Prince in Action

166 3 5
                                    

Malamig na hangin ang dumampi sa aking balat. Niyakap ko ang aking mga braso para mabawasan kahit kaunti ang lamig na nararamdaman ko.

"Oh ngayon nilalamig ka?" Mahinang bulong sa akin ng katabi ko. Tinignan ko siya ng masama pero ngiting mapang-asar lang ang ibinalik niya sa akin.

"Mack, bakit may pasas ka pa sa baba mo? Gutom ba 'yang baba mo?" Natatawa kong sabi sa kanya. Hinawakan naman niya ang pasas na tinutukoy ko nang mapagtanto niya kung ano ang ibig kong sabihin agad nagbago ang mukha niya. Mas lalo akong natawa sa itsura niya.

"Hindi 'to pasas!" Malakas na sabi niya sa akin.

"Sshh!" Saway ni Damian

"Tumahimik ka na kasi, Kahon!" Pang-aasar ko ulit sa kanya. Mukha kasi siyang kahon sa hugis ng mukha niya.

"Uso rin pa lang mag-ahit!" Habol ko pa bago sumunod kay Damian na lumapit sa isang bahay.

Nakita ko pang hinawakan ni Mack ang buong mukha niya kung may aahitin nga ba siya bago lumapit sa amin.

Kumatok si Damian ng apat na beses sa pinto. Ilang segundo lang ay bumukas ng kaunti ang pinto. Sinenyasan ako ni Mack na ibigay ko na ang kailangan nila. Kinuha ko sa bulsa ang pera at iniabot ito sa kamay na nakalahad sa may pinto.

Mabilis nitong kinuha ang pera pagkatapos ay ipinalit ang papel na nakarolyo at saka muling isinara ang pinto. Nagkatinginan muna kaming tatlo saka tumango at umalis na doon.

May pinalabas na kautusan ang bagong hari ng Tradean na sa pagsapit ng alas nuebe ay nasa loob na ng bahay ang lahat ng tao. Kung sino man ang lumabag sa kautusang ito ay kamatayan agad ang hatol.

Tiningnan ko ang oras sa relo ko. Mag-aalas diyes pa lang. Kung may makakita sa amin na mga kawal ng hari, sigurado akong patay na kami ngayon. Pero dahil nasanay na kami sa ganitong gawain, alam na namin kung saan at anong oras dumarating ang mga knawel.

"Mabuti naman at nakaalis na agad tayo." Reklamo agad ni Mack ng makalayo na kami.

"Hinaan mo nga ang boses mo!"

"Wala naman makakarinig sa atin, saka sino bang pupunta sa gubat ng ganitong oras."

"Mack, the forest is a good hiding place. But the moon is still watching us." Bulong sa kanya ni Damian. Kumunot naman agad noo ni Mack senyales na hindi niya naintindihan ang sinabi nito.

Pasimple siyang lumapit sa akin at bumulong. "Lori, ano daw 'yun?" Napailing ako sa narinig ko. Hindi kasi masyadong marunong si Mack ng salitang Ingles. Nang hindi ko siya sinagot, naglakad na lang ito ng nakayuko at bagsak ang mga balikat. Napangiti na lang ako sa inakto niya.

Pagkarating namin sa bahay ni Mack, sinindihan ko agad ang kandila at inilagay ito sa sahig. Umupo kami sa tapat nito. Nagmistulang ginto ang buhok nilang dalawa dahil sa liwanag. Minsan ko na rin ipinagtaka kung bakit parehas sila ng buhok, siguro nauso 'yun dati.

Inilapag ang nakarolyong papel na kanina ko pa hawak. Isa itong dyaro na naglalaman ng lahat ng balita sa maghapong ito. Tuwing alas syete ng gabi ipinalalabas ang balita sa pamamagitan ng dyaryo. Pero hindi kami pwedeng kumuha n'yon dahil sa gubat kami nakatira at ayaw ni Damian ipaalam na nakatira kami dito.

"Damian, bakit kamukha mo 'to?" Turo ni Mack sa larawan. Bago ko pa man ito makita ay tinakpan na ito ni Damian ng kamay niya.

"Later." Sabi niya kay Mack at hindi na ito nagreklamo. Hinahanap na ba siya?

"Maraming rebelde ang sumugod ngayon sa kaharian kaya mas lalong magiging mahigpit ang mga kawal sa tao." Wikang Ingles ang nakasulat sa dyaryo kaya hindi ito maiintindihan ni Mack. Hindi naman pwedeng kami lang ni Damian ang nakakaalam ng balita dahil kukulitin lang kami ni Mack kung anong nakasulat dun.

Catharsis III: Round OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon