Maru's POV
"Nakakagod ang init sa mall na toh" naupo muna kami nila Gavin. Bumili naman ng inumin sina papa bear.
"Mabuti na lang nabili natin lahat noh. Mukhang masarap at masayang pasko ito" inakbayan naman ako ni Zeus.
"Aaaayyyyyiiieee ang sweet sweet naman ng dalawang toh. "pang aasar ni Gavin.
Pagkatapos mamili ng mga panghanda, regalo at ilang damit ay umuwi na din kami. Natatakot na kasi si Gavin dahil gabi na at baka masundan kami ng wakwak.
Nakasakay na kami sa bus dahil wala ng ferri ang available sa oras na yun.
Katabi ko si Zeus sa upuan habang katabi naman ni Gavin si Papa bear may pinainom syang gamot para hindi ito mahilo sa byahe.
Nakikinig ako ng kanta ni Moira na Before it sink in habang pinapanuod ang kalangitang punong puno ng butuin.
Malakas ang aircon sa loob ng bus kaya nakaramdam ako ng lamig. Magpapasko na din talaga. Magpapasko na sa loob ng bus na toh.
"Maru" tawag sakin ni Zeus kaya nalingon ako.
Ipinatong nya sa likod ko ang suot nyang jacket.
"Paano ka? " tanong ko sa kanya. Ngumiti sya at niyakap ako.
"Ayan ok na ko" nilagay ko sa isang tenga nya ang earphone at ninamnam ang pagkakataon.
Ano ba tong ginagawa namin? Naglalandian? Meron bang landiang magkaibigan? Paano kung mahulog ako kay Zeus? Alam kong hindi ako ang pipiliin nya.
Siguro ieenjoy ko na muna ang mga bagay na toh. Bahala na kung anong mangyari sa dulo. Ang mahalaga masaya akong kasama si Zeus.
"Sa sobrang daming SANA sa buhay ko... Sana mas nakilala kita ng maaga. " napalingon ako kay Zeus. Nagkatitigan kami.
Parang may gusto syang sabihin na hindi nya masabi.
Nang makarating sa bahay ay nauna ng tumakbo si Gavin. Kaya nahuli na kami ni Zeus para magpaalam muna kila Papa bear.
"Sige ingat kayo sa pag uwi ah. Sobrang namiss kita papa bear. " nagyakapan kami.
"Sige na at baka magkaiyakan pa tayo dito haha" nagpaalam na sila at umakyat na kami ni Zeus.
"Ang ganda ng langit noh. Ang daming star. Alam mo Zeus para kang isa dyan. Makinang at napaka ganda. Pero napaka imposibleng abutin" inakbayan nya ko ulit at tumingala sa langit.
"Isa ka rin sa mga stars na yan. Kung titignan napakaliit. Pero pag nilapitan mo na at kinilala sobrang laki at ganda pala. " napangiti ako sa sinabi nya.
"Tara na nga baka dagitin pa tayo ng wakwak dito haha" pag akyat namin ay nasa labas si Gavin. May babae syang kinakausap.
"Ito na pala ang fiancé ko eh. Ano? Kamusta ang charity works mo sa mabahong lugar na toh? If tapos ka na let's go. I can't stay here anymore mga squatters! " hinila nya si Zeus pero hindi ito sumama.
"What? Hindi pa ba tapos? Oh my ghad Zeus you should not doing this. " galit na galit na si Luna. Lumapit sakin si Gavin.
"Luna enough ok. Bumalik ka na sa Maynila. " walang emosyong sagot ni Zeus.
"I can't comprehend Zeus? Kahit anong gawin mong charity sa Maru na yan hindi gagaling si Liam, deal with it. Look at you, may bitbit kang mga gulay at kung ano ano. You're trying to be nice here para mapagbayaran ang mga nagawa mo before? Your a gold! You don't need to level yourself sa mga squatters dito.! " lumalakas na ang boses ni Luna. Kaya naglabasan na ang mga kapit bahay pati sila Mama.
"I said that's enough Luna! " galit na din si Zeus pero anong sinasabi nya anong nangyari kay Liam?
"Anong nangyari kay Liam? " tanong ko sa kanila. Napunta ang atensyon sakin ni Luna.
"Oh hindi mo pa alam... Kaya pumunta si Liam ng America ay para magpagamot. May cancer sya at mukhang hindi na gagaling. " napaluha ako sa sinabi nya. Kaya ba sinabi ni Liam na baka hindi na sya makabalik?
"Is that true Zeus? Bakit hindi mo sinabi? " Tanong ni Gavin. Iyak lang ako ng iyak. Kaya ba hindi sya sumasagot sa mga chat at tawag ko.
"Sya nagsabi sakin na wag sabihin sa inyo. Ayaw nyang mag alala pa kayo sa kanya. "hindi makatingin si Zeus kay Gavin, bigla syang sinuntok nito.
"Akala ko ba magkakaibigan tayo? Kahit sabihin nya yun dapat ininform pa rin kami. Andun sya sa America naghihirap sa sakit nya walang kasama. Kilala mo naman si Daddy nya mas pipiliin nya makipagdeal sa kung saan saang kompanya kaysa alagaan si Liam. You dissapointed me. Hindi ka tunay na kaibigan. " -Gavin.
"Shut up Gavin! Wag mong sisihin si Zeus dito! Si Liam ang nag request na wag sabihin sa inyo ang kalagayan nya. Ang sakin lang hiniling pa ng kaibigan nyo na ibaby sit yang baklang basura na yan. Ang akala nyo ba gustong tumira ni Zeus sa lugar na ganito? Makihalubilo sa mga mahihirap na tao. At isave palagi yang si Maru kapag napapahamak? You should be thankful to him. Dahil tinutupad nya lang ang pangako nya sa dying friend nyo. " napalingon ako kay Zeus. So all of that was just an act? Hindi totoo? Pati yung mga sinabi nya sakin at kila mama? Lahat peke. Lahat para magawa nya ang ipinangako nya kay Liam?
"Ano Zeus tatahimik ka lang dyan? Hahayaan mo na naman na si Luna ang magsasalita para sayo. You're such a coward. Kung iniisip mo na ginagawa mo toh to do good deeds. Sige yan ang isipin mo. Hindi mo deserve ang friendship na meron tayo. Be a man Zeus. Wag palaging ang babaeng yan ang kokontrol sayo. " umalis na si Gavin at pumasok sa bahay. Naiwan ako na hindi makagalawa. Hindi ko madigest lahat ng nalaman ko.
Si Liam may cancer and his dying. Niloko lang kami ni Zeus dahil sa habilin ni Liam. Hindi ko na alam pa kung ano ang totoo. Ang sakit sa puso dahil lahat pala palabas lang. Tapos si Liam na totoong nagmamahal sakin malapit ng mamatay.
"That Jerk! I told you before you should not be friend with that mongoloid Gavin hayyysst. " napatingin sakin si Zeus.
"Maru, I'm sorry" sambit nito. Ang sakit pala. Mas masakit kaysa ng mapalayas ako ng Kirksford. Nang ipahiya ako ni Luna.
"Bakit ka ba iyak ng iyak dyan? You're pathetic as ever Maru. Nasasaktan kaba dahil mamamatay na si Liam or dahil umasa ka sa kasweetan sayo ng fiancé ko? I saw your pictures sa ball and your so ambitious! Hindi ka papatulan ni Zeus dahil maliban sa basura ka isa ka lang bakla. At walang tunay na lalaki ang magmamahal sa mga baklang tulad nyo. Dahil nakakadiri kayo... Ang dapat sa inyo sinusunog ng buhay!!! " bigla syang sinampal ni Mama.
"Wag na wag mong sasabihan ang anak ko ng ganyan. Ano ngayon kung iba sya.. Kung bakla sya! Ang mahalaga wala syang tinatapakang tao at lumaki sya ng maayos. Hindi tulad mo! Maganda ka nga, mayaman pero ang ugali mo mas masahol pa sa mabahong imbornal! " nanlaki ang mata ni Luna.
"How dare you! I will sue you! Papaalisin ko kayo sa lupang toh! Mga squatters!" naglapitan na ang mga kapitbahay at may dalang mga itak at walis.
"Kung gusto mo pang mabuhay umalis na kayo sa lupang toh! Ang lakas ng loob mong pumasok sa teritoryo namin. " sigaw ni lola Puring. Nagsigawan ang mga tao.
"Luna let's go! " inawat na ni Zeus ang girlfriend nya at agad na umalis.
Niyakap ako ni mama. Sa langit na kanina'y punong puno ng bituin ay bumuhos ang napakalas na ulan. Dumating si Papa na may dalang payong nagising daw sya sa iyak ni Gavin sa sala.
"Sige lang anak iiyak mo yan lahat. Ayos lang umiyak pero alalahanin mo dapat pagkatapos nito muli kang tatayo at lalaban. " niyakap na din kami ni papa at nagpakabasa sa ulan.
💙💙💙💙💙
To be continued.

BINABASA MO ANG
Promises Unkept
Fanfiction"Pangako ko paglaki natin papakasalan kita, kahit pareho tayong lalaki"