Liam's POV
"Can you just calm down Liam? " saway sakin ni Zeus. Andito kami ngayon sa cabin namin at nag aalala sa pwedeng mangyari kila Maru sa loob ng gubat.
"I trust Maru's skills.,, kakayanin nya toh. Hindi na sya yung lampang blue na nakilala natin dati. " napaupo na ko,,, tama naman si Zeus. Ibang iba na si Maru.
"Kaya kita gustong makausap Liam is about sa sigalot between Kirksford and Hartz. " sya naman ang mukhang nag aalala.
"Nabalitaan nga ng family namin about dun. What do you expect Zeus.,, you dump their daughter at hindi pinakasalan. Alam mo namang para sa merging ng companies nyo ang pagpapakasal mo kay Luna. " napahawak sya sa ulo nya. Andito na si Hades sa Kirksford malamang pati si Poseidon pupunta na rin dito. At mas malaking gulo pag yung kapatid nya na yun ang umuwi.
"They want me to go to States para pakasalan si Luna or else they make Maru suffer. Ayokong iwan si Maru lalo na alam ko na ang lahat. " napakunot ako ng noo.
"Anong nalaman mo? "
"Remember nung mga bata pa lang tayo nila Gavin? Yung time na nawala ako sa beach. I told you na may nakilala akong bata dun na pinangakuan kong pakasalan. Si Maru yun. Sya yung batang yun! " natahimik ako. Ever since magkakilala na sila dati. So destiny ba ito? No! Maru will be mine.
"So what's you plan? "tanong ko sa kanya.
"I still don't know. Ayokong kumilos ng padalos dalos baka mapahamak si Maru. Lalo pa ngayon.., Sol is back at mukhang may binabalak sya. " saad ni Zeus.
"Maybe you should let Maru go. Makakalaban mo din ako kapag may nangyaring masama sa kanya. I suggest na sumama ka na sa States at pakasalan si Luna. In the first place yun naman ang balak mo dati bago dumating si Maru sa Kirksford. " nagsalubong ang kilay ni Zeus.
"Liam gusto kong humingi ng tulong mo at hindi dumagdag ka pa sa mga problema ko. " ani ni Zeus.
"Zeus mas mahalaga sakin ang seguridad ni Maru. Kilala ko ang mga kapatid mo. Kung tutuusin ay malamang gumagawa na ng hakbang si Hades laban kay Maru. At kapag napahamak sya... Ikaw ang may kasalanan. " iniwan ko na si Zeus. Bakit ba kasi hindi na lang sya magpaubaya. Ibigay na nya sakin si Maru.
~~~~~~
Jhegs' POV
"Ey makakatulong ba talaga toh? Ang kati kasi kawawa naman yung makinis kong balat. " reklamo ko kay Ey. Kasi naman pinaglalagyan kami ng mga dahon sa ulo at sa katawan. Camouflage daw eh mas nagmukha kaming mang kepweng.
"Alam mo mas mapapahamak tayo dahil sa bibig mo. " suway nya sakin kaya inisnaban ko na lang sya. Hinahanap pa din namin si Maru sa masukal na gubat na toh.
Hayyss kung ako si Maru saan kaya ako pwedeng pumunta?
Isip lang ako ng isip ng biglang hilahin ako ni Ey paupo.
"Ano ba-"tinakpan nya ang bibig ko ng kamay nya. Eewww eh ang dumi dumi ng kamay nya.
May mga grupo ng pink ang dumaan. Armado silang lahat at mukhang naghahanap ng mabibiktima.
Sayang ang gagwapo pa naman. Kung pwede lang mag volunteer na biktimahin nila eh. Hihihi ano ba Jhegs ang landi mo haha.
"aaahhhhh" bigla silang bumulagta sa lupa. At isang anino ang lumabas sa mga halaman.
Pagtayo nung lalaki. Nakita namin si Maru.
Walang emosyon ang mukha nya at itim na itim ang mga mata. Alam mo yung parang serial killer na walang nararamdamang guilt sa katawan.
Napalingon sya sa kinaroroonan namin. Napalunok ako.
Ito ba yung kaibigan namin?
Tinignan ko si Ey. Hindi mawala ang paningin nya kay Maru.
Tapos bigla syang tumayo...hinila ko yung braso nya pero hindi sya nagpatinag.
"Maru! " biglang nagkaroon ng kulay ang mga mata nyang kanina ay kasing itim ng gabi.
"Ey!Jhegs! Mabuti naman at nakita ko na kayo!! " lumapit sya samin. May dala syang maliit na kutsilyo na punong puno ng asul na pintura.
"Nakakatakot ka Maru... Napatumba mo tong mga pink sa isang tirahan. " ani ko. Tumawa lang sya.
"Kakapanood ko siguro ng mga assassination movies. Haha tara na may camp ako doon tayo." nauna syang naglakad.
"Aminin mo natakot ka sa kanya kanina. " bulong ko kay Ey.
"Muntikan nga akong maihi eh. Hindi ko alam na may ganung side si Maru. Dahil ba yun sa lost memory nya? "
"Aba malay ko Ey. Nung nakita ko sya dati may pagkalampa eh. Palagi ngang nadadapa yan. Tapos ngayon para syang pro na assassin." nakarating na kami sa lugar na tinutukoy ni Maru. Isa itong kweba at sa loob nito ay may dalawang bag.
"Kumain mo na kayo.. Mayroong delata dyan sa bag. " jusko kanina pa din ako nagugutom. Mabutin na lang at easy open can toh. Kaya nilantakan ko na ang meatloaf.
"Saan mo nakuha yung supplies na toh?" tanong ni Ey.
"Yung isa dito sa kweba.. Yung isa naman kinuha ko sa mga nakalaban ko. Tulad nito. " nilapag nya ang isa pang bag na nakuha nya sa grupo naman ng pink kanina.
Sa loob ng bag ay mga pagkain, tubig at mga baril at kutsilyo.
Pagkatapos kumain ay naglibot libot ulit kami sa gubat para ipagpatuloy ang assassination na toh.
Sinabi din namin kay Maru kung saan namamalagi sina Hades kaya gumawa kami ng plan para isurprise attack sila.
Nang makasalubong kami ng isang babae.
"Hala! Diba sya yung bumato satin ng kutsilyo sa beach! " saad ko. Napatingin sya samin at halatang nagulat.
"Wag kayong lalapit sakin! " sigaw nito pero bago pa man kami makalapit ay nadapa sya sa nakausling bato.
"Aarray ko naman! " nagulat kami ng tinulungan sya ni Maru na makatayo.
"Hoy bakla kalaban natin yan! " anong iniisip nito ni Maru?
"Ou nga makinig ka sa mga kaibigan mo! " dagdag naman ng babae.
Biglang may mga nagdatingan na grupo ng gold.
"Haha kung sinuswerte nga naman. Nakakita pa tayo ng mas maraming daga. " ani ng lalaking gwapo na alam kong si Ryle. Crush ko kasi sya.,,well marami akong crush sa gold avenue. Mga 57 silang lahat minus kay Hades na asal demonyo pala.
"Tumakbo na kayo!! Ako naman talaga ang habol nila eh. " sabi nung babae. Hinila ko si Maru at Ey.
"Mga powerpuff sabi nung merlat tumakbo na daw tayo. Tara na! Iwan na yang si ate girl. "
"Nope. Hindi natin sya iiwan dito. " nagbago na naman ang mukha ni Maru. Jusko naman!!!
"Hoy Ey ano na?! " tanong ko sa katabi ko.
"Tama si Maru hindi dapat natin sya iwan. Besides mas nakaka challenge makipag laban sa mga gold. " kinurot ko si Ey at napa aray naman sya.
"Are you stupid or what? Gold yang kaharap natin!!! Aaarrrgggghhh! " nagulat ako ng biglang sumugod mag isa si Maru nasa bibig nya ang isang kutsilyo at may hawak naman syang kutsilyo sa dalawang kamay.
Zorro is that you?
"Nabagok ba ulo nyan ni Maru? " napatanong na ko kay Ey.
"Alam mo Jhegs ito hawakan mo yung isang baril. Icover natin si Maru ok? Enough muna ang mga jokes and landi. " aba? Mukha ba akong palaging najojoke? Hello seryoso kaya ako palagi.
"Give me some knives" napalingon ako doon sa babae.
"By the way I'm Sasha Steel. "
💙💙💙💙💙💙💙💙
To be continued.

YOU ARE READING
Promises Unkept
Fanfiction"Pangako ko paglaki natin papakasalan kita, kahit pareho tayong lalaki"