Pabagsak kong binaba ang dala-dala kong libro, kasalukuyan akong nasa library. Lunch namin ngayon.
Ayokong pumunta sa cafeteria dahil ang daming maingay. Magbabasa na lamang ako ng libro, pero hindi ako maka-concentrate dahil yung tatlong lalaki na naman yung naiisip ko.
Isang buwan na ulit ang nakalipas simula nang makita at pumasok yung tatlo. Hindi na ulit sila nagpakita, simula nang araw na 'yon.
Anong gagawin ko? Wala pa nga akong napa-palano sa gagawin ko, wala na agad sila.
Napatingin ako nang may biglang umupo sa tapat ko, napatitig ako sa kanya. Nagbabasa lamang din siya ng libro.
First time ko itong gagawin, ang magtatanong sa ibang estudyante. Bumuntong hininga muna ako bago ko ibinaba yung libro.
"A-Ahm, miss?" tanong ko sa babaeng katakapat ko. Elegante niyang ibinaba yung librong hawak at halos mapanganga na lang ako sa sobrang ganda niya.
"Tutunganga ka na lang ba diyan?" Nabalik ako sa reyalidad nang magsalita siya. Nakakahiya.
"A-Ahm pwede bang magtanong?" kinakabahan kong tanong sa kanya, medyo masungit kasi yung aura niya.
"Nagtatanong ka na." Kinumpas niya pa ang mga daliri niyang magaganda at mahahaba. Pero masungit nga talaga.
Hinayaan ko na lang ang pakikitungo niya, magtatanong lang naman ako.
"Kilala mo ba si Ream Mercedes?" tanong ko muli. Mas lalo pa akong nahiya dahil lalaki pa yung tinatanong ko.
"Sinasabi ko na nga ba," bulong niya pero narinig ko pa rin.
"Oo bakit, may gusto ka rin sa kanya?" Sobrang direct to the point siya. Bigla akong napaisip, kailangan mag work yung plano ko.
Kahit nahihiya ay tumango ako sa tanong niya. Pero baka Girlfriend niya ito, maganda naman kasi yung babaeng kaharap ko ngayon at hindi na ako magtataka kung isa siya sa Girlfriend nung tatlong lalaki na 'yon.
Baka mamaya bigla na lang akong sabunutan nito. Bakit ba ako umamin? Baka nga Girlfriend niya talaga ito! Obvious naman!
Ang tanga ko talaga, dapat hindi ako nagpapadalos-dalos.
"Alam mo ba kung nasaan siya?" tanong ko na lang, baka sakaling alam niya kung nasaan sila.
Napahiya naman na ako, isagad na lang din.
"Wala kang gusto sa kanya." Napatulala ako sa kanya dahil sa sinabi niya pagkatapos niya akong titigan ng ilang minuto. It's not even a question, it's a statement.
"May kailangan ka," dugtong niya pa, at labis na lang ang kinagulat ko nang bigla siyang ngumiti.
"I like you." Mas lalo akong nagulat sa sinabi niya.
"H-Ha?"
"Napakajudge mental mo naman. Wala akong gusto sayo, ah? I respect the community but I'm not lesbian, duh!" Natawa na lang ako sa sinabi niya, oo nga naman. Unang tingin mo pa lang sa kanya babaeng-babae na.
"What I mean is I like you. Hindi kasi kagaya ng ibang babae na kapag tinatanong nila ako about kay Ream, halos mag makaawa at desperada malaman lang nila, tapos kapag hindi ko sinabi magagalit. Bitches," mahabang sabi niya na nakakunot ang noo, galit siguro siya sa mga sinasabi niyang babae.
"A-Ah. Ahm, kaano-ano ka ba ni Ream? Girlfriend ka ba niya?" tanong ko at nagulat naman ako nang bigla na lang siyang tumawa ng malakas.
"Quiet! Isa pang ingay palalabasin ko kayo." Napatahimik naman yung babaeng kaharap ko sa kakatawa nang sumigaw yung librarian.
Tumukhim siya. "Sorry po Ma'am," sabi nang babaeng kaharap ko sa librarian.
"Seriously, Girlfriend ni Ream? Like, kadiri!" pabulong pero diring-diring salita niya, kaya napakunot na lang yung noo ko.
"I'm Francine. Tinatanong mo pala kung nasaan si Ream diba?" Tumango na lang ako.
"Pansin mo na hindi sila pumapasok, diba? Papasok lang naman yung tatlo, si Ream, Steel at Nick kapag manghihingi ng requirements sa mga teacher nila, kapag exam at kapag ipapasa na nila yung mga requirements na pinagawa sa kanila. Nag ho-home study sila, pero gusto nilang mag-aral din sa school. Abnormal kasi yung tatlong 'yun, hindi mo maiintindihan kung ano yung mga nasa isip nila." Nakikinig lamang ako sa kanya, at napansin ko na parang kilalang-kilala niya yung tatlo. Baka girlfriend siya nang Nick or baka ni Steel? I don't know.
Akala ko kanina masungit at tahimik lang itong si Francine, pero mabait pala at madaldal.
"A-Ah," iyon lang yung nasabi ko sa lahat nang sinabi niya, kaya napa facepalm siya.
"Ang tahimik mo naman, pero okay lang. Transferee ka dito 'no?"
"Yeah, transferee ako rito. Sorry." Medyo pilit ko pang tawa para hindi naman siya ma-offend sa akin.
"Grade 11 ka ba?" tanong niya na tinanguan ko lang.
"Ano pa lang strand ang kinuha mo?"
"ABM strand," sagot ko.
"Oh?! Same pala tayo, ABM 1 ako eh, sana naging classmate na lang kita. Ano palang section mo?"
"ABM 2," Maikling sagot ko.
"Sayang talaga. Ahm, pwede bang makipagkaibigan sayo?" Napatingin ako sa kanya at medyo natagalan pa yung sagot ko dahil siya lang ang kauna-unahang tao na gustong makipagkaibigan sa akin.
"Boring akong kausap," ani ko
"Hindi ah? Kahit na tahimik ka lang, pero pag nagke-kwento ako sayo alam kong nakikinig ka talaga. At saka ang gaan ng pakiramam ko sa iyo, hindi yung ibang mga babae na nagkakagusto kay Ream," mahaba na naman niyang sabi.
Ngumiti ako sa kanya, siguro hindi naman masama ang makipagkaibigan sa kanya. "Sure."
"OMG! Thank you!" Nagulat pa ako nang niyakap niya ako.
Pero napahiwalay sa akin si Francine nang biglang nasa harap na namin ang librarian na hindi namin napansin kaagad, at pinagalitan na naman kami.
"You two, get out! Alam niyo namang library ito at nag-iingay pa kayo." Wala kaming nagawa at parehas kaming lumabas ni Francine.
"Woah! Ikaw na yung pangalawa kong kaibigan dito. Parehas pa kayong transferee," biglang sabi ni Francine nang makalabas kami sa library, na parang hindi kami napagalitan sa loob.
"Ano pala yung pangalan mo?" Napatulala ako sa tanong niya. Bago kong kaibigan pero magsisinungaling na kaagad ako. Pati ang gamit kong pangalan ay pineke ng mga magulang ko. Sabi nga nila sa akin, it's for my own sake.
"I'm Trixy Buenavista." Pekeng pangalan ko ang sinabi ko sa kanya. Bilin kasi ng mga magulang ko na huwag na huwag kong sasabihin ang totoo kong pangalan kahit kanino.
Nag shakehands siya sa akin. "Kaibigan na kita ah? I'm Francine Mercedes."
Taka akong napatingin sa mga mata niya. "M-Mercedes?" Hindi ko maiwasan na mautal.
Ngumiti siya sa akin "Yeah. Hindi mo napansin kasi hindi naman kami magkamukha. We're not identical, pero kambal ako ni Ream."
--
HartleyRoses

BINABASA MO ANG
I Saw the Future Once
Science FictionEverything change when I saw the future once. 🖇:: COMPLETED 🖇:: Photo that used in the book cover is not mine. Credits to the rightful owner.