Maru's POV
Pagsapit ng tanghalian ay naghanda si Mama ng masasarap na ulam.
*Gatang labong na may hipon.
*Puso ng saging patties.
*Pritong daing na bangus.
*At sa dessert ay special buko salad at buko juice sa inumin.
"Mrs Sandoval sobrang sarap naman nito?! Ano sikreto nyo? Magic sarap noh?!!! Hhhiiii. " natatawa na lang si Mama kay Gavin.
"Oh kumain ka pa. Ang daldal mo eh. " nilagyan ng kanin ni Renzo ang plato ni Gavin.
"Kamusta hijo? Ayos lang ba ang lasa sayo? Mukhang tahimik ka kasi eh. " napatingin kami kay Zeus ng tanungin sya ng mama ko.
Bigla syang napaluha,..
"Sorry po hahaha ang sarap kasi. Hindi ko na maalala kung kailan ako huling nakakain ng ganito." napatahimik kami.
"Zeus wag ka ng umiyak naiiyak na din kasi ako eh. Huhuhu. " binatukan nya si Gavin kaya medyo gumaan ang paligid.
"Don't worry lulutuan kita ng pagkain bago kayo bumalik ng Maynila. " niyakap ni Mama si Zeus. At niyakap din nya ang mama ko.
"Ooohhh mukhang nagseselos ang baby boy natin!" sambit ni papa. Kaya nakihug na din ako.
"Paano naman ako? " nagtawanan na lang kami sa sinabi ni Gavin. Ang saya lang kasi para kaming pamilya.
After lunch ay umalis na sila Gavin para bumalik sa hotel. Pinabaon pa ni mama ang natirang buko salad dahil ayaw tigilian ni Gavin.
"Anak nakapag desisyon ka na ba? " tumabi sakin si papa habang nakaupo ako sa upuang kawayan sa tapat ng bahay namin.
"Sa totoo lang pa. Sino bang hindi gustong makabalik sa Kirksford? Pero kasi pa natatakot na kong mag take ng risk. Paano kung mapahamak ang mga kaibigan ko dahil sa pagtulong nila sakin? " inakbayan ako ni papa.
"Alam mo anak sa buhay natin kailangan mo talagang sumugal. Ou pwede kang masaktan,, pwede kayong mapahamak. Pero ganun talaga eh. Ganun ang takbo ng buhay. Lalo pa ngayon may mga taong naniniwala sayo. Wala namang nagsabi na kapag nagkamali ka ay puro pagkakamali na lang ang magagawa mo. Ang bata nga pag nadapa iiyak yan. Pero tatayo din. Nakakatakot naman kung gumapang na lang sya diba haha"
Napatingala na lang ako sa asul na langit.
At napapikit..... Nasilaw ako sa araw eh dapat pala nagshades ako.
~~~~~~~~~~
Gavin's POV
After a fresh bath ay masarap kumain ng malamig na buko salad sa mainit na panahon.
Masaya akong pumunta sa kusina at kumuha ng mangkok at kutsara. Ang swerte ni Maru ang saya ng pamilya nila. Paramg naiiyak na din tuloy ako... Pero kakain pa ko ng buko salad eh. Binuksan ko na ung freezer pero wala doon yung pinabaon samin na tupperware.
"Hindi ito totoo... Bangungot lang toh! Zeus napasok tayo ng mag nanakaw!!! Kinuha nya yung tupperware! Paalala sakin ni Mrs Sandoval ibalik ko daw yun kundi hindi na ko makakakain sa kanila!!! Zeus ano ba! " tumakbo ako sa may sala at doon ko nakita ang salarin.
"Ano na naman ba sinisigaw mo? " tanong sakin ni Zeus. Nanunuod sya ng Ogie and the cockroaches. Sa may table ay ang walang laman na cannister ni Mrs Sandoval.
Napaluhod na lang ako....
"Bakit? Bakit kaibigan ko pa!!! Bakit po!!!! " binato nya ako ng unan.
"Ang oa mo talaga! Eh kanina ka pa kain ng kain nyan doon kila Maru. " sa sobrang galit ko ay nag super saiyan ako.
Tinalunan ko si Zeus at hinampas hampas sya ng unan. Bigla ba naman nya akong tinulak at nalaglag sa sahig.
"Sorry na! Eh ang sarap eh. Alam mo naman diba? Kung bakit ako ganito. " napaupo ako.
"Magkapareho lang naman tayo nila Liam remember. Pare pareho tayong lumaki kasama ang mga maids and butlers lang. Kumakain sa fastfoods or sa restaurants. Pero sana naman tinirhan mo ko. " naiiyak talaga ako promise. Ayan na tutulo na...
"Seriously Gavin.., I envy Maru for having that kind of family. Masaya kahit walang pera. Kahit hindi nakatira sa malaking bahay." natahimik na lang ako.
Halos lahat naman ng mga students ng gold ay parepareho ang sitwasyon. Bata pa lang iniiwan na ang mga anak sa mga maids para magfocus sa trabaho. Hindi makarating tuwing birthdays, christmas or even graduation.
"Naka usap mo na ba si Luna regarding kay Maru? " pag iiba ko ng topic kasi mamaya mag iyakan kami dito. Naku mukha kaming tanga nun.
"Yes, until now ayaw nyang pumayag. Hindi na yung issue kay Maru ang pinaglalaban nya kundi ang pride nya na ang salita ng isang Kirksford ay hindi mababali. " ang sakit talaga sa ulo ng babaeng yun. Paano kaya nagustuhan ni Zeus yun? Iniisip ko pa lang na ganung babae ang papakasalan ko at makakasama habang buhay ay kinikilabutan na ko.
"Mamalengke na lang tayo tapos magpaluto kila Maru. Sige na tara na. Ayoko ng maghapunan ng Mcdo. " ngumiti lang si Zeus at nagpalit ng damit.
~~~~~~~~~~
Maru's POV
"Mabuti doon ka dito Mang Fred. Kahapon pa ko nagkecrave sa fishballs at kikiam. " masaya kong sambit.
"Ikaw ang gwapo mo na naalala ko pa tumatakbo ka pa dito na walang damit haha" pang aasar ni Mang Fred.
"Ano ka ba Mang Fred.... Wag mo ng ikwento yan. Hahaha" kasalukuyan akong nagtutusok ng fishball ng biglang may bumusina.
"Maru ano yang ginagawa mo!!!! " lumabas ng kotse si Gavin at tumabi sakin.
"Ano yang mga bilog na bagay na yan? Na punong puno ng mantika? " nagtaka si Mang Fred. Sino ba ang hindi nakakaalam sa fishballs?
"Fishballs yan. Sige kuha ka libre ko. " bigla nyang dinampot sa kumukulong mantika yung fishballs kaya napaso sya.
"Ano ba hijo tanga ka ba? Anong pinaggagagawa mo? " sigaw ni Mang Fred.
"Ang sakit naman Manong! Mas masakit pa yung sinabi nyo kaysa sa pagkapaso ko. "
"Ganito kasi kumain nyan. Panuorin mo ah. Kukuha ka ng stick tapos tutusukin mo yung mga fishballs. Tapos isasawsaw mo sa sauce. Oh ayan tikman mo. " napatalon si Gavin.
"Ang sarap naman nito!!! Pahingi pa!!! Zeus tara!!! Ang sarap ng puting bagay na toh lalo na kapag sinasawsaw mo sa sauce nila. " tawa lang kami ng tawa ng lumapit si Zeus.
"Patikim nga" tumaas ang balahibo ko ng sabihin yun ni Zeus malapit sa tenga ko.
"Tutusukin ko na ah. Tama ba? " tumango tango lang ako. Feeling ko nag iinit ang mukha ko.
"Ang sarap nga. Pwede pa bang maka isa? " hehehe pinagpapawisan na ko ng malamig.
"Hoy!!! Hoy!!! Mga batang toh tama na yan at baka magka hepa kayo. Akyat na sa taas at gumawa ako ng maruya.! " sigaw ni Mama.
"Ano daw ginawa ng mama mo? Marijuana? Masama para satin yun Maru. Baka makulong kayo. " -Gavin.
"Maruya hindi Marijuana.!Ano yun saging na may harina. Tara na akyat na tayo. "
"Namalengke pala kami bago pumunta dito. Sana malutuan tayo ng mama mo ng masarap na potahe. " agad na kinuha nila Zeus ang pinamalengke nila. Ang dami iba ibang gulay, isda, manok at baboy. Parang maghahanda kami sa fiesta.
Napangiti na lang ako...
💙💙💙💙💙💙
To be continued.

BINABASA MO ANG
Promises Unkept
Fanfiction"Pangako ko paglaki natin papakasalan kita, kahit pareho tayong lalaki"