Samira's POVIlang araw akong hindi mapakali. Meron akong masamang kutob na hindi ko matukoy kung ano. Halos hindi ako makapagtrabaho ng maayos dahil dito.
Makalipas ang ilang mga araw na wala namang may nangyaring kakaiba ay medyo kumalma din ako. Baka kasi na paranoid lang ako simula nung makita ko ang mga magulang niya at kung anu-ano ang mga iniisip ko na hindi naman dapat. Ako lang din ang nahirapan sa pinag-iisip ko.
Buti nalang ngayon ay medyo kalmado na ako. Pinagtuunan ko nalang ng pansin ang anak ko at ang trabaho ko.
Naging busy ako nitong nakaraang mga araw. Ilang sites na rin ang nabisita ko at ilang projects na ang nilakad ko. Masaya ako dahil sunod-sunod ang mga clients na dumadating kaya hindi kami nauubusan ng trabaho. Sobrang thankful ako sa mga blessings na natatanggap ko. Hindi ko akalain na may igaganda pa pala ang career ko. Akala ko dati pag-alis ko ng Manila, hanggang doon nalang ang magandang career na para sa akin. Pero ang bait ng Diyos dahil ang daming chances ang binibigay Niya sa akin para magbagong-buhay at magsimula ulit kahit ang dami kong nagawang mali sa buhay ko dati.
Kahit gaano ako ka-busy ay sinisigurado ko na may oras parin ako para sa anak ko, na lagi kaming may bonding moments na dalawa. Tulad nalang ngayon. Nagluluto kami sa kusina. Pareho kasi kaming mahilig sa gawaing kusina.
"Ang galing niyo po, mama. Dapat pag malaki na talaga ako, magiging kasing galing niyo rin po ako sa pagluluto."
"Magaling kanaman ah?"
Umiling siya. "Hindi po. Mas masarap parin ang luto ninyo, mama."
"Wag kang mag-alala. Pag medyo tumanda kana, mas magaling kapa kay mama," nakangiting sabi ko sa kanya saka pinisil ang matangos na ilong niya.
"Talaga, mama?"
Tumango ako. "Oo naman. Tapos magpapatayo tayo ng sarili nating restaurant. Magluluto tayo ng masasarap na mga pagkain na babalik-balikan ng mga tao. Diba masaya yun?"
"Opo!" Masiglang sagot niya at pumapalakpak pa ang mga kamay niya.
Napangiti ako dahil sa saya na nakikita ko sa anak ko. Pag masaya siya, masaya narin ako. Ganyan talaga pag isa kang ina.
Kinuha ko ang kaldero mula sa stove nung luto na ang ulam at nilagay ang laman nito sa isang malaking bowl.
"Mama, magaling din kaya ang papa ko sa pagluluto?"
Napa-aray ako dahil napaso ang kamay ko sa aksidenteng napahawak ako sa mainit na kaldero. Hindi ko kasi inasahan ang tanong ng anak ko kaya nagulat ako.
"Mama, okay lang po ba kayo?" Nag-aalalang tanong sa akin ng anak ko saka hinipan ang kamay ko.
"Okay lang ako, anak. Ako na ang bahala. Thank you sa pag-aalala kay mama," sabi ko saka binasa ng tubig ang kamay ko para mawala ng konti ang sakit.
Noong okay na ako, umupo ako sa hapag at ganun din ang ginawa ng anak ko. Umupo siya sa usual na pwesto niya, yung upuan na nasa harapan ko.
"Mama, hindi niyo po sinagot ang tanong ko," sabi ni Libby.
Napakagat ako ng labi.
Ayoko na sana pag-usapan ang kahit na ano tungkol kay Geron. Pero ayokong isipin ng anak ko na galit ako sa papa niya. Alam kasi niyang buhay ang papa niya. At ang alam niya, umalis ito at lumayo.
Nakakamangha nga minsan ang anak ko dahil hindi siya galit sa papa niya. Ang pagkakaintindi niya kasi, may importanteng rason ang ama niya kung bakit ito umalis. Pero sinabi ko sa kanya ang totoo na hindi kasi kami nagmamahalan ng papa niya kaya hindi kami pwedeng magsama.

BINABASA MO ANG
When She Finally Gives Up (Hughes Series)
RomanceGeron Hughes' story. Samira loves fully to the extent of being too desperate. Her love craziness will knock her hard when she faces the consequences of loving the guy who does not even love her a bit. Samira's journey of love, acceptance, and forgi...