Serysian
"Life is written through tendencies and mysteries, with the reign itself that's full of fantasy."
Mahirap mabubay, madaling mamatay. Parang mga sinag ng sansinukob na panaginip-bago. Mabigat, at minsang yapak ng gaan. Kilig sa saya at lungkot na nagpapasya. Sa isang ihip ng liwanag, lahat ay p'wedeng mabago. O kaya, sa ihip ng kandila, ang pagdiriwang ay tatawid ng pagdadalamhati sa kamatayan. At iyon, iyon na ang datos ng buhay. Ang pagtatapos ng literaturang binuo, nilulutas sa kadiliman na walang kinabukasan, walang kasunod. Ang dulo ng patlang at bawat kabanata.
Pero, paano kung ang buhay ay idinidikta ng may kapangyarihan? Ang nangangalaga sa bawat tao ngayong nagliliwag?
Marahil, nadudulas ang katotohanan sa isang pantasya na walang kasiguraduhan, pero sa isang kusot ng pantig---simpantyang nagpapatunay, si Celestreign Veynor Isolde, ang Zodiatria na itinakda sa isang misyon ay hindi eskapista. Misyon na kasangkot ang isang binata sa pagpapalagay itong agos ng buhay.
Sa banging iwinawasto ng mundong HEIRASTUM.