[Trouble N The Box]Morning...
"Roise! Teka bakit may kahon dito?" sabi ng boses na nagmumula sa labas.
"Ewan ko. Kararating lang natin diba? Anong malay ko dyan." sagot naman ng isa.
"Pare. Baka bomba yan." sabi ulit ng isa. "Tingnan mo, tingnan mo."
"Bakit ako? Ikaw na dyan, Ikaw nakakita nyan eh." sabi ng isa.
"Ikaw na, ikaw malapit eh!" pagpipilit naman ng isa.
Walanghiya talaga ang dalawang to, maagang nambubulabog! Ano ba kasi ang pinag-aawayan ng dalawa?! Parang mga bata eh!
Padabog akong bumangon at agad na dumiretso sa pinto para buksan ang dalawang unggoy sa pinto.
"Ano ba?!" salubong ko sa kanila. Nahinto naman sila sa pagtutulakan at sabay na napatingin sakin.
"Whoa. Grabe, ang lala mo pala sa umaga Roise!" gulat na sabi ni Kalansay. Napaayos naman sila ng tayo nang tingnan ko sya ng masama.
"*Ahem*" narinig ko mula kay Lambot. Nailipat ko naman ang tingin ko sa kahon na nasa kanang gilid ng pinto. May kalakihan ito, parang balikbayan box. Napataas naman agad ang kilay ko.
"Ano yan?" tanong ko pa.
"Hindi rin namin alam. Pagdating namin nandito na yan eh." sabi ni Lambot.
"Ano pang ginagawa niyo? Buksan niyo na." utos ko. Ayoko rin magbukas niyan, baka bomba talaga ang laman niyan, mas pipiliin ko pang sila ang masabugan kesa sakin. >.>
"Ikaw na Josua." sabi ni Lambot.
"Ba't nga ako? ikaw na." pilit niya. "Ikaw Roise. Ikaw na magbukas nyan tutal ikaw naman ang tumitira dito diba?" Aba't-
"Malay ko dyan, nakikitira lang ako dito. Hindi sakin ang bahay na'to, sa inyo to diba?" balik kong tanong sa kanya.
"Ikaw na nga Josua." sabi naman ni Lambot.
"Pare naman! Tara sabay tayo!" sabi niya sabay hila kay Lambot.
"Sige sige." sang ayon naman ni Lambot saka na sila nagsimulang maglakad sa kahon. Lakad na para bang aatras ano mang oras, yung tipong gumawa lang ng tunog ang mga yapak nila ay susunggaban na sila ng mabangis na hayop sa harap nila. Kahon lang yun eh. tsh.
"BOO!" malakas kong sigaw sa kanila.
"Lintek!/Anakng-!" mabilis naman silang tumalon papalayo sa kahon. "HAHAHA." tawa ko.
Natahimik nalang ako ng bigla silang sabay tumingin sakin. "Ano?" sabi ko nalang.
"Roise naman!" sabay din nilang sabi. Napatawa nalang ako saka lumabas na ng tuluyan at pinuntahan ang kahon.
"Mga duwag." sabi ko sabay kuha ng kahon sa lapag at ipinasok na sa loob.
"Uy Teka! Baka bomba laman niyan!" habol na sabi ni Kalansay. Tss. Kanina pa dapat sila nasabugan kung bomba nga ang laman at isa pa, duda ako na hindi bomba ang laman nito. Kung tama nga ang hinala ko...
Inilapag ko na ang kahon, nakita ko naman silang sumunod sakin papasok. "Bubuksan mo?" tanong ni Lambot.
"Anong gusto mo? Titingnan ko?" sabi ko sa kanya.
"Chill. Nagtatanong lang." sabi niya.
Binuksan ko ang kahinahinalang kahon gamit ang kutsilyong kinuha ko sa kusina. Pambihira, ano bang laman ng kahon na'to? Gold? Selyadong selyado eh. Medyo may kakapalan kasi ang tape na ginamit kaya nahirapan akong buksan, wala kasi sana akong balak sirain ang karton kasi lalagyan ko pa ng mga damit na binili nila pero lintek lang, ang hirap magtiis kung ang paghiwa hiwa ng kutsilyo lang aasahan ko sa pagbubukas.
Sa sobrang bwisit ko ay sinira ko na ng tuluyan, bibili nalang siguro ako ng ganitong klase ng kahon sa pamilihan.
"Ano yan?" biglang natanong ni Kalansay nang makita ang damit mula sa kahon. Ano nga ba ang mga to?
Sa loob kasi ng nasirang kahon ay may bag, sapatos, uniporme, at kung ano ano pang gamit sa... Eskwelahan?
Napansin ko namang may nahulog na papel sa iniangat kong uniporme. Pinulot ko ito saka tiningnan ang sinulat. Anaknaman ng tsonggo, Ingles eh.
"Oh basahin mo." sabi ko sabay bigay kay Lambot ng sulat.
"Ha?" nasabi nalang niya ng iniabot niya mula sakin. Pagkakita naman niya nun, ay agad niyang sinimulan ang pagbabasa.
"So its earlier than I expected. Well, I've enrolled you already, connections really could come in handy sometimes. :D But seriously, I'm already good to go before I met you.
And Oh, Here are the things that you might need, uniforms, shoes, including notebooks, pens, bag and such. You could come to school next week, Monday. And use the name Roise Riyal cause' I really dont know your surname. You sure gave me the Trouble to Fake everything about your info, just dont be surprised on whatever you might hear in there about you. You should be glad for that. Haha. Now, for your I.D. I suggest you'll have to go to the Office for that, i cant fake your face you know.
So I think thats all to it for now, Just dont forget to ask nicely, kay? They will fill you the informations you needed. And that thing we talked about, I got it covered. ;)
By the way, If your wondering, how the heck did I know where to find your freaking house, as I said earlier connections really can come in handy.
Yours truly, Est. " mahabang basa ni Lambot.
"Wow Roise! Makakapag aral ka na!!" masayang sigaw ni Kalansay.
"Oh?" sabi ko nalang habang hinahalungkat ko ang iba pang gamit sa kahon. Sa totoo lang hindi ko talaga inaasahan to. Ambilis, parang kagabi lang kami nagkausap at kagabi lang akong pumayag pero ngayon kumpleto na lahat, makakapag aral na ako.
Iba talaga pag may pera, ang bilis ng galawan pero yung nga kasabay nun ang samot saring gulo, walang pinagkaiba sa Compound.
"Roise san ka nakahanap?" tanong ni Lambot. Nagkibit balikat nalang ako. "Roise naman."
"Naglakad lakad lang ako kagabi tapos eto na." sabi ko nalang.
"Naglakad lakad ka lang ba talaga?" sabi naman ni Kalansay. Sinamaan ko nalang sya ng tingin saka ipinagpatuloy ang paghahalungkat.
"Roise." tawag ni Ian habang hindi inilalayo ang tingin sa uniporme.
"Bakit ganito to?" tanong ni Kalansay. huh?
Kinuha ko ang uniporme na hawak ni Lambot. Natahimik kami saglit habang tinitingnan namin ang uniporme pero maya maya, unti unti akong napangiti habang tinitingnan ang mga mukha nilang hindi mahitsura sa nakikitang uniporme.
"Ayos!/Pambihira!/Anaknaman-!" sabay sabay naming sabi saka nagkatinginan kami sa isa't isa. Hahaha.

YOU ARE READING
Trouble Roise
ActionTrouble is part of her name. Well literally, her name is Trouble Roise Mendoza which make sense dahil lapitin talaga sya ng kapahamakan. She won't survive a day without engaging in any kind of trouble. That's why everybody treat her as a deliquent...