Kaizer's POV
Matapos ang naganap na guild war nitong nakaraang araw ay mabilis iyong naging laman nang mga balita sa Earth
Maraming mga nagtaka, namangha, at nagulat sa mga balitang lumabas
Karamihan pa nga sa kanila ay hindi naniniwalang natalo namin ang pinagsama samang tatlumpung guild pero nang mapanood nila ang isang video na naglalaman ng buong kaganapan habang nagaganap ang guild war ay wala din silang nagawa kung hindi ang maniwala
Gayunpaman mas lalo lamang itong nagbigay ng sakit ng ulo hindi lamang sa aking kung hindi pati na din kila mama at papa at sa mga tauhan nilang may hawak ng FRO
Madaming mga nacurious tungkol sa katauhan ni 'Dark' at mas lalong maraming nagtanong sa kung bakit daw ganoon ako kalakas
At syempre hindi na din mawawala yung mga hindi nagiisip ng maayos na isa daw akong hacker or di kaya bias sa akin yung company na may gawa ng FRO dahil masyado daw akong OP
Agad namang naglabas ng paliwanag sila mama tungkol doon sa isyu ng mga players tungkol sa akin
Inilabas nila ang buong record at achievements ko sa Thera, simula sa una kong pagpunta sa Thera hanggang ngayon
Dahil din doon ay nalaman ng karamihan na ako din yung unang top rank player ng Asia server at mas nakatulong iyon para mawala ang panghihinala nang ibang mga player tungkol sa pagiging hacker ko daw
Anyways nung sinabi kong inilabas nila mama lahat ng records ko sa Thera syempre exception na doon yung mga private matters ko lalong lalo na yung private info's tungkol sa katauhan ko
Wanted tuloy ako ngayon all around the world, hindi dahil may kasalanan akong ginawa lung hindi dahil sa halos lahat ng mga players ng FRO ay gustong gustong makilala kung sino ba talaga ang nasa likod ng avatar na iyon sa Thera
Nakakatawa ngang isipin dahil wala pang nakakakilala sa akin dahil actually identical na identical o parehong pareho ang itsura ko sa Thera at dito sa Earth at ngayong gamit ko na ang dimensional immersor na ibinigay sa akin nila mama at papa mas lalo pang naging identical ang itsura ko dahil ako na mismo ang naroroon
Well problema na nila yun kung hindi nila ako nakikilala kahit pa nasa harap lang nila ako
Sa totoo nga lang hindi naman talaga ako nagtatago dahil hindi naman ako nakasuot nang disguise tuwing nasa Thera ako
Sadyang hindi lang talaga sila nagbibigay ng pansin sa ilang mga bagay bagay kaya hindi nila ako nakikilala haha
Anyways tama na throwback at punta na tayo ngayon sa kasalukuyan
Nasa classroom kami ngayon ng mga kaibigan ko, kwentuhan lang sila ng kwentuhan habang ako naman ay nakatanga lang sa malayo dahil hindi ko trip yung topic nila kaya ayoko sumali
Tungkol kasi sa relationship at love yung topic kaya naiwas ako, mamaya ako pa yung maging center of attention eh nako
Sa awa naman ng diyos hindi nila ako napapansin dahil tuloy tuloy lang sila sa mga kwentuhan nila
Dahan dahan akong tumayo sa aking upuan tapos ay mabilis akong lumabas ng classroom
Hindi na ako nagpaalam dahil baka may makaalala sa kanila at maging tampulan pa ako ng tukso
Paglabas ko ng classroom ay diretso agad ako sa rooftop, malapit na din kasi mag time kaya dito na lang ako tatambay
Umupo ako sa isang bakanteng bench dito sa rooftop kasabay ng pagkuha ko ng aking cellphone at ang pagsalpak ko ng aking earphones

YOU ARE READING
Fantasy Realm Online
Science FictionIt all starts when Kaizer and his friends starts playing the new VRMMORPG game that came up of nowhere. Until... Secrets inside has been discovered one by one. Join Kaizer as he, his friends and comrades uncovered the hidden realms of Thera. Find cl...