Samira's POVKakatapos ko lang painumin ng gamot si papa. Nakatulog agad siya. Dumiretso ako sa pinto dahil may nag-doorbell.
"Bakit ka bumalik? May naiwan ba si Libby?" Takang tanong ko sa kanya.
Sinundo niya kasi dito kanina si Libby para ihatid sa school. Hindi ko inasahan na babalik siya agad dito. Maliban nalang kung may kailangan siya.
Hindi siya sumagot sa tanong ko pero napansin ko na may nilabas siya na bulaklak mula sa likod niya na kinagulat ko.
"I just want to apologize to you."
"Bakit?" Sagot ko sabay tingin sa bulaklak na hawak niya. Pink roses. Paborito kong kulay ng bulaklak ang pink. Alam niya kaya yan o nagkataon lang na yan ang binili niya?
"It's about what happened last night. Nagalit ka kasi sa akin dahil sa nangyari sa anak natin. I'm sorry. I admit that it's my fault. I didn't think things thoroughly."
Hindi pa rin ako nasasanay na nagso-sorry si Geron sa akin. Nakakabigla talaga lagi pag ginagawa niya yan. Dahil sa sorry niya, parang hindi ko kayang hindi siya patawarin lalo na at nag-effort talaga siya na bumalik dito para sincere na mag-sorry.
"Pasensya ka na rin dahil nabigla ako kagabe at sinisi ko saiyo lahat. Alam mo naman na emotional talaga ako kapag si Libby na ang pinag-uusapan."
"You don't need to apologize. Your reaction was normal. Kahit ako rin ay nagalit kahapon dahil sa nalaman. Hindi ko rin gusto ang ginawa nila sa anak natin. But don't worry, nakausap ko na ang principal. Sila na raw ang bahala at pinangako nila na hindi na mauulit iyon sa anak natin. Pero kung ako lang ang masusunod, mas malala pa diyan ang gagawin ko sa kanila, but I did not do it. I considered Libby's request and yours," sagot niya.
Tumango ako. "Salamat. Alam ko naman na gagawin mo ang lahat para kay Libby pero mas maganda na idaan natin ito sa tama."
Ngumiti siya sa akin saka inabot ang bulaklak na dala niya. Kahit nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ko ito ay tinanggap ko nalang. Sayang eh saka gusto ko talaga ang kulay.
"Thank you sa bulaklak," sabi ko sa kanya. Kahit papaano ay napagaan niya ang pakiramdam ko dahil sa dala niyang roses.
"You're welcome. Thanks for accepting it. I thought hindi mo tatanggapin kahit favorite mo yan dahil ako ang nagbigay."
Nagulat ako dahil sa narinig mula sa kanya. Ibig sabihin, alam niya na paborito ko ang pink roses. So hindi pala nagkataon lang. Paano niya kaya nalaman?
"Samira."
Napatingin ako ulit sa kanya. Hinihintay ko ang susunod na sasabihin niya.
"Bakit?"
"Gusto ko sanang magpaalam sayo."
Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Bakit ang unang naisip ko ay magpapaalam siya sa akin na kung pwede niya akong ilabas? Bigla akong nakaramdam ng kaba at parang hindi ako mapakali sa loob-looban ko. Kung yayayain niya akong lumabas, hindi dapat ako papayag.
"Paalam tungkol saan?" Mahinang tanong ko dahil sa kaba na nararamdaman ko.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Feeling ko sasabog ito kapag kinumpirma niya ang nasa isipan ko ngayon.
"I just want to ask for your permission if I can have a date with our daughter tonight. Wala naman siyang pasok bukas, diba? I am hoping that you will allow us to go out even just for a few hours. I want to make it up to her. She must be sad the last few weeks."

YOU ARE READING
When She Finally Gives Up (Hughes Series)
RomanceGeron Hughes' story. Samira loves fully to the extent of being too desperate. Her love craziness will knock her hard when she faces the consequences of loving the guy who does not even love her a bit. Samira's journey of love, acceptance, and forgi...