TR 33.1

4.3K 369 123
                                    


TR 33.1: Trouble Overnight Part 2

Matapos kumain at magligpit ng pinagkainan ko ay agad na akong nagtungo sa may sala. Hihintayin kong pumanaog si Holen para malaman kung ano pa ba ang dapat gawin bago ako tuluyang makapasok sa kwarto.

Naghintay lamang ako sa sala ngunt isang oras na ang lumipas at wala pa rin ni isang anino ng dalawa. Alas dos mahigit na ng umaga.

Napagdesisyunan ko nalang na umalis nalang sa sala baka natulog na yung dalawa, wala ring silbi kung maghihintay pa ako.

Bago pa man ako pumasok sa kwarta ay pinatay ko na ang ilaw. Pinagpipipindot ko yung mga switch na nakita ko hanggang sa mapatay ko na yung ibang mga ilaw.

"Ang henyo ko talaga." Puri ko sa sarili ko nang mapatay ko ang karamihan sa ilaw.

Papasok na sana ako nang kwarto nang makarinig ako ng kalabog.

"Fuck." Mura pa ng boses ng lalaki. "What the hell? Have I become blind?"

Agad naman akong pumunta sa switch ng ilaw para pailawan muli ang bahay at sa may itaas ng hagdan, doon nga bumungad sa akin ang nakadapang Angeles.

"Ang sarap ata ng langoy mo?" Tanong ko. Pagalit naman siyang tumingin sa akin. "Buti hindi mo tinuloy-tuloy ang pagsisid hanggang dito sa baba?"

"Ikaw ba ang pumatay sa ilaw? What's wrong with you?!"

"What's wrong with you?" Pag-uulit ko sa sinabi niya. "Natural papatayin ko talaga, wala namang tao. Nag-aaksaya lang kayo ng kuryente."

"You-" saka niya ako sinugod sa baba ng hagdan ay kinuwelyuhan. "Muntik na akong mahulog ng hagdan. We never kill the lights at night because of that!"

"Anong alam ko? Oras na ng pagtulog, natural lang na patayin yung ilaw."

"You are digging your grave really well Riyal. Hindi-" natigil siya sa pagbabanta niya nang makarinig kami ng pagbasag ng kung anuman sa itaas.

Nagkatinginan kami ni Angeles saka nag-uunahang umakyat ng hagdan patungo roon sa pinagmulan ng tunog.

Baka kung ano na nangyari kay Holen, may saltik pa naman ang isang iyon.

Naabutan naming nakabukas ang pinto ng kwarto niya kung kaya nama'y hindi na kami nag-atubiling pumasok. Doon nga ay nakita namin ang nakahigang Holen sa kama niya. Nakalatag ng maigi ang magkabilang braso niya sa kama.

Sa may sahig naman na na malapit sa kanang kamay niya ay may basag na baso roon at nangangamoy alak ang buong kwarto. Tumaas ang kanang kilay ko sa nakikita.

"Akala ko ba maliligo lang ang isang iyan?"

"You really think so?"

"Hindi ko alam na lasenggo pala kayong magbabarkada." Sabi ko kay Angeles saka ko nilapitan si Holen para tapikin ang pisngi. Sinisigurado ko lang na buhay pa ang isang ito.

Isang tampal palang ang nagagawa ko sa pisngi niya nang may kamay ang sumakop sa kamay ko. Agad naman akong napatingin kay Angeles.

"We should go. We'll leave him alone." seryosong sabi niya na ikinataka ko. Ang dating kasi ay parang nagmamadali siya na paalisin ako sa kwarto.

"Alam mo kanina ka pa-" naputol ang pagsasalita ko nang biglang mawala sa harapan ko si Angeles.

Puta?

Hinila lang naman ni Holen si Angeles. Konektado pa rin ang kamay niya sa kamay ko kung kaya't napaupo rin ako sa kama kasabay ng paghila sa kanya ni Holen.

Sa nangyaring iyon, pakiramdam ko biglang tumigil ang oras. Nakaramdam din ako nang biglaang pagbugso ng malamig na hangin.

Ganon nalang ang panlalaki ng mata ko nang mahinahuna ko ang nangyari. Kinailangan ko pang kumurap ng ilang beses para tuluyang maunawaan ang eksenang nagaganap.

Trouble RoiseWhere stories live. Discover now