Naalala ko pa noong unang pasok ko sa production floor noon, para siyang isang Greek god sa kanyang station. The copper iron hair, almond dreamy brown eyes towering a nose so fine and a pair of almost red lips. I THOUGHT HE'D BE MY NEXT MISTAKE. Akala ko lang kasi ilusyonada ako.
Hiling ko sana hindi niya mabasa 'to. Hahaha. Kundi lagot. NAKAKAHIYA.
DREAMY EYES. IT'S THE ONLY WORD THAT SUITS HIM. He looked like a Greek god, at ang mga mata niya parang mga mata ni medusa... you get petrified kapag tinitigan ka. Nakakabato. Nakakatanga. NakakaPBB TEENS. NAKAKABAGITO. Huwag lang talagang ngingiti kundi disaster na ang seemingly greek mythology romance na iniilusyon mo. Lol to the maximum velocity! May mga tao talaga na mas gwapo kapag nakasimangot lang, siya 'yon.
Bakit kaya kapag crush ko tumitiklop ang self confidence ko? 'Yong tipong makahiya lang na automatikong pumapack up si Gretchen Barretto kapag nilalapitan ng crush. AMPLASTIK KO? Totoo.
Dati naalala ko pa, kapag binubuyo ako sa KRAS ko nagiging poon ako ng birhen at hindi makaimik. It seemed stupid. Yung tipong hindi ako makakaimik, matatanga o kaya kunwari may ginagawa.
PADEMURE.
HANGGANG NGAYON PA NAMAN. Nabubulong ko lagi, "My mom raised me well"... Dahil siguro sa 'my mom raised me well' na yan kaya hanggang ngayon bokya ako sa pag-ibig.
Walang special saamin. Casual nga lang pagdating sa office. 'Hi' 'Hello', taasan ng kilay, ngitian at iwasan ng tingin lalo na pag nagpang-abot kami sa rest room. Mukha akong tanga kapag nasa iisa kaming lugar dati lalo na kapag sa CR. Biruin mo minimake sure ko pa dati na nakapag BIO BREAK (ihi break sa call center) na siya bago ako tumawag sa work force para makapagbio break na din. Titig, lingon at paview view sa peripherals na tinuro saakin ni Marishka, ang kaibigan kong kahawig ni Jessica Sanchez. Tapos kapag nahuhuli akong nakatingin sa kanya at pilit nagpapalusot na sa iba ako nakatingin, mag-chicheer si Florence at Arlene (mga kaibigan kong supporting actresses) ng "AYEEEEH" kaya mabubuko din na sa kanya ako nakatingin.
Iwas, tingin, lingon, pasimpleng kilig at pakipot na akala mo kagandahan. 21 months na ganun ang set up. Sa kakabuyo ni 'Arjay na number one fan at si Miku na pinakasupportive fan sa loveteam wala din namang kinahantungan. NGANGA. Kasi ang totoo hindi naman talaga ako nag expect ng anything na mas higit pa sa KRAS na yan. Probably I was just too realistic at rational after all. Buti nga si Jhade na karibal ko nakascore ng hug. Ako hanggang 'hi' lang. Dalagang pinay ang peg.
Nasaan na kaya yun? Naisip ko, what if magKRUS uli ang landas namin? Siguro mapapako na lang ako sa pagkuKRUS na yan at pasimpleng kunwari kumakanta ng "AAAAYL NEVER GOOOO FAR AWAYYYY FROM YOUUUU..."
Bakit kaya? Antagal na nito pero kinikilig parin ako kapag naaalala ko. Anlakas maka Jolina and Marvin, Guy and Pip, Shawie and Gabby, Richard at Dawn... Sayang hindi humantong sa puntong kakabugin na namin ang KATHNIEL.
Realtalk, true to life ito. Sana hindi niya mabasa (finges crossed)
HashtagBetaCapaPhi

YOU ARE READING
Hashtag Balahura
RandomAnong klaseng citizen ka? Taong gusto ng pagbabago pero ayaw magbago o taong ayaw nmagbago para sa pagbabago? Araw-araw ka bang nag-eemote? Hobby mo ba ang mag-inarte o mag-MV sa bintana habang umuulan? Sanay ka na bang lokohin at sanay ka na rin ba...