Chapter Twenty Three: Secret Revealed

852 32 20
                                        

CASSETT POV

          Pagkatapos ng unos... sumikat din ang araw. Umalis nang maaga si Papa dahil may importante daw siyang kaylangang asikasuhin, nabalitaan ko ding umuwi na sa bahay si Luke. Pero bukod dun, hindi parin kami nagkikibuan nila lolo at mama. 

        Maaga akong umalis ng bahay. Paglabas ko ng gate... 

         "Good morning" isang mainit na ngiti ang natanggap ko at isang nakakasilaw na kotse... Si Ram. 

         "O anong ginagawa mo dito?" gulat ko. 

          Napasimangot siya. Oo nga naman kasi Cassett... stupid naman kasi ng question mo. 

         Napangiti nalang ako. 

        Sumakay na ko ng kotse. 

         Pagdating sa school.

        "CASSETT!!!" sabay yakap sakin ni Rukia... teh? isang taon ba tayong hindi nagkita? Napahiga pa kami sa sahig dahil ang bigat nya. 

       Inalalayan ako ni Karis. At ang lola mo... iba din ang drama. Niyakap niya ako at naluluha...

       "malala na ba ang kalagayan ko ha? kaylan ba ang taning ng buhay ko?" pilit kong joke. 

        Isang malakas na batok ang nakuha kong sagot mula kay Ian. 

       "Kayo naman kasi guys... parang mamamatay naman na ko nyan eh" simangot ko habang hawak ang ulo ko. "Ian! masakit yun ha?" natawa pa siya. 

          '"We missed you..." bulong ni Ian. Asus! si best friend... kaka-touch naman. 

        "Naku! ang-aga-aga... drama nyo ha?" pagtataray ko. 

         I'm sure naikwento naman na ni Moon ang nangyari kaya hindi ko na kailangan mag-explain pa sa kanila. 

          Parang normal lang ding lumipas ang oras sa school. Pero ang totoo... lumilipad ang isip ko. 

       Papunta na kami ngayon sa last class. Paakyat kami sa second floor... nang biglang... nagdilim ang paningin ko.

         "Cassett?" 

          Heto nanaman ang panaginip na yun... paulit-ulit ang imahe. Puno... anino... bwan... kadiliman. 

          Pagdilat ko. Nakahiga ako... nasa clinic ako.

          "Cassett?" bulong nila... ang mga mukhang puno ng pag-aalala. Ang mga kaibigan ko.

        Hinawakan ko ang ulo ko... "anyare?" parang halos pabulong ko pang tanong.

       "Nahimatay ka eh..." sagot ni Ray. 

         "Mataas ang lagnat mo" si Karis. 

         "Alam mo ba girl... mabuti nalang nasalo ka ni Papa Ram" Si Rukia. 

        Napatingin ako kay Ram... Si Ram nga ba ang sumalo sakin? Kung sabagay... hindi naman ako pwedeng saluhin ni Moon dahil baka may makakitang ibang tao, na basta-basta nalang akong lumulutang... 

           "Salamat Ram" ngumiti ako... pero, ang mga ngiti nya... matabang... hindi totoo. 

         "Heto uminom ka muna ng juice" iniabot ni Ram sakin ang isang pineapple in can. "At ikaw Ray... ikaw ba ang may sakit, at ilang juice na ang nainom mo ah?" asar nito kay Ray, habang kakabukas palang nya ulit ng juice.

            "Ikaw naman... hindi naman mauubos ni Cassett lahat yan eh... tsaka, nauhaw kasi ako dahil sa training hehe!" paliwanag naman ni Ray. 

"Moon" My Guardian GhostWhere stories live. Discover now