Ey's POVPumunta ako sa malawak na football field ng Kirksford. Madilim na pero ginagabayan ako ng liwanag mula sa buwan. Kailangan ko ng sariwang hangin para makahinga sa mga problema ko ngayon.
Hindi ko na naman mapigilang mapaluha. Haha ano ba yan Ey., saming tatlo ako yung pinaka walang interest sa lovelife na yan pero ngayon parang ako pa tong pinaka malas. Si Maru kahit nagkakaproblema sila ni Zeus mahal nila ang isa't isa. Si Jhegs naman mukhang nakkikipag mabutihan na kay Gavin. At heto ako.... Nagmamahal ng taong imposibleng mahalin din ako.
"Sven De Leon! Bwisit ka sa buhay ko!!!! Ikaw lang yung minahal ko ng ganito pero tang*na mo!!! Sana hindi mo na lang ako pinakilig! Sana hindi ka naging sweet sakin! Bwisit ka!! " sigaw ko. Hiningal pa ko kaya napahawak ako sa mga tuhod ko.
Nakakainis.! Naiinis ako sa sarili ko kasi nafall ako sa lalaking yun. Arrrgghhh kumuha ako ng bato tapos buong lakas kong binato.
"Ang g*go mo Sven!!! Paano na si Svey!!! Tuwing nakikita ko sya naiisip kita. Hindi ko naman magawang itapon letse! Arrrrggghhh! Galit na galit ako sayo! Sobrang galit ako! " muli kong sigaw. Ayos lang mawalan ako ng boses basta mawala sa dibdib ko tong sakit na toh.
"Ganyan na ba ka lala ang galit mo sakin" napalingon ako kasabay ang malakas na hangin.
Nakatayo sa harapan ko Sven.
Tumama sa mukha nya ang liwanag na nanggagaling sa buwan.
Tumalikod ako at pinahid ang mga luha. Anong ginagawa nya dito? Nakita nya ba yung emotional breakdown ko?
"Ey I'm sorry" hinawakan ko ang bibig ko para mapigilan ang paghikbi ko.
"Hahaha sorry para san?" hindi ko parin sya hinaharap. Talong talo na ko dito. Ipapakita ko rin ba pati yung weakest point ko.
"I know ., I hurt your feelings" tumingala ako para hindi na muling tumulo ang luha ko.
"Mr De Leon wag kang assuming. Tsaka paano ka pala nakapasok dito? " kakaiba din ang Kirksford ah. Nagpapapasok ng kalaban.
"Ey" tawag nya sa pangalan ko. Tama na toh wala naman kaming dapat pag usapan eh. Una walang kami, pangalawa ako lang naman ang umaasa.
"Alam mo Sven,.. I need to go. Umuwi ka na din. Malaking gulo pag nakita kang nandito sa Kirksford ng ganitong oras. " akmang aalis na sana ako ng hawakan nya ang kamay ko.
"Ey... Your special to me. Hindi ko alam kung gusto na ba kita as a friend or brother. I'm still confused sa nararamdaman ko sayo. Lagi kitang iniisip, napapangiti ako kapag naaalala ko kung paano ka ngumiti. I don't know... " hinarap nya ko sa kanya at bigla nya akong hinalikan.
Nanlaki ang mga mata ko but eventually bumigay na din ako sa lambot ng labi nya. Parang tumigil ang mundo sa oras na yun.
Nang maubusan kami ng hininga ay naghiwalay ang mga labi namin.
"Sven you shouldn't do that. May girlfriend ka." nakatitig lang sya sa mga mata ko. Puno ito ng lungkot.
"I know,.. It's wrong but it feel so right. " bigla nyang hinawakan ang beywang ko, hinila at muling hinalikan. This time hindi ko na alam kung anong dapat gawin, nagpadala na lang ako sa agos ng malamig na hangin.
~~~~~~~~
Maru's POV
Nagising ako na ang una kong nakita ay ang gwapong mukha ni Zeus na natutulog. Hinaplos ko ang buhok nya papunta sa makinis nyang mukha.

YOU ARE READING
Promises Unkept
Fanfiction"Pangako ko paglaki natin papakasalan kita, kahit pareho tayong lalaki"