Samira's POVIsang linggo na akong pabalik-balik sa hospital. Gusto ko kasing bantayan si papa sa hospital at gusto ko ding asikasuhin ang anak ko.
Nag-umpisa ng magpa-chemotherapy si papa. Hindi sigurado kung effective pa ito para sa kanya pero kailangan naming subukan kahit madami itong side effects gaya ng panghihina, paglalagas ng buhok, pagsusuka at kung ano pa. Malubha na ang sakit niya pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na tatagal pa siya.
"Anak."
Tumigil ako sa pagsa-slice ng apple nung tinawag ako ni papa.
"Po?"
"Okay naman ako dito, anak. Pwede ka naman munang umuwi at magpahinga sa bahay. Baka na-mi-miss ka na ng apo ko."
Nagkita na sina papa at Libby. Sobrang saya ng dalawa na makilala ang isa't-isa. Kung pwede lang ay araw-araw kong dadalhin ang anak ko dito para sumaya si papa pero sabi ni niya ay huwag daw madalas kasi ayaw niyang makita siya ng apo niya sa ganitong kalagayan. Ayaw niyang malungkot ito.
Dalawang session nalang ng chemo niya saka namin malalaman kung pwede na siyang sa bahay at doon nalang magpahinga gaya ng hiling ni papa. Babalik lang kami dito sa hospital pag schedule niya ng chemo.
"Pa, huwag niyo po akong alalahanin. Okay lang ako. Saka araw-araw naman akong umuuwi sa bahay para maasikaso si Libby."
"Yun nga ang point ko, anak. Alam kong nahihirapan ka dahil pabalik-balik ka dito araw-araw. Nandito naman si Tita Janine mo para bantayan ako kaya okay lang kung minsan ka lang dumalaw dito. May anak ka na kailangan ka."
Napatingin ako kay Tita Janine na nakaupo sa couch at nakatingin lang sa amin ni papa. Ngumiti siya sa akin.
"Pa, alam ko naman na hindi kayo papabayaan ni tita pero gusto ko po na ako mismo ang mag-aalaga sainyo. Saka lagi namang pumupunta si Geron sa bahay para samahan si Libby."
Bumuntong-hininga si papa saka sinabing, "Anak, wala ba talaga kayong pag-asa na magkatuluyan ni Geron?"
Napailing akong natawa. "Papa naman. Ilang beses na ninyong tinanong sa akin iyan at ganun pa rin naman ang sagot ko."
"Pasensya ka na kung makulit ako. Gusto ko lang kasi na may mag-alaga din sayo at sa apo ko lalo na pag nawala na ako. Kahit alam ko ang nangyari sainyo noon, mas gusto ko pa rin na siya ang makakatuluyan mo para buo ang pamilya ninyo. Nung pumunta siya dito nung isang araw, may nakita akong kakaiba sa kanya. Alam mo kung ano ang napansin ko sa kanya?"
Napailing ako kay papa. "Ano po?"
"Nakita ko ang klase ng tingin niya sayo at napansin ko kung paano ka niya asikasuhin kahit na halatang iniiwasan mo siya."
"Nag-usap lang kayo ni Geron, pa, siya na agad ang kinakampihan ninyo? Humingi lang naman siya ng tawad sainyo ah tapos sa kanya na kayo kakampi?" Natatawa kong sabi para pagaanin ang sitwasyon.
Minsan kasi ay dumadalaw si Geron dito para bisitahin si papa. Ewan ko kung ano ang pinag-usapan nila nung huling punta ni Geron dito dahil pinalabas nila ako. Baka naman napaniwala niya si papa ng mga imposibleng pinagsasabi niya.
"Lalake din ako, anak. Alam ko kung totoo ang sinasabi niya o hindi. Isa pa, mabait naman pala siyang bata kahit may pagka-demanding lang minsan." Natawa si papa ng mahina. "Pero maganda naman pala ang kalooban niya kahit medyo bolero."

YOU ARE READING
When She Finally Gives Up (Hughes Series)
RomanceGeron Hughes' story. Samira loves fully to the extent of being too desperate. Her love craziness will knock her hard when she faces the consequences of loving the guy who does not even love her a bit. Samira's journey of love, acceptance, and forgi...