nakita ko ang lagay ni papa. Grabe yung pinayat niya at mukha na siyang mahina. Ang layo na ng itsura niya ngayon. Parang hindi ko na nga siya kilala dahil ang layo na ng itsura niya kumpara nung huli ko siyang nakita. Buti tulog siya para hindi niya ako makitang umiiyak ng ganito.

"Papa..."

Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil iyon ng mahina. Umiiyak ako habang nakatingin lang sa kanya. Pagkatapos ng isang dekada, nakita ko rin ulit siya sa wakas. Nasa hindi magandang lagay ko pa siya nakita ulit. Sampung taon din ang nakalipas at madami na rin ang nangyari. Ganun katagal namin natiis ang isat-isa?

Mas lalo akong umiyak dahil sa naisip ko. Kung anu-ano ang pumapasok sa isipan ko na pwedeng mangyari kay papa.

"Pa, nandito na po ako. Lumaban po kayo." Iyak ako ng iyak. Ang bigat-bigat ng puso ko. "Hindi kayo pwedeng mawala. Hindi mo pa nakikita ang apo mo, papa."

Pinunasan ko ang mga mata ko dahil naging malabo na dahil sa kakaiyak.

Naramdaman ko ang paghawak ni tita sa balikat ko. Lumingon ako sa kanya at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"Tita, si papa..." Hagulgol ko.

Mabilis niya akong niyakap. Dahil hawak niya si Libby, kaya tatlo kaming magkayakap ngayon habang umiiyak. Pati ang anak ko ay umiiyak din.

Nasa ganun kaming posisyon nung dumating ang doctor ni papa kasama ang nurse.

"Good morning, titingnan lang namin ang pasyente."

Tumango ako saka humakbang patalikod para bigyan ng space ang doctor para matingnan niya si papa. Nakatingin lang kami sa ginagawa ng doctor. Bawat galaw nila ay natutukan ko hanggang sa matapos sila. Pinunasan ko ang mukha ko at inayos ang sarili bago lumapit sa doctor.

"Doc, anak po ako ng pasyente. Kakarating ko lang po. Gusto ko pong malaman kung ano ba ang lagay ng papa ko?" Pilit ko pinapatatag ang loob ko para sa isasagot niya.

"It is good to meet you. Alam kong mahirap ang sitwasyon mo ngayon, hija, pero kailangan kitang tapatin kung ano ang totoong estado ng papa mo," sabi niya saka malungkot na tumingin sa akin. "Malubha ang lagay ng papa mo. Meron siyang cancer sa dugo at stage four na ito. Sinabihan ko na siya noon na magpagamot ng maaga pero hindi niya ginawa. Kaya ngayon, kumalat na sa madaming parte ng katawan niya ang cancer niya kaya mahirap ng i-treat ito. Wala akong maipapangako sayo, hija, kundi ang gagawin namin ang makakaya namin para tumagal ang buhay niya kahit konti."

Nanlumo ako sa sinabi ng doctor. Tila nanigas ang katawan ko kasabay ang paghina ng tuhod ko. Buti nakakapit ako sa kama dahil baka natumba na ako.

"Doc, may gamot pa naman, diba? Kaya pang gumaling ni papa, diba?"

Umaasa ako na oo ang sagot niya. Hindi pa kasi siya pwedeng mawala. Babawi pa kami sa isa't-isa dahil sa ilang taon na hindi kami nagkasamang dalawa.

When She Finally Gives Up (Hughes Series)Where stories live. Discover now