Samira's POV"Ano ba yan. Hindi parin nagre-reply."
Nakasimangot akong nakatingin sa computer ko habang ilang beses ng nire-refresh ang emails ko baka sakaling lumitaw ang email niya pero wala parin talaga.
Wala paring reply galing kay Carly Rempel kung pumapayag ba siyang magpa-interview o hindi. Okay lang sana sa akin na hindi siya pumayag pero dahil nakasalalay ang trabaho ko dito, kailangang pumayag siya. Actually, trabaho at tirahan namin ng anak ko ang nakasalalay dito. Ayoko na sa lansangan nalang kami tumira isang araw ni Libby. Hindi ko kakayanin yun.
"Mag-email ka kasi ulit." Napatingin ako sa katrabaho ko na nakapwesto katabi ng desk ko. "Ganyan kasi yang mga sikat na tao na yan eh. Pa-importante lagi, gusto nila hinahabol-habol sila at gusto nilang sinusuyo sila at kinukulit."
Napailing ako sa narinig dahil tama siya.
Wala naman akong nagawa kundi sundin ang sinabi ng katrabaho ko.
Nag-send ako ulit ng email kay Carly Rempel. Pero this time, mas ginandahan ko ang nilagay sa email. Sinabi ko na kailangan niyang magpa-interview para malinis ang pangalan niya sa napabalitang hiwalayan nila at isa kami sa mga taong gustong tulungan siya. Sana tumalab ang sinabi ko sa kanya.
Sent.
Napasandal ako sa upuan ko saka napabuntong-hininga. Sana mag-reply na siya dahil apat na araw na akong naghihintay. Isa at kalahating linggo nalang ang palugit na binigay sakin ni Maam Pia para gawin ito.
Bumalik muna ako sa ginagawa kong trabaho. Nagsulat ako ng ilang articles para sa postings sa online website namin saka ko sinend sa editor namin para e-check yun bago e-publish sa site. Nag-compute din ako ng stats ng mga readers namin nationwide at ipapakita ko iyon kay maam bukas. Ako kasi ang naatasan gumawa nun simula pa noon.
Naging busy ako buong araw at sampong minuto nalang ay off ko na. Labasan na din ni Libby sa school niya at I'm sure pauwi na yun sa bahay. Ayokong maghintay ang anak ko sa akin ng matagal na mag-isa lang sa bahay kaya on time talaga ako lumalabas sa trabaho para makauwi agad sa bahay.
Magla-log out na sana ako ng computer ko nung may nag-pop up na email notification. Nanlaki ang mga mata ko nung mabasa na galing iyon kay Carly Rempel. Agad na inopen ko ang reply niya.
Kinakabahan pa ako habang binabasa ito baka kasi hindi siya pumayag, pero laking tuwa ko nung sinabi niya na willing siyang magpa-interview basta walang may makakaalam hanggang sa ma-publish na ang magazine. Kami lang daw ang bibigyan niya ng pahintulot na e-publish ang side niya.
Agad ko siyang nireplyan at nagpasalamat sa kanya. Tinanong ko din kung kailan niya gustong magpa-interview.
Nakangiti ako habang tini-turn off ang computer ko at kinuha na yung bag ko para umalis na.
Akala ko mahihirapan akong kumbinsihin siya na magpa-interview. Sulit ang pag-send ko sa kanya ulit ng email kanina. Sa wakas, mukhang malabo na akong matanggal sa trabaho ngayong pumayag na siya.
Masaya akong umuwi ng bahay at mas lalo pang gumanda ang araw ko nung madatnang pinagluto ako ng anak ko ng hapunan.
Kumain kami ng sabay habang nag-uusap. Kinwento niya sa akin ang mga nangyari sa school niya at kung ano ang ginawa niya buong araw kasama ang mga friends niya. Masaya akong marinig na masaya ang anak ko sa school. Napaka-positive ng pananaw niya sa buhay na isang bagay na pinagdadasal ko na sana ay ganun din ako. Buti nalang hindi minana ng anak ko sa akin ang bagay na yan.

YOU ARE READING
When She Finally Gives Up (Hughes Series)
RomanceGeron Hughes' story. Samira loves fully to the extent of being too desperate. Her love craziness will knock her hard when she faces the consequences of loving the guy who does not even love her a bit. Samira's journey of love, acceptance, and forgi...