Kasalukuyan akong kumakain ng ice cream, binili ko 'to sa may cafeteria at agad ring lumabas nang makabili na ako ng pagkain.
Nakaupo ako sa may bench, ako lang ang mag-isa dahil si Francine ay may practice raw para sa performance nila sa isang subject, at si Celestine naman ay may gagawin pa kaya hindi raw muna siya mag l-lunch.
"You didn't change, favorite mo pa rin ang ice cream na chocolate ang flavor." Nanlaki ang mga mata ko sa boses na narinig ko. Hindi ako nagkakamali siya 'yon!
Agad akong lumingon sa aking likuran at nakita ko siyang nakangisi sa akin. Clinton.
Anong ginagawa niya sa school namin? Napatingin ako sa suot niya at doon ko na kumpirma na rito rin siya nag-aaral. Transferee?
"What do you want?" Kinakabahan man pero pinilit kong walang emosyon ang tingin sa kanya. Hindi ko makakalimutan ang pang ta-traydor niya sa akin.
Ngumisi ulit ito na parang nagugustuhan ang nakikita nito. Yung mga estudyanteng napapadaan ay napapatingin sa amin at magbubulungan.
"Pati transferee nilalandi rin niya." Hindi ko pinansin yung mga bulong ng ibang estudyante na kung makapanghusga ay akala nila alam nila ang lahat. Hindi na rin ako magtataka kung bakit sila nagbubulungan, dahil ang kaharap kong lalaki ngayon ay gwapo, na kahit isang kindat lang sa babae ay pwedeng-pwede na niyang makuha, except with me, of course.
"Kung ngingisi ka lang aalis na ako. Sinasayang mo ang oras ko." Tatalikod na sana ako, pero may sinabi siya na nagpahinto sa aking pag-alis.
"Sisiguraduhin kong mapapa sa akin ka ulit." Halos hindi ako nakagalaw sa aking kinatatayuan nang sinabi niya 'yon sa akin.
I know we're still young when we got to relationship before, but I am serious with him... and now he wants me back? Para saan pa?
Nabalik lang ako sa reyalidad nang makita ko siyang tumalikod na at umalis.
Ang kapal talaga ng mukha niya! Pagkatapos ng ginawa niya, sasabibihin niyang babalik ako sa kanya!
Wala ka ng makukuha sa akin. Hinding-hindi na ako babalik sayo.
Inaamin ko na nasasaktan pa rin ako sa tuwing naaalala ko ang ginawa niya. Minahal at pinagkatiwalaan ko siya, sa kanya ko lang sinabi ang buong pagkatao ko, tapos gagamitin niya pala 'yon para makahingi ng malaking pera sa mga magulang ko.
Sirang-sira na yung pagtitiwala ko dahil sa kanya. At isa rin 'yon sa dahilan kung bakit, kahit kina Celestine at Francine ay hindi ko man lang masabi ang pangalan ko. Natatakot na ulit akong magtiwala.
Nang marinig ko na ang tunog ng bell, senyales na tapos na ang lunch break namin ay agad na akong nag-ayos ng gamit ko at umalis na rin para makabalik sa classroom namin.
"Ms. Trixy Buenavista! Are you with us?" Halos mapatalon ako nang marinig kong isinigaw ni ma'am Fe yung buong pangalan ko.
Tumayo ako, at halos mapayuko sa pagpapakahiya. Kanina pa ata ako kinakausap ng teacher namin pero hindi ko napansin dahil lumilipad ang utak ko sa kakaisip kay Clinton— sa nangyari kanina.
"Ms. Buenavista!" napaigtad ako sa muling sigaw ng teacher namin.
"Lumabas ka na lang sa class ko kung wala dito 'yang utak mo!" Umakyat na ata lahat ng dugo sa mukha ko dahil sa sobrang kahihiyan. First time lang 'tong nangyari sa akin.
"S-Sorry po ma'am. Hindi na po mauulit," magalang kong paghingi ng paumanhin, habang nakayuko.
"Dapat lang! Mag labas kayo ng one whole yellow pad paper, may quiz kayo!" Halos magsigawan ang mga classmate ko, at todo tanggi sa sinabi ng teacher namin. Kahit din ako ay ayaw kong mag quiz, wala talaga akong alam sa tinuro ni ma'am Fe dahil hindi ako nakinig sa lesson niya ngayon.

YOU ARE READING
I Saw the Future Once
Science FictionEverything change when I saw the future once. 🖇:: COMPLETED 🖇:: Photo that used in the book cover is not mine. Credits to the rightful owner.