ZANE CREED ZOBEL POV
Busy-ing busy sa loob ng pinaka malaking studio ng A Network. Limang taon na rin ang lumipas, napangiti ako habang lilinga linga sa paligid.
"Why smile mama?" tanong ng apat na taong gulang na anak ko na si Blake, natuwa ako sa pilit na bulol na salita ng anak ko.
"Nothing pancake, may naalala lang si mama" sabi ko sabay kuha sakanya sa katulong na kasama ko at kinarga sya
"You remembwer papa?" muling tanong ng anak kong sobrang gwapo kahit bulol
"Yes anak, did you know na dito sa lugar na to ulit nag kita noon si papa at mama after a long time na nag kahiwalay kami?" masayang sagot ko sa anak ko. Kahit na iniwan kami ni Thomas ay hindi ko parin ipinagkait sa anak ko na malaman kung sino ang tatay nya. Pero kahit minsan hindi nag tanong sakin ang anak ko kung nasan ba ang papa nya. Marahil ay pakiramdam nya ay kahit sa larawan lang nya nakikita ang ama ay parang nakakasama nya na rin ito
"Yes mama Tito Cywus tell Blake that stowy and all of your stowy with papa" bibong sagot ng anak ko
"Pakiss nga si mama" malambing na sambit ko at hinalikan naman ako ng anak ko
"Will mama see papa laytwer? (A/N: Later)" namimilog ang mga matang tanong ng anak ko
"No anak, mama will be part of the show together with an old friend of mine." sagot ko sa anak ko
"Who mama? Ninong Ar-ar?" tanong nya at umiling ako "Ninong Wrawra? (A/N: Rara) umiling akong muli
"I dont know his real name anak but he is Mr. C" sagot ko
"C mama? Captain Barbel? WOoohhh, Is my mama fwiend with Captain Barbel?" muling namimilog ang mga mata ng anak ko. Napangiti nalang ako
"Lets go na anak ha, Ninang Skye is waiting for us" sagot ko at tumango naman sya "Ate mag hanap ka na ng upuan sa harap i tetext nalang kita, ako na muna ang bahala kay Blake" sabi ko sa katulong
Nag tungo kami ng anak ko sa isa sa mga dressing room at naabutan ko si Skye na busy-ing busy kasama ng ilan sa mga makeup artist doon
"Bakit busy-ing busy ka naman?" tanong ko at humarap si Skye sa amin
"Blaaaaakkkkeee!" masayang tawag ni Skye sa anak ko ng makita ito, sinenyasan nya ang ilan sa naroroon na lumabas "Come to ninang kiss mo ko" aya sa anak ko, agad naman lumapit ang anak ko
"Ninang ganda!!!" bati din ng anak ko kay Skye sabay akap at halik dito
"Baka gusto mong yung kaibigan mo muna ang batiin mo bago yang inaanak mo?" tamputampuhan na sabi ko kay Skye
"Che!" tanging sagot sakin ni Skye at muling bumaling kay Blake "Are you gutom baby?" tanong nito at tumango ang anak ko. Nanlilisik ang mga matang tumingin naman sakin si Skye "Bakit hindi mo pinapakain to?" galit na tanong nito
"Anong hindi e alam mo naman na hindi lang talaga ata nabubusog yang batang yan" sagot ko naman, tanging irap ang sinagot sakin ni Skye
"What do you want baby?" tanong ni Skye kay Blake
"Nova and Milo Ninang Ganda plwease" pa cute na sabi ng anak ko "Mama dont want blake to eat Nova and Milo Ninang Ganda Im wawa po" lungkot lungkutan na sumbong ng anak ko
"Kasi anak hindi yun healthy, you can drink Milo but no Nova okay?" sabat ko naman sa usapan ng dalawa
"Dont worry baby, Ninang Ganda is bahala later ok?" bulong ni Skye sa anak ko pero rinig ko parin

BINABASA MO ANG
That Crazy Ex Girlfriend (COMPLETED)
RomanceMakalipas ang limang taon, muling nag balik si Zane Creed sa Pilipinas. Sa kanyang pag babalik she also want to start a new beginning with her ex boyfriend, her one true love Thomas Blaze. Pero hindi inaasahan ni Zane na sa pag kakataong ito kariba...