Chapter 14

2K 93 17
                                    

Pumasok pa rin ako kahit na may trangkaso ako. Hindi ako pwede umabsent, dahil ngayon na pala yung final exam namin.

Bakit ba kasi pinatulan ko pa si Clinton, 'yan tuloy sumakit yung buong katawan ko. Nabigla ata yung katawan ko sa laban na naganap sa amin ni Clinton, kaya biglang nagkasakit ako.

Hindi ko naman sinabi kay Ream kahapon na nag laban kami ni Clinton, gamit ang kutsilyo kaya nagkaroon ako ng sugat sa braso. Baka mamaya mag taka pa siya kung bakit nagkagano'n at bakit may laban na naganap. Pinilit ko pa ring dinahilan sa kanya na nadaplisan ako, kaya nagkasugat. Mabuti na lang at tumigil na siya sa kakatanong.

Pero ang nakakainis bakit ngayon pa ako nagkasakit. Nag review pa rin ako kagabi kahit na sumasakit yung ulo ko. I can't be a dissapointment for my parents. Kailangan ko pa ring mag focus sa pag-aaral ko.

Tamad na tamad akong naglalakad sa hallway ng school namin, dahil sobrang sakit ng ulo at katawan ko.

Hinawakan ko yung sarili ko at hindi pa rin bumababa yung lagnat ko

"Uminom naman ako ng gamot ah?" garagal na boses, na tanong sa sarili ko.

Napahawak rin ako sa balikat ko na may benda na, medyo sumakit kasi nung iangat ko ang kamay ko. Mabuti at kaliwang braso ang napuruhan at hindi kanan, baka mahirapan ako kumilos lalo na't kanang kamay ang palagi kong ginagamit.

Naglalakad lamang ako, at yung mga estudyante ay masama ang tingin sa akin. Hindi ko na lang sila pinansin. Medyo nasanay naman na ako sa ganyang tingin nila.

Nakarating na ako sa classroom namin at agad na naupo sa upuan ko, at yumuko para magpahinga. Masakit kasi talaga yung ulo ko. Wala pa naman yung teacher namin kaya ayos lang na umidlip muna.

"Trixy." Naalimpungatan ako sa taong kumalabit sa akin. Ano ba 'yan! Wala pa atang limang minuto akong natulog!

"Hmm?" umungol lang ako, at nakayuko pa rin. Wala akong gana.

"And'yan na yung adviser natin, magsisimula na yung exam." Napaangat agad yung ulo ko sa sinabi ni Nolan.

"May sakit ka ba?" nagtatakang sabi ni Nolan.

"Ahm, medyo," sabi ko na lang at nagsimulang ilabas ang papel at ballpen ko.

Nagulat ako nang hinawakan niya yung noo ko para kapaain kung may lagnat ako.

"Ang taas ng lagnat mo, bakit ka pa pumasok?" Maliliit na mata akong tumingin sa kanya, pati pagdilat ay tinatamad ako.

"E-Exam," 'yon na lang ang sinagot ko dahil paos at masakit din yung lalamunan ko para magsalita pa ng mahaba.

"Nandyan ka na, wala na rin namang magagawa. Uminom ka na ba ng gamot?" Tumango lang ako sa tanong niya.

Parang naging kaibigan ko na rin itong halimaw sa quizzes... what I mean is Nolan. Parang naging kaibigan ko na rin siya, simula nang pinakopya niya ako ay nag-uusap kami paminsan-minsan. Madalas nga lang tulog kaya hindi ko rin nakakausap.

Nagsimula na rin siyang ilabas yung mga gamit niya.

"No cheating. Okay get one and pass." Nagsimula ng ibigay ng adviser namin yung test paper.

Napahikab ako ng nasa kalahati na ako sa sinasagutan ko. Gusto ko na lang na mahiga, magpahinga at matulog.

Mabuti na lamang at nag review talaga ako, at hindi ako nahirapan sa mga exam ko ngayong araw.

"Nag review ka ba?" nagulat ako ng biglaang bumulong si Nolan, pero agad naman akong tumango sa kanya.

"Sure ka? Pwede ka namang kumopya na lang sa akin." Napailing ako sa sinabi niya, hindi sa lahat ng oras ay kokopya ako.

You'll also like

          

"H-Hindi na." Tumango na lang ulit siya. Tumayo na siya para ipasa sa adviser namin yung test paper niya na natapos na pala niyang sagutan. Halimaw talaga oh, siya pa lang yung unang nakatapos sa aming lahat.

Nang matapos na rin ako sa sinasagutan ko ay tatayo na sana ako pero agad akong napigilan ni Nolan

"Ako na, maupo ka na lang d'yan at magpahinga." Wala na akong nagawa at binigay ko na lang sa kanya ang papel ko para ipasa sa adviser namin.

Gano'n ang naging routine ko sa exam namin. Sasagot at kung minsan ay iidlip pag natapos, pasalamat ako at ginigising ako ni Nolan kapag nand'yan na yung Teacher at magpapa-exam na.

Lunch break na namin at hindi na muna ako kakain. Matutulog na lang muna ako.

"Hindi ka kakain Trixy? Bilhan na lang kita ng pagkain." Napatingin ako kay Nolan.

Wow. Yung palaging natutulog tuwing lunch break ay pupunta sa cafeteria para bilhan ako ng pagkain.

"H-Hndi n-na. Wala a-akong gana," hirap na hirap na naman akong magsalita, dahil sa masakit ang lalamunan ko.

Minsan lang ako magkasakit pero sobra-sobra.

"Kuhaan kita ng gamot sa clinic, kaya bibili na rin ako ng pagkain mo. Kahit sandwich na lang yung ibili ko sayong pagkain, basta malagyan 'yang sikmura mo para maka inom ka ng gamot." Si Nolan ba talaga yung kausap ko? Parang kuya lang ang dating ah?

Wala akong nagawa dahil pagod na rin ako para makipag argumento pa sa kanya.

"S-Salamat." Tumango lang siya bago umalis.

Nag message na ako kina Francine at Celestine na hindi ako makakasabay sa kanila.

At ayun si Francine todo tampo sa reply niya sa akin, si Celestine naman ay naiintindihan ako marami na rin kasi siyang ginagawa. Hindi ko sinabi sa kanila na may sakit ako, sinabi ko lang ay busy ako.

Si Francine naman ay text pa rin sa akin nang text, kaya nag reply ako sa kanya na babawi ako sa susunod.

Tinago ko na ang cellphone ko at muling yumuko sa desk ko. Mabuti na lang din at hindi ako ginulo ni Clinton ngayon, siguro nakita niya yung galit at inis ko sa kanya kahapon nang pag tapos ng laban namin kahapon.

Nakarating na si Nolan na dala ang bottled water at sandwich. Kinain ko yung dala ni Nolan at ininom na rin yung gamot.

"S-Salamat pala Nolan." Babawi na lang ako sa susunod sa mga nagawa niya para sa akin.

"No problem." Ngumiti lang ako at bumalik na ulit sa pagkakayuko ng ulo.

Kailan ba matatapos yung araw na 'to? Gusto ko ng umuwi sa apartment ko tapos matulog na lang nang matulog.

Nagsimula na ulit kaming mag exam sa ibang teacher, at mabuti na lang talaga at nag review ako.

"Okay, class dissmiss." Uwian na pala. Agad kong kinuha ang bag ko, medyo nahilo pa ako sa pagkakatayo ko.

"Okay ka lang?" I looked at Nolan.

"Ah, oo. Medyo nahilo lang, kanina pa kasi ako nakaupo."

"Hatid na kita hanggang sa baba." Tumango na lang ako sa kanya, ayaw ko ng magsalita.

Sabay kaming naglakad hanggang sa quadrangle.

"Bye. Mag iingat ka sa pag-uwi mo," 'yon lang ang sinabi ni Nolan.

"Ikaw din." Naunang umalis si Nolan.

"Trixy!" Napatingin ako sa sumigaw ng pangalan ko. Sina Francine at Nick.

I Saw the Future OnceWhere stories live. Discover now