Chapter 7
Pwesto
"Ate, ano nanamang kabaliwan to?!" Patili kong sigaw sa ate ko ng madatnan ko na may mga baklang nakangisi sa akin habang may mga dalang gunting, kapapasok palang naming bahay at ito kaagad ang nadatnan ko.
"Uh, surprise?" Nakangisi nyang sabi at itinaas pa ang kamay nya.
"Ate!" I stomped my feet at sinamaan sya ng tingin. I'm tired of this!
"Sugod!" Kung gulat na ako kanina ay mas nagulat ako ng lumabas si Mika sa likod ng kurtina habang sumisigaw pa at maya-maya ay nakita ko nalang ang sarili kong nakaupo at napalilibutan ng mga taong mukhang may masamang gagawin.
Sa kabilang banda naman ay kitang-kita ko ang mga ngisi at pagaapir ng dalawang epal. Kung alam ko sana na ganito ang mangyayari edi sana mamaya nako umuwi. Pumasok naman si Kuya Jules na napatawa ng makita ang sitwasyon ko at napailing nalang ng makita sina ate na naghahagikhikan.
"Rica, ano nanamang pinanggagawa mo sa kapatid mo?" Natatawang tanong ni Kuya habang palapit kay Ate pagkatapos ay hinalikan ito sa pisngi, napairap nalang ako sa kawalan. Isa din 'to.
Napabuntong-hininga nalang ako at nagpaubaya sa gagawin ng dalawang bakla. Well, wala nanaman akong magagawa eh. Napamulat nalang ako ng nagtilian ang dalawang bakla habang pumapalakpak ang mga kamay na animo'y may nagawang maganda.
"Perfect!" Nangunot ang noo ko at umayos ng upo, dun ko lang din narealize na nakatulog ako. Dali-dali namang lumapit sa kinaroroonan namin sina Mika at Ate na akala mo nakakita ng multo pagpunta sa harap ko.
"Oh My Gee..." sabay nilang sabi, nagkatinginan at umiling sabay tingin sa akin.
"Ate, hindi ko alam na may mas igaganda pa s'ya." Nakangangang sabi ni Mika habang nakatingin sa akin at tinaasan ko sya ng kilay.
"Oo, tama... Salamin!" Sigaw ni Ate na agad din namang ibinigay ng dalawang bakla. "Oh, Chloe, Look at yourself." Napailing nalang ako at kinuha ang salamin at medyo nagulat ako sa itsura ko, well medyo lang dahil wala namang masyadong nagbago. Yung buhok ko lang, nagkaroon ng bangs at medyo highlights na brown.
Sa bagay, may improvement kasi feeling ko hindi na ko mukhang manang at medyo bumata akong tignan, well, not literally a manang pero kasi wala akong concern pagdating sa mukha ko. Makabihis lang ako ng maayos ay ayos na at hindi ko rin maiwasan na magandahan sa bago kong buhok.
Sa tingin ko naman ay mas bagay sakin ang ganito kaysa sa buhok kong hanggang beywang ang haba dati na... actually, may split ends.
"Ayos lang." Komento ko at ibinalik sa kanila ang salamin.
"What?! Ayos lang?! Anong klaseng reaksyon yan Chloe Mae?!" Gulat na sabi sa akin ni Ate na parang kanina lang ay hindi natameme ng magkita kami sa labas ng bahay.
"Hindi ka ba ma-aamaze?! God, Bessy! Tao ka na!" Sa sobrang banas ko sa sabi nya ay binatukan ko sya. Ano ako, hayop noon? Ganun?
"OA nyo, nagbago lang ang buhok eh." Tumayo nako sa inuupuan ko at pinagpagan ang sarili pagkatapos ay tumingin sa mga baklang nagsabotahe ng buhok ko pero maganda ang kinalabasan. "Salamat." Ngumiti ako at umalis na.
"Bess, gising na!" Napaupo akong bigla ng makarinig ng malakas na sigaw sa tapat ng tenga ko at naiinis na tinakpan ang tenga ko.
"Oo na. Kailangan talaga sumisigaw? Kainis. Kitang anong oras na akong nakatulog, eh." Reklamo ko at inayos ang bagong repair kong buhok.
Dumiretso naman kaagad ako sa banyo para makapag-ayos ng sarili, mukhang gagabihin ang klase ko ngayon dahil sa susunod na linggo ay itutuloy na ang internship. Hinagilap ko ang salamin ko sa drawer ko at maagap na bumaba sa dining para saluhan sila Ate at ang kaibigan ko na feel na feel na humihigop ng soup.

YOU ARE READING
A Dare To Prepare (Published Under Bliss Books)
General FictionHot Bachelors Series #1: Chloe Mae's world revolved on books and books alone-that is, until the three-month dare to date the playboy Lance Cedrick changed it all. Will their new reality end up happily, or will the truth break them miserably? ******...
Wattpad Original
There are 7 more free parts