Chapter 5
Humarang
"Bessy, ang ganda mo talaga." Biglaang sabi ni Mika sa tabi ko habang naglalakad kami papunta sa room.
"Manahimik ka nga." Sita ko sa kanya na naiinis. Kanina pa kasi sya paulit-ulit na sinasabi yan, nung nasa jeep pa kami tapos hanggang ngayon. Ano 'to? Unli?
"Totoo nga bessy! Chicks na chicks!" Napailing ako.
"Di ako sisiw." Pambabara ko at mukhang hindi naman sya naapektuhan sa sinabi ko.
"Hindi literal! basta, magugustuhan ka na for real ni Lance." Bigla nyang sabi at nasamid ako sa sarili kong laway at hinampas sya.
"Anong sinasabi mo dyan?! Manahimik ka nga, Mikaela!" inirapan ko s'ya.
"Oo nga, kaso yung buhok mo... Maglugay ka!" Pilit nya pero di ko sya pinagbigyan. Sinubukan pa nyang haltakin ang ponytail ko pero hindi ako pumayag at lumayo sa kanya.
"Ayoko nga. Buhaghag." Sagot ko agad, nagpatuloy ang pangungulit nya habang makapasok kami ng room at nakita ko na natigil sa pagchi-chismisan sina Britney at ang mga kaibigan nito ng pumasok kami. They looked at me, as if I was a freaking alien na nandito para maghasik ng lagim.
"Si Villafuerte ba 'yan?" Narinig kong sabi nya, kasabay ng mga bulungan kaya sumimangot ako.
"Ako 'to, OA niyo naman..." Sabi ko at dumiretso sa pwesto ko sa likod at binuklat ang libro na binabasa ko. Another day, bakit kasi two times a week ang subject na 'to? Nakakainis naman.
"Hello girls!---Aray! Ano ba?!" Napalingon ako sa pinto at nakita ang bwiset na playboy na piningot ng Ate nya sa tenga dahil lumandi nanaman, napangiwi ako. Anong bago?
"Manahimik ka! May girlfriend ka na!" Sabi ng Ate nya sa kanya at tinanggal ang kamay sa tenga nito sabay hampas sa balikat nito.
"Ay! Oo nga!" Umikot ang mata nya na parang may hinahanap at nagkasalubong ang paningin naming pero hindi nya ako pinansin.
"Hey, Kaibigan ni girlfriend, nasaan s'ya?" Tanong nya kay Mika na ipinagtaka ko.
"Ha? Sino?" Takang tanong nito at sumulyap sa akin.
"Girlfriend ko." Sagot naman ni Lance, he looks hot wearing his all white uniform at bahagya pang nakabukas ang butones. He's taking up medicine na kasi para sa pagiging doktor. Just wow, right? Ang galing nya.
Nakapagtataka nga rin kung paanong nagkaroon sya ngklase rito gayong sa med school na sya.
"Ah, ayun oh." Tumango-tango sya at lumingon ulit sa pwesto ko sabay turo sa akin.
"Asan? Weh? H'wag mo nga kong pinagloloko." Di makapaniwalang sabi nya, tumatawa pa habang nakatingin sa akin na para akong isang malaking joke.
Gusto ata nitong masapak, ah. What's new? I was just not wearing my glasses!
"Ayan, oh! Nakatingin na sayo!" pilit ni Mika at itinuro pa akong lalo.
"Ayan? Girlfriend ko?" Tinuro nya rin ako at siguradong kung punso lang ako ay nabati na sya. Bawal kaya magturo! Tumawa pa sya pero mas humina at maya-maya pa ay tumigil na. Napatulala sya at nalaglag ang panga ng matitigan ako.
"Chloe ko, ikaw ba yan?!" Gulat nyang sabi, pumunta sa harap ko at hinawakan pa ang magkabilang-balikat ko habang pinapasadahan ng tingin ang mukha ko.
"Girlfriend ko, ikaw talaga yan?" Nakatitig nyang sabi, iniwas ko naman ang tingin ko at tumingin sa ibang direksyon dahil sa intensidad ng tingin nya na napakalalim. Kumibot ang labi nya at hinuli ang baba ko para tumingin ako sa kanya.

BINABASA MO ANG
A Dare To Prepare (Published Under Bliss Books)
General FictionHot Bachelors Series #1: Chloe Mae's world revolved on books and books alone-that is, until the three-month dare to date the playboy Lance Cedrick changed it all. Will their new reality end up happily, or will the truth break them miserably? ******...
Wattpad Original
Mayroong 9 pang mga libreng parte