ZANE POV
The bidding went well. Malaki ang funds na naipon, but I cant focus on what's happening. "WHO ARE YOU?" yan ang paulit ulit na tanong ko sa sarili ko after I found out na Ayala si Cyrus. Is he my brother o nag oover reacting nanaman ako. Is it a coincidence? I guess not.
"Kuya. . ." Napapikit ako ng parang muling may nag flashback sa isip ko, Kuya? Hindi ba't panaginip ko lang yun?
"Sandali kuya sasama ako . . ." isang malabong alala ala nanaman ang muling nag flashback sa isip ko.
Ako ang batang babaeng yun, alam kong ako yun at may hinahabol akong lalake na lulan ng sasakyan. Hinahabol ko yung sasakyan at wari mo pinipigilan ito ang pag alis ng isang batang lalake.
Kuya? Sinong kuya? Bakit ko sya hinahabol? Bakit sya paalis?
"Zane? . . ." isang tinig muli ang narinig ko "Zane? Ok ka lang?" gulat akong dumilat at habol habol ang hininga. "Zane are you okay?" tanong ni Thomas habang paupo sa table namin dala ang mga inorder na pag kain. Umiling ako bilang sagot habang habol habol parin ang hininga. Bat may mga ala-alang pumapasok sa isip ko na hindi ako siguradong nangyari? "Uminom ka muna ng juice" alok ni Thomas sa akin kaya agad kong kinuha yun at uminom. After ng bidding humiwalay kami ni Thomas kila Quinn, Cyrus at Cloud. Hindi ko parin natatanong kay Quinn ang tungkol kay Cloud pero sa nakita ko kanina muka naman silang normal at hindi naman mukang mag kapatid? The way the acted, parang hindi naman kagaya ng sa mag kapatid. Tamang hinala lang kaya si Thomas?
"Paano mo nalaman na mag kapatid si Quinn at Cloud?" I asked Thomas matapos kong uminom ng juice
"Kumain ka muna" pag iiba nya ng usapan
"Oo kakain ako habang kwinekwento mo" sagot ko
Sumandal sya sa upuan at tinitigan ako "Kain" sabi nya kaya sinimulan ko ng galawin ang pagkain ko "Kay Reaker ko nalaman" sa wakas ay nag salita na sya. Muli akong uminom ng juice bago umayos din ng upo
"Anong kinalaman ni Reaker?" tanong ko
"Madaming alam si Reaker, pero hindi sya nag sasalita." sabi nya "Kung hindi ka lang sana nag ka amnesia mas madali kong ma eexplain sayo ang lahat" dagdag nya pa
"Sabihin mo lang kung ano ang kakayanin ng memorya ko" palusot ko naman
"Noong araw na una naming nakita si Quinn sa party inakala naming lahat na sya ang Zobel na hinahanap namin." panimula nya ng totoong kwento "Akala ko kami lang ni Rara ang nag hahanap sa Zobel na yun pero mali pala kami" dagdag nya pa, napakunot ako ng noo. Bakit ang daming nag hahanap sa batang zobel na yun which is me
"Cloud, Rara, Reaker, Me and Cyrus. That night mag kakasama kami" muli nyang pinutol ang pag sasalita at umayos ng upo but this time paharap sa table at hindi na naka sandal "Ikaw ang hinahanap namin ni Rara ng gabing yun, pero dahil si Quinn ang nandun akala namin ikaw sya. Habang si Cyrus at Cloud naman si Quinn talaga ang hinahanap pero ang kaibahan alam nila agad na si Quinn yung Zobel na hinahanap nila" muling dagdag nya "Nauna kaming lumapit ni Rara kay Quinn kaya siguro hindi nagkaroon ng chance yung dalawa na kausapin sya"
"So paano mo nga nalaman na kapatid nga ni Quinn si Cloud?" muling pag popoint out ko ng tanong ko dahil mas lalo lang nyang ginagawang komplikado ang mga sinasabi nya.
"Nung nag away si Max at Reaker ng dahil kay Cloud. Lasing na lasing si Reaker, paulit ulit nyang minumura si Cloud habang umiinom. Hanggang sa tinanong ko sya, bakit naman nagawa yun ng pinsan nya sakanya. Ang sabi ni Reaker, hindi nya pinsan si Cloud ampon lang si Cloud galing sya sa parehong ampunan kung saan galing si Quinn." kung ganon nag hiwalay silang mag kapatid ng may mga umampon na sakanila. "Ang sabi ni Reaker, ang hinala nya kaya sya ginagantihan ni Cloud ay dahil sinaktan ni Rara si Quinn noon. Kapatid sa kapatid ang laban kumbaga" kapatid sa kapatid? Muli nanaman pumintig ang mga tenga ko ng muli kong maalala ang narinig kong pag uusap ni Cloud at Cyrus

BINABASA MO ANG
That Crazy Ex Girlfriend (COMPLETED)
RomanceMakalipas ang limang taon, muling nag balik si Zane Creed sa Pilipinas. Sa kanyang pag babalik she also want to start a new beginning with her ex boyfriend, her one true love Thomas Blaze. Pero hindi inaasahan ni Zane na sa pag kakataong ito kariba...