Chapter 25.1

2K 69 16
                                        

ZANE POV


As I opened my eyes, kulay puting kisame agad ang bumungad sa akin, I blinked twice bago ko iginala ang paningin ko.


"Salamat at gising ka na" sabi nya sa akin, I smiled at him. Thank God he's okay.


"Are you okay?" I asked him, kung tutuusin walang kwenta ang sampal at sabunot na natamo ko kumpara sa natamong bugbog ni Thomas. Pilit syang tumayo sa kama na katabi ng kama ko. "Wag ka munang tumayo, mag pahinga ka muna alam kong hindi ka pa okay" sabi ko sakanya


"Makita ko lang na okay ka na, okay ka din ako Zane" sagot naman nya


"Kanina ka pa ba gising?" tanong ko at tumango sya, "Wala bang nag bantay satin? Si Cyrus?" tanong ko


"Umalis sya saglit para sunduin ang parents mo sa airport" sagot ni Thomas, hindi ko alam kung handa na ba akong makita ang mom and dad ko dahil alam kong kapag nakita ko sila hindi ko mapipigilan ang sarili ko na mag tanong "Nagugutom ka ba?" tanong ni Thomas at umiling ako "Sorry Zane, hindi manlang kita naligtas. Mas nasaktan ka pa ng dahil sakin" sabi nya


"Ako ang dapat mag sorry, kasi nadamay ka pa" sagot ko naman


"Gusto kong nadadamay sa lahat ng bagay tungkol sayo, gusto kong maging parte ng bawat kabanata ng buhay mo" sabi nya habang pinipilit paring tumayo sa kama nya at lumapit sa akin "Gustong gusto kong mag karoon muli ng lugar sa buhay mo" sabi nya ng tuluyan ng makatayo at makalapit sa akin. Tanging titig lang ang sinagot ko sakanya bago pumasok ang mga bisita namin.


"Okay na ba kayong dalawa?" matatas na bungad ni Kristina kasama si Rara, Max at Reaker. Tanging ngiti lang ang isinagot ko, muli namang bumalik si Thomas sa kama nya. "Nako! Sabihin nyo sinong may gawa nito sa inyo at malilintikan talaga sa akin!" gigil na sabi ni Kristina


"Nasan sila Sarah?" tanong ko


"Ay Zane, sorry ha. Nasa out of town pa kasi sila pero susunod daw sila ni Ziggy mamaya dito kasi pauwi na sila nyan" sagot ni Kristina


"Si Skye?" baling na tanong ko naman kay Max, ilang beses ng tumatawag sakin si Skye buhat nung matapos ang alumni homecoming kaya lang nag dridirve ako nun, nung umalis ako palayo ng nalaman ko kay Cyrus ang totoo


"Ahhh Zane, hindi ko din kasi alam kung nasaan ang kapatid ko" sagot ni Max


"Wag nyo ng hanapin yung Break Up Ambassador of the Philippines!" singit ni Kristina at kumunot naman ang noo ko "Aba nung minsan! Tumawag yun sakin parang buwang mag break na daw kami ni Rara dahil wala daw forever at sabi "I promote breakups!"" pag kwekwento ni Kristina habang ginagaya kung paano sinabi ni Skye ang linya nya


"May pinag dadaanan lang siguro ang kapatid ko" sagot naman ni Max, malamang yung breakup ni Skye at Sean ang tinutukoy nya.


"Ano bang nangyari?" tanong ko


That Crazy Ex Girlfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now