Balahura Intro

7.1K 338 71
                                    

Na-TWO TIME KA NA BA? Niloko, nagpaloko, nanloko at nagpakabobo? Yung tipong kahit masakit na sige parin kasi MAHAL MO?

Lumandi ka na ba pero di umubra? Nagpalandi at nagpaagaw sa iba? Malamang sinugod ka na ng legal gf slash bf? Binalikan mo kahit na hindi na buo yung tiwala niya sayo kasi LUMANDI KA?

Nag-emote ka na ba sa harap ng camera? Nagselfie habang umiiyak at tulo ang uhog, naglalaslas, o kaya'y nagbibigti? For sure mukha kang tanga nun!

Nakipag-away ka na ba sa comment box ng facebook dahil sa idol mong Kathniel, Jadine, Lizquen o Aldub? Nakaya mo namang laitin ka ng mga fans at murahin ng todo?

Nakipagchat ka na ba sa isang jejemon na mas mahirap pang kausap kaysa sa isang dayuhang hindi marunong mag-English? How's the feeling? Diba nakakainis at gusto mo nang sunugin o kaya'y lunurin sa isang baldeng muriatic acid?

Nauso ang social media. Nagsilabasan ang mga papansin at mga abnormal sa internet. Pati ang mga jejemon na akala nati'y napuksa na noong nagdaang lingo ay nabuhay. Andami nang attention seekers sa mundo. Pati pagkain pinipicturan kahit ultimo sardinas. Abnormal na ang mundo kaya galit na galit si ate mong Meriam Defensor Santiago at lalo na si Senyora Santibañez.

ANG TANONG, ISA KA BA SA KANILA? KUNG ANG SAGOT MO AY OO, BASAHIN MO ITO. PERO KUNG ANG SAGOT MO AY HINDI, BASAHIN MO PARIN ITO. MALAY MO, ISA KA NA PALA SA MGA BINABANGGIT KO?



P.S, Bawal pikon!

Hashtag BalahuraWhere stories live. Discover now