Chapter 56: Rain Shower

2.1K 67 0
                                    


Maru's POV

"Maru magkita tayo sa likod ng Kirksford doon kita susunduin. Tapos aalis na tayo at magpapakalayo layo. Kahit saan tayo mapunta basta kasama kita. " -Zeus.

Kaya heto ako ngayon nag iimpake na ng mga damit ko. May tiwala ako kay Zeus na hindi nya ako pababayaan kahit napupuno ng takot ang puso ko. Ang mahalaga magkasama kami.

Nakita ko ang litrato namin nila Mama. Naupo muna ako sa kama at pinagmasdan ito. Marami akong isasakripisyo ang pag aaral ko dito sa Kirksford at ang pagkakataon na makapagtapos. Pero wala ito sa isasakripisyo ni Zeus para sakin.

"Ma, Pa alam kong mali ang gagawin namin pero alam ko din na hindi kayo tututol kung ang kasiyahan ko na ang nakataya. Lagi nyong sinasabi na sundin ko kung ano ang alam kong tama at magpapasaya sakin. " inilagay ko sa maleta ang frame at nagpatuloy sa pagtutupi ng damit ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.

"Maru! Ma- Anong ginagawa mo? Saan ka pupunta? " hinila ko si Jhegs at isinara ang pinto.

"Wag kang maingay. Magtatanan kami ni Zeus. " bigla nya akong binatukan.

"Tanan? Ano ka highschool? "

"Technically highschool palang tayo" sagot ko sa kanya.

"Aiii ou nga sorry na kakapanuod ko kasi ng mga drama sa tv. Maru baliw ka na ba? Graduating na tayo oh! Saan naman kayo pupunta ni Zeus? " naupo ako sa kama at tinignan si Jhegs.

"Hindi pa nga namin alam eh. Pero may tiwala ako kay Zeus. Alam kong may plano sya. " tumabi si Jhegs sakin at nagsalita.

"Kasalanan toh nila Gavin eh. Alam kong mahal nyo ang isa't isa pero napag isipan nyo na ba toh ng mabuti? Paano mga magulang nyo? " napayuko ako at pinakita ang singsing na bigay ni Zeus. Napatayo si Jhegs sa harapan ko.

"Waaaahhhhh!!!!! Nagpropose sya sayo? So magpapakasal na kayo? I mean totoo toh? Wahhh!!! " tinakpan ko yung bibig nya kasi sigaw sya ng sigaw.

"Wag kang maingay Jhegs baka may makarinig. Kaya nga hindi na ko makahindi sa gusto nya. Besides ayoko na din namang magkahiwalay kami. " niyakap ako ni Jhegs.

"Mukhang buo naman na ang desisyon nyo. Ayoko yung sulusyon na naisip nyo pero wala naman akong maisasuggest na paraan. Mag ingat kayo ah iupdate mo kami palagi ni Ey. Sandali tatawagin ko si Ey dapat nyang malaman toh. " ngumiti si Jhegs at lumabas na ng kwarto ko para tawagin si Ey. Napahiga na lang ako sa kama at napatingin sa kisame.

Nang dunating si Ey ay nagalit ito samin pero kahit sya walang maisip na way para hindi kami mapaghiwalay ng mga Hartz. Sino ba naman kami laban sa kanila?

"Maru mag ingat kayo ah. Kami na bahala ni Jhegs dito. Sige na at baka inaantay ka na ni Zeus. " niyakap ko si Ey mga tunay kong kaibigan talaga ang mga toh.

"Letse ka Maru dahil sa kalandian mo ang dami mo ng pinagdadaanan sa buhay huhuhu" niyakap ko na din si Jhegs na umiiyak na. Ayoko silang iwan pero....  Mas matimbang si Zeus kahit kanino pa man. Syempre maliban sa pamilya ko.

Nagpaalam na ko at nagpunta sa likod ng Kirksford. Naupo ako sa isang bench doon dala ang maleta ko.

"Asan na kaya si Zeus? Sabi nya magkikita kami dito ng 4pm ah? 5pm na wala pa sya. Siguro na traffic? Mukha pang uulan ah? Patay talaga sakin yung lalaking yun. " tinext ko sya pero walang reply. Sinubukan ko rin syang tawagan pero hindi ko sya macontact.

Lumipas ang ilang oras na wala pa rin si Zeus.

Hanggang dumilim na....

Nag aalala na ko pero sa kanya pero hindi ako umalis doon, nagbabakasakaling bigla syang dumating.

"Zeus asan ka na ba? Naku aawayin talaga kita ng malala. " palakad lakad ako sa tapat ng bench ng makaaninag ako ng anino ng lalaki.

"Hoy! Bakit ang tagal mong dumating? Gabi na oh kanina pa ko nilalamok dito. Dapat ilibre mo ko ng dinner dahil gutom na gutom na ko. "

"Sorry Mr Sandoval pero hindi makakarating ang kapatid ko. " nanlaki ang mata ko ng makita si Poseidon. Bakit sya nandito? Asan si Zeus?

"Anong ginawa nyo kay Zeus! " buong tapang kong tanong. Presensya nya pa lang natatakot na ko sa kanya.

"Well wala naman akong ginawa sa kanya. Andito ako para sabihin sayo na bumalik na si Zeus sa States para ituloy ang kasal nila ni Luna." naistatwa ako sa sinabi ni Poseidon. Hindi yun magagawa ni Zeus. Ang sabi nya mahal nya ako at aalis na kami dito.

"Sinungaling ka! " nagsmirk lang sya at kinuha ang phone. Nagdial ng number at sandaling may kinausap.

Inabot nya sakin ang telepono, nanginginig ang kamay ko na inabot yun.

"Hello? "

"Maru" boses ni Zeus yun. Bigla akong naiyak.

"Asan ka na? Kanina pa ko nag aantay sayo dito. " sandaling napuno ng katahimikan ang kabilang linya.

"I'm sorry.  Hindi na ko makakapunta dyan. Wag mo na kong antayin. " nanginig ang buong katawan ko sa narinig. Ano toh joke?

"Diba sabi mo-" pinutol nya ang sasabihin ko.

"I'm sorry for everything. I just realized na hindi ko pala kayang ipagpalit ang marangyang buhay ko. At hindi ko kayang magmahal ng katulad mo. Confused lang ako pero ngayon alam ko na si Luna ang tunay na mahal ko. Kalimutan mo na lang ako. Hindi rin kakayanin ng sikmura ko na magmahal ng kapwa ko lalaki. Bye. " naputol na ang tawag na hindi ako makapaniwala sa mga sinabi nya.

"Masakit ba? Ewan ko ba sa mga tulad nyo. Akala mo ba na may magmamahal pa sa mga baklang katulad nyo? Breathing the same air with you give me some creeps. Tssk" tumalikod na sya at akmang aalis.

"Yung se-cellphone mo" saad ko. Nanginginig ang boses ko.

"Sayo na yan at baka mahawaan pa ko ng sakit na meron ka. Pathetuc faggot. " hindi na ko nakasagot dahil nanghihina na ang buong katawan ko. Sa pag alis ni Poseidon ay bumuhos ang malakas na ulan.

Sobrang lamig ng tubig....

Pero nararamdaman ko ang init na dala ng mga luha ko.

Umaagos pababa saking pisngi., bakit ba ganito ang mundo sakin?

May nagawa ba akong malaking kasalanan sa past life ko? Bakit tinotorture nila ako ng ganito.

"Zeus bakit? Para saan pa yung mga matatamis na salita? Yung mga halik at yakap mo? " napaupo na ko sa basang kalsada. Mas lumalakas ang pagbagsak ng ulan.

Napatingin ako sa singsing na nasa daliri ko. Doon nagflashback kung paano sya lumuhod sa harapan ko. Yung saya sa mga mata nya. Lahat ba ng yun hindi totoo?

Na hindi nya masikmura na makipag relasyon sa bakla?

Hahaha parang mababaliw na ko. Hindi ko na kayang idigest lahat. 

Nang maramdaman ko na wala ng tubig na tumatama sakin. Pagtingala ko isang Liam na may dalang payong ang nasa harapan ko.

"Liam" mas lalo akong humagulgol. Pero hindi sya nagsalita kundi binitawan nya ang dala nyang payong at niyakap ako. Hindi nya ininda na mabasa ng malakas na ulan. Kinulong nya ako sa mainit nyang bisig pinapaalala sakin na palagi syang nandyan para sakin.

💙💙💙💙💙💙💙💙💙

To be continued.


Promises UnkeptWhere stories live. Discover now