Hindi pa ako naka recover sa pagkamatay muli ng mga magulang ko nang may putok ng baril na naman ang umalingawngaw sa buong paligid namin.
Hindi ko na alam ang nangyari pagkatapos ko sa mga magulang ko, pero nakita ko na nakahawak si Nolan sa dumudugo niyang tagiliran dahil sa tama ng baril sa kanya kanina... at ngayon ang balang para naman sana kay Celestine ang siyang sinangga ni Nolan.
"Nolan!"
"Kuya!"
Parehong sigaw namin ni Celestine. Halos mabaliw na ako sa nangyayari.
Hindi ganito ang inaasahan ko. Hindi ko inisip na may mga buhay ang maisasakripisyo.
"A-Anak, patawad..." nangangambang sinabi ni Marco.
"Walang kapatawaran ang lahat ng ginawa mo sa akin... sa amin."
Umiling-iling sa kanya si Marco. "Kasalanan mo 'to, kung sumunod ka lang sa akin hindi sana mangyayari ito! Pero hayaan mo, kahit sinuway mo ako... kapag nag tagumpay ako, bubuhayin kita Nolan... bubuhayin kita anak."
Kahit may dalawang tama ng baril ay matatag na tumayo si Nolan at ngumiti ng mapait sa kanyang sariling ama. "Mas gugustuhin ko na lang mamatay kaysa habang buhay ako na sumusunod sa baluktot mong kagustuhan. Isang pagkakamali na ikaw yung naging ama ko. At malaking pagkakamali dahil buong buhay ko ay ginusto ko na maging proud kayo sa akin na kahit mali at ayaw ko ay sinunod ko! I did my best to be perfect in your eyes, but my best is always not enough for you. Pagod na ako, papa." Narinig ko ang mariing pag sabi ni Nolan sa 'papa'. Sarkastiko iyon pero ramdam ko ang sakit.
Walang kasalanan si Nolan dahil ginusto niya lang na maging mabait at makatanggap ng pagmamahal sa sariling ama pero hindi 'yon nangyari dahil nabulag na si Marco sa lahat ng mga kagustuhan niya.
Nakita kong nanghihina na si Romy at Marco dahil siguro umeepekto na sa kanila ang tinarak sa kanila nila Nolan at Celestine.
Wala ng sunod na sinabi si Marco, kaya't doon ko na nakita ang panghihina ni Nolan.
Agad akong lumapit kila Celestine na agad sinalo ang pagkakabagsak kay Nolan, na nasa bisig na niya ngayon.
"Kuya! Ilang beses mo na ako nililigtas!" Narinig ko ang paghagulgol ni Celestine na parang bata.
Napahawak ako sa kaliwang kamay ni Nolan, at nakita siyang hinaplos ang mukha ni Celestine.
Hindi na talaga matigil ang pag luha namin ni Celestine ng umubo pa ng dugo si Nolan.
"K-Kuya, lumaban ka... m-makakalabas pa tayo dito," nahihirapang sabi ni Celestine at hinaplos na rin ang kamay ni Nolan na nasa kanyang pisngi.
"S-Sorry, i-it-ito lang n-nagawa sayo ni k-kuya... diba pangako k-k-ko noong mga b-bata pa t-tay-yo t-that k-kuya will a-always protect y-you..." Halata na ang panghihina sa boses ni Nolan kaya't napapikit ako.
Sobrang sakit na makita siyang nahihirapan.
"Kuya naman, ngayon lang tayo ulit nag kita. Ako nang iwan sayo noon, tapos ngayon ikaw naman mang-iiwan sa akin..." Mahinang ngiti ang iginawad niya kay Celestine.
Sobrang sakit siguro na matagal kayong hindi nagkasama at sa muling pagkikita niyo ay maghihiwlaay kayong muli. Parang sa mga magulang ko lang.
Sa akin naman nabaling ang atensyon ni Nolan, naramdaman ko rin ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko.
"T-Trixy, s-s-so-rry..." Umiling-iling ako sa kanya.
"No, you don't have to say sorry... wala kang kasalanan, you will always be my friend, ikaw na halimaw sa mga exams natin." Narinig ko ang mahina niyang pag tawa dahil sa sinabi ko.

YOU ARE READING
I Saw the Future Once
Science FictionEverything change when I saw the future once. 🖇:: COMPLETED 🖇:: Photo that used in the book cover is not mine. Credits to the rightful owner.