Chapter 57 - A Duel With The Self Proclaimed Strongest

1.6K 86 9
                                    



Kaizer's POV

Kinaumagahan ay maaga akong nagising dahil hindi din naman ako nakatulog ng maayos dahil sa talagang mahapdi ang iba't ibang parte ng katawan ko

Ang dami ko na ngang nilagay na ointment kagabe sa katawan ko eh

Anyway kasalukuyan ako ngayong nasa banyo at nakasandal ang dalawang kamay ko sa pader nang cr habang nakatutok ang ulo ko sa shower at nakapikit

Hanggang ngayon kasi iniisip ko pa din yung tinawag sa akin ni Azrael kagabi nang makita niya ang bagong anyo ko

Kung ibabase ko sa mga anime na napanood ko at mga light novels na nabasa ko ang pagiging Evil God ay ang hidden special boss na magaappear lang kapag natalo na nang hero ang Demon Lord

Kaya nga lang sa Thera iba ang nangyari, imbis na ang Hero ang pumatay sa Demon Lord ang Evil God ang pumaslang sa kanya, well in a way naman ayos lang iyon dahil simula pa lang naman hindi na talaga magkakilala at magkakampi ang Evil God at ang Demon Lord sa mga anime at light novels

Pero ang pinoproblema ko ay hindi ko alam kung ano ang trabaho ng mga Evil God, aside from facing the heroes party after they defeat the demon lord wala na akong alam tungkol sa pagiging isang Evil God

Pero teka! Kung nageexist ang Demon Lord sa Thera hindi kaya mayroon ding Hero ang mundong iyon?

Aish! Ano ba yan?! Ang daming nagpopop up na idea sa utak ko at lahat ng iyon ay fragments lamang kaya naman pinagmumulan lang sila ng panibagong possibilities at theories

Dahil sa ayokong sumakit nanaman ang ulo ko ay tinapos ko na lang ang pagshoshower ko at lumabas na ng banyo, ngayon ko lang napatunayan na talaga ngang ang banyo ang pinaka best na lugar para makapag isip

Pagkatapos kong magbihis ng uniform ay bumaba na ako at dumiretso sa kusina, pagdating ko doon ay inabutan ko sila na nagaalmusal lahat

Medyo nabigla ako dahil ang aaga nila bumangon ngayon, kadalasan kasi mga tanghali na sila nagsisipagbangon at sa mga oras na ito ay mga nakahilata pa silang lahat

"Ang aaga niyo magsipag gising ah" sabi ko sa kanilang lahat tapos ay kumuha ako ng isang tinapay saka ko ito nilagyan ng palaman

"Well maaga kasi kami nag out sa game kagabi kaya maaga din kami nakatulog" sagot sa akin ni Kevin tapos ay humigop siya sa iniinom niyang kape

"Eh ikaw Kaizer anong nangyari sayo sa game kagabi?" biglang tanong naman sa akin ni Rhaine kasabay ng paglapit niya sa akin at pagtabi sa upuan ko

Dahil sa tanong niya ay naalala ko nanaman tuloy yung tungkol sa pagiging Evil God ko daw at yung idiot na hari ng Azuria, tch medyo nairita nanaman tuloy ako eh

"Huy Kaizer!" napabalik ako sa realidad ng muling magsalita si Rhiane at niyuyugyog niya ko

"Nothing much" sagot ko na lang dahil ayoko namang sabihin sa kanila yung naging laban ko at ni Azrael pati na din yung pakikipagkita ko sa hari ng Azuria

Mamaya ko na nga din pala susubukan yung kapangyarihan nang bago kong grimoire na nakuha mula kay Azrael

Pero nagtataka lang ako, kasi ang kwento sa akin ni Zeraphim nung panahong kalaban ko siya ay gawa ng God of Creation at God of Destruction ang dalawang grimoire, kung gayon ay bakit hindi nila ito hawak hawak at kung sino sino lang ang gumagamit

Paano pala kung wala ako sa Thera? Eh di sira na ang planetang iyon dahil sa dalawang grimoire

Tch! Irresponbisble Gods!

Magugustuhan mo rin ang

          

"Nga pala Kaizer mayroon na kaming itinatayong guild branch sa Kiriko at Arcadia tapos maganda din ang progress ng guild natin at lumalawak na ang connection ng United Arisen" ulat sa akin ni Kurt kaya naman napangiti ako sa kanya

"Good work then" nakangiti kong sabi sa kanila "As a congratulatory gift, you guys can take a three day leave" saad ko pa na siya namang ikinangiti nilang lahat ng malapad

"Yon! Day off sa wakas" sigaw ni Issei habang nagtatatalon talon pa, para talagang bata ang isang to eh

"Dude itigil mo nga yan! Nakakahiya ka!" saway sa kanya ni Ardent habang nakaface palm

"Wag kang magulo dyan Ardent nagsasaya ako dito eh. Imagine pagkatapos ng napakaraming trabaho na iyon makakapag day off din tayo" sabi ni Issei sa kanya tapos ay ipinagpatuloy na nito ang pagsasaya niya, napailing na lang si Ardent at hindi na pinansin ang kumag naming kaibigan

"Oi Kaizer tutal day off naman namin mamaya explore naman tayo" bigla akong napatingin kay Kevin dahil sa sinabi niya, tumahimik ang lahat at napatingin sila sa akin

Hmmm... kung iisiping mabuti matagal tagal na din simula noong huli kaming makapag bonding nitong mga kaibigan ko dahil pare-pareho kaming maraming inaaasikaso, well siguro naman walang mawawala kung sasama ako sa paggagala sa kanila mamaya tutal 10:00 pa naman ng gabi ang meet up namin ng mga myembro ng Shadows

"Ge" sagot ko sa kanya tapos ay muli akong kumain ng tinapay na mayroong palaman

Nagsipaghiyawan silang lahat dahil sa isinagot ko, dahil doon ay napatingin na lang ako sa kanila na parang nakakakita ako ng mga weird na tao sa harapan ko

Seriously?! Parang pumayag lang akong sumama sa kanila sa paggagala mamaya eh

"Buti naman pumayag ka sa request ni Kevin Kaizer" napatingin ako sa gilid ko ng magsalita si Izumi "Namimiss ka na din kasi ng tropa dahil matagal tagal na din yung huli nating bonding nang kumpleto tayo" dagdag niya pa kaya naman napangiti ako

Pagkatapos naming magalmusal ay sabay sabay na kaming pumasok ng school, hindi namin dala dala ang mga kotse namin dahil napagpasyahan naming magcommute na lang para maiba naman

Pinagtitinginan nga kami sa jeep kanina dahil ang iingay nila Kevin at Issei, first time daw kasi nilang makasakay sa jeep, tch palibhasa kasi mga rich kid kaya ganon

Pero yung iba ko namang mga kaibigan hindi nagiingay kanina pagsakay namin sa jeep kahit na unang pagkakataon lang din nila makasakay dito, siguro talagang may sapak lang talaga yung dalawa kaya ganoon

Anyway back to reality na tayo, nasa classroom na kami ngayon at nagkukwentuhan sila habang ako naman ay tahimik lang na nakikinig sa gilid, wala din naman kasi akong maikwento at medyo out of place ako dahil ang mga pinaguusapan nila ay tungkol sa United Arisen

Paminsan minsan lang naman ako pumupunta sa guild house kaya naman wala talaga akong alam tungkol sa mga nangyayari sa guild na iyon, kanina ko nga lang din nalaman na muntik nanaman daw mayroong sumugod sa guild noong nakaraang araw mabuti na lamang daw at nandoon yung ibang myembro ng Shadows kaya naman umatras yung guild na lulusob sana sa guild house namin

Tinanong ko nga sa kanila yung pangalan nung guild kaya nga lang ayaw nilang sabihin dahil sila na daw ang bahalang umasikaso sa guild na iyon, well pinabayaan ko na lang sila dahil may tiwala naman ako sa kanila at isa pa alam kong alam nila ang mga ginagawa nila

Pagkalipas ng ilang minuto ay nagsimula ng magsipagdatingan yung mga kaklase namin at nagsimula na ding umingay yung buong classroom

Dahil doon ay umayos na ako ng upo sa upuan ko at isinalpak ang mga earphones ko, sabay sabay na tumingin sa akin ang mga kaibigan ko na mayroong nagtatanong na ekspresyon pero nag shrug na lang ako at tumingin sa labas

Fantasy Realm OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon