Chapter Twenty Seven: Count on Me

773 34 12
                                        

CASSETT POV

          Sa bahay... pinipilit nang lahat na walang pagbabago. Kung sabagay kahit nuon naman nasanay na silang wala si Moon. Pero hindi padin nila maiitatago ang lungkot nila lalo na si Mama... mas madalas na siya puupunta sa libingan ng kakambal ko, ako naman halos hindi ko na maipak ang paa ko sa likuran ng bahay. 

          "Lunette anak..." tawag ni mama... miryenda na ba? 

         Kumatok siya. Pagbukas ko ng pinto. 

        "anak... may bisita ka" sabi niya na nakangiti. May hawak siyang bulaklak. Si Ram?

         Pagbaba ko.

          "Hey... " siya? nilapitan nya ko at hinalikan sa pisngi. 

          "O ba't nandito ka?" tanong ko sa kanya. "tsaka pano mo nalaman ang bahay ko?" pagtataka ko.

         "don't forget... Rameses is our cousin" sabay kindat sakin ni Liam... nandito din pala siya.

          "Halikayo dito... nagluto ako ng maruya at turon, kainin nyo na habang bagong luto" alok ni mama. 

          Ang laki ng ngiti ng dalawa. Matakaw din pala ang magkakambal nato. 

          "O hey Lee... dahan-dahan kasi" habang pinainom ng softdrink at pinunasan ang bibig ng kapatid. 

          Parang bata naman kung kumain si Liam, parang nanay lang nya si Lacey. Syempre hindi ko naman pwedeng sabihing parang yaya si Lacey... sa ganda ng babaeng to, maraming lalaki ang magpapa-alipin sa kanya noh.

          Napangiti si Liam... "thanks sis... ang sarap kasi, try this oh" habang sinubuan nya si Lacey ng maruya.

          "Oh wow... tita! this is so delicious!, perfect... mas gusto ko pa to kesa sa mga cakes ang pastries na nabibili sa mga bakeshop" habang ang sarap nga na nguya nya.

          Hiyang hiya naman ang mga cakes at pastries sa susyaling bakeshop na pinupuntahan nyo sa maruya at turon ng mama ko... 

          "Cassett? kain!" sabay pa sila. 

          Natawa ako. Naisip ko lang... siguro ganyan din kami ka-sweet ni Moon kung nandito lang siya. Nakakatuwang panuorin ang kulitan ng dalawang to. 

          "Uhmmn... so? bakit kayo nandito?" tanong ko ulit.

          "Binibisita ka..." sagot ni Lacey. 

         "Bakit?" tanong ko ulit.

          Nagkatinginan ang dalawa. 

          "trip lang namin, nakakainip sa bahay eh" duet pa sila...

          Nagtawanan pa sila... napailing nalang ako. 

          Pagkatapos nilang magmiryenda... nagpaalam na sila agad.

          "We have to go... may bibilhin pa kasi si Liam sa mall" paalam ni Lacey.

          "naki-miryenda lang ba talaga kayo dito?" pagtataka ko.

         "Yup! nasabi kasi ni Ram na masarap magluto ang mama mo" ngiti ni Lacey.

          Napataas ang kilay ko. Natawa sila.

         "And we have to make sure... that your doing fine" ngiti nya. "pangako ko yan kay C.K." sabay kindat sakin. 

          Isang motor lang ang gamit nila. Si Lacey pa talaga ang mag-d-drive. 

"Moon" My Guardian GhostWhere stories live. Discover now