Barkada Trip
CASSETT POV
Matapos ang two days preparation para sa outing namin. Nagkasakit si Luke, hindi tuloy siya makakasama samin, at syempre kaylangan siyang alagaan ni Sid. Pati si Kuya Ice pinauwi ng parents nya, may emergency meeting daw ng family business ang kaylangan nyang puntahan. Kaya hayun... wahaha! chaperon, maiwan muna kayo. Pero syempre, naawa naman ako kay baby Luke... excited pa naman yung bata. Tapos sya pa yung nag-explain kay papa na pasamahin padin ako sa outing. Hindi bale babawi nalang ako sa kanya next time.
"ano ba umusog ka nga dun!" sigaw ni Rukia, kanino pa nga ba...
"ang taba-taba mo kasi!" sagot naman ni Ray.
"pwede ba kayong dalawa. ba't di nyo try manahimik tulad ni Moon at Cassett" saway ni Karis... tsk.tsk. parang L.Q. parin sila ni best friend.
Kaya pala ako ang nakaupo dito sa passengers seat. Tiningnan ko si Ian... matabang ang mga ngiti nya.
Nag message ako sa kanya. Nabasa naman nya agad ito.
"Best Friend, don't worry... mawawala din ang sumpong nyan. Don't worry, I will help you ok."
Napatingin siya sakin. Kumindat ako. Napangiti siya. "thanks" bulong nya.
Mahaba din ang byahe... dahil sa traffic.
After 3 hours... ayun ang napakagandang villa ng pamilyang Montero. Diretso kami sa bahay bakasyunan nila... I mean mansion pala. Pagbaba namin sa van.
"hello Lett" si Ram, excited much! nauna ka pa samin talaga...
"hello Papa Ram... nandito din kami hindi lang si Cassett" papansin ni Rukia.
Ngumiti naman si Ram. Pati kay Moon.
Heto nanaman ang unlimited light mula sa mga ngiti nila. Nakakasilaw.
"finally, they're here" biglang kumilimlim ng marinig ko ang boses ng isang lalaki.
Nawala ang ngiti ni Moon at Ram.
"Shit! Ram, why is he here?" bulong ni Moon.
Umiling lang si Ram.
"hey? wazzup guyz? oh hey C.K.? how are you?" isang binatang halos dark brown ang buhok, matangkad, at halatang fil-am din tulad ni Ram, napaka hot ng dating nya.
Napanganga ako... nakikita nya si C.K I mean si Moon?
Hindi man lang ngumiti si Moon.
"tulad ka parin ng dati... your such a snob ghost" boses naman ng isang babae... shete mukha siya manika, ang ganda nya.
"Rameses? anong ginagawa nila dito!" sigaw ni Russ.
"oh hey Russ... long time no see... I missed you so much" yumakap ang babae kay Russ at hinalikan ito pisngi. Napatingin ako agad kay Karis.
"Lacey, stop it!" sabay iwas sa kanya ni Russ. "Ram!, ano to?"
"sorry guys... sorry pare, I didn't know" paliwanag ni Ram.
"hindi nyo ba kami ipapakilala sa kanila?" maangas na tanong nung lalaki.
"Guys, this is Liam at Lacey... my cousins" hindi man lang makangiti si Ram.
"Hi, it is nice to meet you, except for you C.K of course" mataray na pagkakasabi ni Lacey.
O ano to... trip ba to ng mga katulad ko na may sixth sense?
"Magkapatid sila?" tanong ni Rukia.
"we are twins!" sagot naman ni Liam.
Lumapit ito kay Karis. "hi, beautiful... I am Liam, what is your name?" ang angas nya!
Napatulala si Karis.
"Karis" bulong nito.
"wow, what a beautiful name" bola ni Liam.
Shit... hindi na maipinta ang mukha ni Russ. Tinabihan ko si Karis. "oo talgang maganda ang pangalan nya... kaya nga nagustuhan siya ni Ian eh" sabi ko.
Natawa ng husto ang mayabang na lalaki.
"oh my god.... What the f*** ! look at you? ikaw ba ang luka lukang si Cassett? yung dating kaibigan ni Ram?" tumawa pa to ng mas malakas. "look sis, look at her!"
Napatingin sakin si Lacey, tumawa din ito ng malakas.
"gosh... what a mess?" arte ng babaeng ito. "don't you know how to use a hair brush?"
Napatingin ako sa salamin. Halos napatalon ako kay Karis sa gulat ko. Peste! ang gulo ng buhok ko.
Makatawa naman itong dalawang to, wagas! Parang wala ng bukas.
"you're so funny" tawa ni Liam.
Plak! sound effect ng libro ni Karis sa mukha ni Liam.
Guess who kung sino bumato.
Ako!
Natigilan ang lahat, ang sama ng tingin ni Liam sakin.
Sinampal ako ni Lacey "how dare you to hurt my brother, you b***" pagtataray nito.
Hawak ko padin ang pisngi ko... yung totoo Lacey, star player kaba ng volleyball team... natanggal yata yung ngipin ko sa lakas ng sampal mo.
Sinampal siya ni Karis. "how dare you din na sampalin at insultuhin ang kaibigan ko!" taray ni friend.
Sasampalin sana ni Lacey si Karis pero hinila ni Rukia ang buhok nya.
"bruha ka! don't you dare na sakatan ang mga friend ko!" pinagsasabunot ni Rukia si Lacey.
Shit! F*** lahat na yata ng mura narinig ko sa mga boys. "stop it... girls..." Taranta nilang lahat.
Nagpahinto din si Rukia. Abot kisame ang kilay nya ng makita nyang napayakap si Lacey kay Ray.
"Liam, Lacey! go home! sigaw ni Ram.
Habang inaayos ang sarili. "you will regret this! all of you!" sabay titig nang masama ni Lacey samin... mukha siyang witch. Magandang witch.
Tinitigan ako ni Liam. Si Moon ang humarap sa kanya.
Biglang napangiti ng nakakatakot si Liam.
"don't even think about it! seryoso si Moon.
"Liam!" sigaw ni Ram. "enough! go home!"
Pagtalikod nya... tinitigan nya ng masama si Russ, Ray at Moon tapos kinindatan si Karis.
Lakas ng sanib ng magkapatid nato.
Nung mahimasmasan na ang lahat.
"I'm sorry guys... kahit ako nagulat nung nandito pala ang dalawang yun, kaya nga nauna na kong pumunta dito sa inyo, malapit lang kasi yung isang ancestral house namin dito, hindi ko alam na sumunod pala sakin ang dalawang yun pabalik ng Pilipinas" paliwanag ni Ram.