[Trouble's meets Rolen]
Matapos kong iangat ang hood ng suot suot kong damit sa ulo ko ay inilabas ko na ang papel at binasa ko ng maigi ang address na nakasulat.
Saan ko naman kaya to makikita?
Hindi ako pamilyar sa mga lugar dito at wala rin akong balak magtanong. Mamatay ng lahat hinding hindi ako magtatanong. Tss.
"Oy, San to?" tanong ko dun sa lalaking napadaan sa harap ko na bugnot ang mukha. Napahinto naman sya at inis na tiningnan ako.
"Wag mo nga kong kausapin ng ganyan." inis na sabi niya.
"Nagtatanong lang ako?" tanong ko ulit.
"Tsk. Bwisit na bwisit ako ngayon, wag mo ng dagdagan pa." sabi niya. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.
Medyo may katangkaran ang lalaki, mukhang mayaman kung manamit. Maputi-Ahh. Naalala ko na. Kaya pala mukhang pamilyar ang pagmumukha ng isang to sakin. Isa sya dun sa mga lalaking mukhang bakla, yung nakasagupa nila Kalansay at Lamya. Yung nakacoat and tie.
Akalain mo nga naman pangalawang araw ko palang sa lugar na to ganitong pagmumukha na agad ang bubungad sakin, isali niyo na rin pala yung dalawa pang lalaking pineste ako paggising ko.
"Nagtatanong lang, hindi nambubwisit." sabi ko.
"Teka pamilyar ka sakin ah. Have we met before?" ngunot noong sabi niya. Nagkibit balikat nalang ako. "Hey." sabi niya pa ng hindi ako sumagot sa tanong niya. Bakit pa? Sinagot ba niya ako kanina?
"Tsk. Bwisit na bwisit ako ngayon, wag mo ng dagdagan pa." pag-uulit ko sa sinabi niya kanina nung nagtanong ako. Napaawang naman bahagya ang bibig niya sa sinagot ko. Sa susunod kasi ayus-ayusin niyo ang inaasal kapag may nagtanong sa inyo.
"Ano? May sasabihin ka pa?" sabi ko. Nakabawi naman sya sa pagkapahiya niya.
"Tss. Ano nga pala yung tinatanong mo?" sabi niya. Agad ko namang ipinakita sa kanya ang kapirasong papel na hawak hawak ko.
"Sa kabilang kanto lang to.Direstuhin mo yan makikita mo na Restaurant ko." bugnot na sabi niya.
"Restaurant mo?" ngunot noo kong tanong. "Peste. Wag na nga lang." saka ko binawi ang kapirasong papel na hawak niya at sinukbit ito sa bulsa ko.
"Bastos mo rin eh no?" sabi niya.
"Kung ikaw lang din ang magiging amo ko. Maghahanap nalang ako ng iba." sabi ko pa.
"Eh ano ngayon kung pagmamay-ari ng pamilya ko ang Restaurant na yan?huh?"
"Hindi naman pala sayo. Tabi dyan." tinulak ko sya patabe, haharang harang kasi sa daanan.
"Aba bastos to ah." asik niya.
"Sinabi mo na yan. Wala na bang bago?" walang ganang sabi ko.
"Hoy, Brad! Kung makasalita ka para kang kung sino at kung makaasta naman, parang iyong iyo ang daan! Hoy, ito tandaan mo! Wag na wag mo kong mamaliitin. Malakas akong sumapak!" banta niya sakin pagkatapos niyang harangan ang daan ko. Napagkamalan nanaman akong lalaki. Tsk. Ganun ba talaga katigas ang pagmumukha ko para pagkamalang lalaki? tangna.
"Sapak na." sabi ko at inilapit ang kanang pisngi sa kanya para inisin sya at tulad ng inaasahan, nainis na nga sya sa simpleng dalawang salitang sinabi ko.
"Gago." Akmang sasapakin na sana niya ako ng matigilan siya dahil sa mga taong nakapaligid. Lahat kasi ng nandon nakatingin na saming dalawa, nahiya pa ang gago.
"Di mo kaya. Bakla." sabi ko. Umalab naman ang mata niya sa sinabi ko. Nagulat nalang ako ng bigla niya akong hilahin patungo sa lugar na wala masyadong tao.

BINABASA MO ANG
Trouble Roise
ActionTrouble is part of her name. Well literally, her name is Trouble Roise Mendoza which make sense dahil lapitin talaga sya ng kapahamakan. She won't survive a day without engaging in any kind of trouble. That's why everybody treat her as a deliquent...